Sahara Bernales sa amang dating trans woman: “Never ko siya ikinahiya.” (uyen)

Nagkwento ang VMX star na si Sahara Bernales tungkol sa kanyang ama na dating trans woman. Ayon sa aktres, proud na proud siya sa kanyang amang salon owner na protective ever since she was a little girl.

PHOTOS: pikapika.ph

Nagkwento ang VMX star na si Sahara Bernales tungkol sa kanyang ama na dating trans woman. Ayon sa aktres, proud na proud siya sa kanyang amang salon owner na protective ever since she was a little girl.

Proud na proud ang VMX star na si Sahara Bernales sa kanyang amang salon owner na dating trans woman.

Ibinahagi niya ang kwento tungkol sa kanyang ama sa press conference ng VMX film na Maryang Palad nitong Biyernes, November 15.

“’Yong father ko, transgender po siya dati,” kwento ng aktres. “Si papa kasi [dati] babaeng-babae siya tapos nagpa-pageant pageant. Kinekwento niya dati nagpapatable pa daw siya sa mga lalake kasi kinesa (makinis) si papa dati tapos ang haba ng hair niya. Talagang babae. Tisay tisay, ganun.”

Dagdag pa ni Sahara, ang kanyang ama ang nagturo sa kanyang rumampa at magpaganda. Bago kasi siya magVMX, isang pageant kontesera at freelance model ang VMX actress.

“Siya po ‘yong tinuro sa aking rumampa sa mga pageant, siya po ’yong nagme-make-up sa akin dati ta’s ’pag may parada, siya ’yong gumagawa ng sasakyan ko,” sabi niya.

Natanong din si Sahara ng press kung, once in her life, ay kinahiya niya ang kanyang ama dahil sa pagkatao niya.

“Ay never po!” sagot naman niya. “Ngayon, malambot pa rin [si papa]. Lagi siyang nag-sho-shorts na maliit tapos sando ’pag nasa bahay. P*kp*k shorts po.”

Dagdag pa ni Sahara na happy naman ang kanyang ama na may anak siyang nag-a-artista to the point na nakapost ang mga picture ng aktres sa salon niya.

“’Yong mga picture ko po sa parlor niya, ang lalaki!” sabi niya.

Nagbalik-tanaw din si Sahara sa mga panahong binully siya ng kanyang mga kaklase dahil sa pagkakaroon ng amang trans woman noon.

“Natural naman po ’yon ’pag bata. Si papa kasi ’pag nalaman niya ’yon, pupunta siya sa ekswelahan, eh. Takot na takot ’yong mga teacher. Pagsasabihan nila ’yong mga kaklase ko na huwag akong aawayin kundi sila yari sa tatay niyan kasi matapang si papa, matalak din,” sabi niya.

“’Yon ’yong pinakagusto ko kasi sobrang protective father niya,” dagdag niya.

Ngunit, pinapanood ba ng tatay niya ang kanyang mga pelikula sa VMX?

“Hindi ako sure kung ako ang pinapanood niya,” patawang sagot ni Sahara. “Baka ’yong mga nagiging partner ko! Ewan ko kasi hindi naman maiaalis ’yon sa kanya.”

“Parang barkada [ko] ang papa ko,” dagdag niya. “Kapag nag-iinuman kami, sasabihin niya, ‘Guwapo nun ah.’ tapos sabi ko ‘Ay cutie ba? Gusto mo pakilala kita?’ tapos sasabihin niya ‘Hindi nahihiya ako.’ so parang close lang [kami]. Parang barkada lang.”

Nagsimula sa showbiz si Sahara pagkatapos maging daily winner ng “Sexy Babe” contest ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime noong April 2022.

After appearing in a number of VMX films such as KatasHimas, and Throuple, bibida ngayon si Sahara bilang titular character ng pelikulang Maryang Palad.

Currently streaming on VMX, the film stars Sahara, Vince Rillon, Jem Milton, and Mark Dionisio and directed by Rodante Pajemna, Jr.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News