Antonio Vinzon, the next big star ng GMA-7?

Meet Antonio Vinzon, the boy next door who steals hearts

Si Dagul, ang karakter na ginagampanan ni Antonio Vinzon, ang isa sa mga napapansin ng manonood ng primetime action-drama series ng GMA-7 na Mga Batang Riles.

Ito ang dahilan kaya dumarami na ang bilang ng mga tagahanga ng anak ng veteran actor na si Roi Vinzon.

antonio vinzon mga batang riles

Antonio Vinzon as Dagul in Mga Batang Riles

Photo/s: GMA Network

Natutuwa at hindi makapaniwala si Antonio sa mga papuring natatanggap, pero hindi niya kinalilimutan ang mga payo ng amang si Roi.

Pahayag ni Antonio: “Marami po akong natutunan, maraming leksiyon ang nangyari sa buhay ko.

“Pero lagi pong sinasabi sa akin ng papa ko, ‘Please stay grounded, basta maging marespeto ka sa mga tao at dapat, lagi kang magalang.’

“Hindi ko naman iniisip na magiging ganito ako. Basta, I will do my best.”

Aminado si Antonio na may nararamdaman siyang pressure dahil sa mga inaasahan ng mga tao mula sa kanya.

“Hindi naman po nawawala yung pressure sa akin dahil sa mataas na expectations.

“Basta ang masasabi ko lang, I will do my best.

“Ipapakita ko sa mga tao na kahit anak ako ng isang batikang aktor, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para maipakita ko sa mga tao na kaya ko talaga na makipagsabayan.”

antonio and roi vinzon

Antonio Vinzon and dad Roi Vinzon
Photo/s: GMA Network

 

Marami ang nagsasabing malaki ang tsansang sumikat si Antonio bilang aktor dahil sa mga positibong reaksiyon sa kanyang pagganap sa Mga Batang Riles.

Reaksiyon dito ni Antonio, “Para sa akin, si Lord na po ang magde-decide kung sisikat ba ako o hindi. Basta gagawin ko lang ang mga dapat gawin.”

ROI DOES NOT WANT ANTONIO TO JOIN SHOWBIZ

Sa hiwalay na panayam ng Cabinet Files kay Roi, kinumpirma nitong ayaw niyang mag-artista noong una si Antonio.

Pero nagpumilit si Antonio kaya napapayag na rin ang beteranong aktor, basta huwag lamang pabayaan ng anak ang pag-aaral.

At dahil menor de edad pa lamang si Antonio, 16, hindi siya pinapayagan ng kanyang mga magulang na pumunta itong mag-isa sa mga pagtitipon.

Kuwento ni Antonio, “Kahit may driver, kailangan kasama ko ang parents ko sa mga important meetings, important occasions.

“Lahat po ng lakad ko, ipinagpapaalam ko. Kapag hindi po ako pinayagan, pinipilit ko talaga ang papa ko.

“Sinasabi ko, ‘Papa, once in a lifetime lang ito. Pagbigyan mo na ako.'”

Sixteen years old pa lang si Antonio, pero napagkakamalang mas matanda siya sa kanyang edad.

Saad ng Kapuso young actor, “Marami ang nagugulat na 16 years old lang ako. Akala nila, 22 years old na ako.

“Grade 11 po ako. Naba-balance ko naman po ang pag-aaral ko.

“Ako pa ang nagpilit sa kanila [his parents] na payagan akong mag-artista.

“Sabi nila, ‘Gawin mo na lahat, huwag mo lang pabayaan ang pag-aaral mo.’”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News