May pinaglaruan si Kris Aquino. Hindi nalutas na sakit, mayroon bang mahiwagang espirituwal na dahilan?/hi

Kris Aquino sa kanyang kondisyon ngayon: ‘I really want to stay alive’

Nananatili pa ring positibo ang Queen of All Media na si Kris Aquino matapos ma-diagnose ng ikalimang autoimmune illness.

 

Sa panayam ng matalik niyang kaibigan na si Boy Abunda sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ ngayong February 14, araw ng ika-53 taong kapanganakan ni Kris, inihayag niya ang kanyang mga realization sa gitna ng pakikipaglaban sa matitinding sakit.

 

“Pahiram na lang ito ng Diyos, binigyan ako ng bonus so whatever days are left, kung ano man ang natitira, is a blessing but I really want to stay alive. I mean, sino ba naman ang sasabihin na handa na ako mamatay?”

 

Sa kanyang 53th birthday, punong-puno ng gratitude ang batikang TV host sa kanyang mga tagahanga at kinuha rin ang oportunidad na magpasalamat sa mga taong nagdarasal sa kanyang paggaling.

“‘Di ko kayo bibiguin dahil sumuko ako, wala sa pananaw ko sa buhay na pwedeng sumuko, kailangan lumaban. ‘Di ko ipapahiya ang sarili ko sa inyo dahil binigyan n’yo ako ng pinakamagandang regalo, ‘yung pagmamahal ninyo at ‘yung pagsuporta ninyo, pagdarasal ninyo dahil wala naman akong nagawa para sa inyo pero kayo sobra ‘yung binibigay n’yo sa ‘kin na lakas because I know na you’re praying for me and that’s the biggest gift anyone can give.”

 

Sa panayam, umiral din ang pagiging ina ni Kris sa kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby.

“Bimb is only 16. I made a promise to him na until he becomes an adult, I will really do everything, lahat gagawin ko dahil hindi naman sikreto sa mga tao na Josh falls under the autism spectrum. Ako lang mismo ang nagpalaki doon sa dalawa. Kailangan pa nila ako.”

 

Dagdag pa niya, gusto pa niyang mabuhay nang matagal para maging stage mother sa mga ito.

“I refuse to die. Talagang pipilitin ko ang next chapter ko is to become a stage mother. I want to still be here when I’m 63.”

 

Narito ang iba pang highlights ng panayam ng King of Talk sa Queen of All Media.

Low hemoglobin count

Tatlong linggo ang nakararaan, nagkaroon ng blood panel si Kris Aquino kung saan nalaman niyang bumagsak ang kanyang hemoglobin count. Kwento ng Queen of All Media, “I fell to below nine, that was the first time na nag 8.7 ako. In other words, kung nasa Pilipinas ako, binibigyan na sana ako ng blood transfusion and when you have autoimmune, ang tinitingnan mo don ‘yun inflammatory panels that means kung ano ang namamaga sa loob namin.”

Inflammation

Ayon kay Kris Aquino, kontrabida sa kanyang buhay ang autoimmune disease na Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis (EGPA) o Churg-Strauss syndrome, isang rare form ng vasculitis. Aniya, nahihirapan ang kanyang dugo na dumaloy sa kanyang katawan dahil sa pamamaga ng kanyang blood vessels. Na-diagnose siya ng sakit na ito kung kailan nasa ikatlo at huling phase na siya nito noong April 2022.

Unavailability of needed medicine in the Philippines

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi rito nagpapagamot sa Pilipinas si Kris Aquino ay dahil sa kawalan ng gamot para sa kanyang mga sakit. Hinaing niya, “Right now, meron akong chemotherapy which is immunosuppressant, methotrexate… and I’m also taking Dupixent. Malaking problema ‘yan because that is not readily available sa Pilipinas. Wala siya, they have no FDA. Hindi pa sila nag-a-apply and unfortunately for me, that’s also not available in Singapore. Bumalik ako do’n sa inumpisahan ko sa Houston, Nucala. that’s the brand. Nucala is available in Singapore pero wala pa siyang FDA na kahit man lang nag-apply wala sila sa Pilipinas. Right now, two of the three medicines I’m on, hindi available sa Pilipinas.

Fifth autoimmune illness

Ibinunyag ni Kris Aquino na mayroon siyang ikalimang autoimmune illness. Aniya, maaaring mixed connective tissue disease o rheumatoid arthritis ito. Ilan sa mga sintomas na nararamdaman ni Kris ay pamamantal ng balat sa mukha o butterfly rash, mababang hemoglobin count, fluctuating blood pressure, at pamamaga ng tuhod.

Cardiovascular disease

Pag-amin ni Kris Aquino, tinamaan na rin siya ng komplikasyon sa puso dahil sa pamamaga ng mga muscle na nakapalibot at organ hanggang sa middle layer nito. May panahong umabot sa pagitan ng 120 hanggang 146 ang kanyang heart rate.

Biologics

Crucial ang susunod na anim na buwan sa pagpapagamot ni Kris Aquino sa kanyang sakit sa puso. May dinevelop na biological medicine para sa kanya pero, aniya, kapag hindi ito tumalab, maaari siyang mag-cardiac arrest. “There’s a big risk involved with that medicine because hindi ka bibigyan ng gamot na ‘to hanggat ‘di ka binibigyan ng steroid na binibigay para hindi ka magkaroon ng anaphylactic shock. So on Monday, magbe-baby dose muna ako. Titingnan nila kung kakayanin ko, bibigyan ako ng pangalawang dose but this will go on. I need a total of four doses of this medication. Hindi predictable.”

Lung complications

Bukod sa kanyang puso, may komplikasyon na rin si Kris Aquino sa kanyang baga. Mayroon siyang diffuse scleroderma, na isang sintomas ng CREST syndrome. Dahil dito, maaari siyang magkaroon ng pulmonary hypertension. Ayon sa TV host, may nakita nang nodules at mga sugat sa kanyang kanang baga. May persistent dry cough din siya sanhi ng adult onset asthma.

Allergic to several medicines

Tanong ni Boy Abunda kay Kris, bakit nga ba hindi ito gumagaling kahit sa mga mahuhusay na espesyalista sa ibang bansa siya nagpapakonsulta? Sagot ni Kris, ito ay dahil may allergy siya sa maraming klase ng gamot at pollutants sa kanyang kapaligiran. Naninikip din ang kanyang dibdib sa tuwing nakakalanghap ng alikabok. Pati damo ay nagti-trigger din ng kanyang allergy.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News