Kim Chiu, Paulo Avelino binitbit KimPau hanggang sasakyan
Ang lakas ng karisma nina Kim Chiu at Paulo Avelino dahil hindi lang sa teleserye umabot ang kanilang love team, kundi binitbit pa ng dalawa hanggang sa sasakyan ang kanilang team up.
Ang tambalang KimPau ang naging dahilan kung bakit sila ngayon ang pinakabagong digital endorser ng isang South Korean brand na sasakyan na kilala dito sa ‘Pinas.
Ibinida ni Paulo sa kanyang Instagram ang sedan variant ng brand at ang kakayahan nitong makapag-charge ng laptop sa kahit na anong oras at lugar.
Bago pa nagposte si Paulo, nauna nang ibinahagi ni Kim sa sarili nitong IG, ang SUV variant naman ng parehong brand na ang feature naman ay “smartsense”.
Pero sa totoo lang, June pa lang nagsimula nang i-promote ni Paulo sa kanyang socmed ang nasabing international car brand. Nitong July lang sumawsaw si Kim.
Hindi na nakakagulat kung isa sa mga araw na ito ay magkasama na sa iisang video ad ang dalawa lalo’t pareho na silang digital image model nito.
Ito ang maliwanag na resibo sa namamayagpag na love team ng dalawa, dahilan para mas lalo siguro silang mapilitang magkagustuhan at magkaroon ng relasyon sa isa’t isa. (Rey Pumaloy)