Shocking: Donny Pangilinan gets harsh criticism from his mother Maricel Laxa for his addiction to mobile games – their relationship is on the rocks/hi

Pagkahilig ni Donny Pangilinan sa mga mobile games, naging source of conflict nila noon ng mommy niyang si Maricel Laxa

Healthy boundaries ang sagot ni Maricel Laxa para sa mga magulang at anak na gaya nila ng eldest son n’yang si Donny Pangilinan na nahuhumaling sa paglalaro ng online games. “Yes, dadaan ka talaga doon and hindi maiiwasang ma-enjoy ng mga bata ’yong mga games. I think, bilang magulang kailangan nating gumawa ng mga boundaries,” she said.

PHOTOS: Tom Pornel

Healthy boundaries ang sagot ni Maricel Laxa para sa mga magulang at anak na gaya nila ng eldest son n’yang si Donny Pangilinan na nahuhumaling sa paglalaro ng online games. “Yes, dadaan ka talaga doon and hindi maiiwasang ma-enjoy ng mga bata ’yong mga games. I think, bilang magulang kailangan nating gumawa ng mga boundaries,” she said.

Naging conflict pala noon sa pagitan ng mag-inang Maricel Laxa at Donny Pangilinan ang paglalaro ng huli ng mga mobile games.

Naikuwento nilang dalawa ito sa ginanap na media conference kahapon, January 10, para sa upcoming esports [electronic sports] movie nila na “GG (Good Game): The Movie:”

Dahil may kinalaman sa online and mobile games ang kanilang pelikula ay natanong entertainment press ang mag-ina kung nagkaroon din ba ng phase sa noon na nagka-conflict sila dahil sa pagkahilig ni Donny sa mga iyon.

Ayon kay Maricel, nagiging sanhi raw ng pagtatalo nila noon ng kanyang anak ang pagkahumaling nito nang husto sa paglalaro kahit during meal time.

Nu’ng malaki na s’ya, medyo nalulong s’ya sa Mobile Legend. Pag kumakain na kami, sasabihin ko, ‘Donny, it’s time to eat!’ ‘Yes, Mama. Yes, Mama.’ [Perohindi dumadating,” pambubuko ng aktres sa guwapong binata niya.

Cool naman dito si Donny na s’ya mismong nagtuloy ng kuwento sa press people.

Ang ginagawa n’ya, tinatawagan n’ya ’yong cellphone ko. Makikita sa screen, mag-i-stop ’yong laro, kailangan kong bumaba [sa dining room]. Wala akong choice,” pag-amin n’ya na ikinatawa ng lahat.

Naaasar nga daw s’ya dahil nabibitin ang kanyang paglalaro.

Naiinis kasi mananalo na kami. Anong gagawin ko, tumatawag s’ya,” pagpapakatotoo n’ya.

“Joke lang. Hindi, nage-gets ko naman kasi, s’yempre, dinner time. Kailangan lahat [kaminasa baba. E, nag-ge-games pa ako sa taas,” dagdag pa ng Kapamilya actor.

Nauunawaan naman daw iyon ni Maricel dahil ganu’n daw talaga ang anak n’ya ever since pagdating sa mga games.

“So, pag meron s’yang game na gustong matutunan talagang gusto n’yang mag-excel doon at maging at the top level,” she shared.

Maraming beses daw na nagkaka-conflict sila dahil dito pero naghihinay-hinay rin naman daw s’ya sa kanyang eldest son.

Maraming times… Kaya sinasabi ko wag tayong judgmental. Maraming times, nakayuko si Donny pero hindi naglalaro ng game. Minsan nagbabasa lang o kaya may sino-solve lang na puzzle,” lahad n’ya.

Bilang isang ina, aware daw s’ya talagang dadaan sa ganu’ng stage ng buhay ang mga bata habang lumalaki sila.

“Yes, dadaan ka talaga doon and hindi maiiwasang ma-enjoy ng mga bata ’yong mga games. I think, bilang magulang kailangan nating gumawa ng mga boundaries. And, I think, healthy boundaries helped you, right?” tanong n’ya sa anak.

Sinang-ayunan ito ng aktor.

Totoo naman. Too much of anything naman is wrong. So, with moderation… Kailangang iniisip mo din ’yong ibang priorities mo,” he said.

Kasabay nito, kailangan din daw unawain ang mga online gamers at kung bakit sila nahihilig sa paglalaro.

“But you also have to understand people who go through this. Kasi if you’re playing a game, baka ’yon ’yong mismong rest mo sa araw na ’yon, ’di ba, sa dami mong trabaho,” punto ni Donny.

“It is also your way of meeting people, also your way of expressing yourself. So, there are reasons why we do it and you also need to understand where people are coming from so you can relate with them as well,” pagtatapos n’ya.

Sa pelikula, mag-inang may generation gap ang role nina Maricel at Donny dahil hindi nare-realize ng mga parents and older people na may future din sa paglalaro ng online games.

For Donny naman, ang online games ang naging daan para sa karakter n’yang si Seth na ma-meet ang kanyang Tokwa’t Bad Bois barkada.

Samantala, maliban sa mommy n’yang si Maricel, kasama rin dito ni Donny sina Boots Anson Roa, Baron Geisler, Gold Aceron, Johannes Rissler, Igiboy Flores, Kaleb Ong, the late veteran actor Ronaldo Valdez, and more.

Mapapanood ang GG (Good Game): The Movie sa mga sinehan simula January 24.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News