WATCH NOW: Christopher de Leon and Sandy Andolong make a plea to Lotlot de Leon’s attackers is revealed as Lotlot try to do this

Christopher de Leon at Sandy Andolong, naghayag ng suporta kay Lotlot de Leon

Sandy Andolong, may pakiusap sa bashers ni Lotlot de Leon.
sandy boyet lotlotSandy Andolong (in white) on Lotlot de Leon (right): “Tigilan na nila si Lotlot sana… Nananahimik na nga lang yung tao. But her love and respect for her mother did not, nor will ever, change—that’s a fact.”Bukod kay Ian de Leon, nagbigay rin ng inspiring message ang mag-asawang Christopher de Leon at Sandy Andolong sa post ni Lotlot de Leon tungkol sa pagiging ampon nito.

Si Lotlot ay adopted daughter ni Christopher at ng dati niyang asawang si Nora Aunor. Biological son nina Christopher at Nora si Ian.

Komento ni Sandy sa post ni Lotlot: “Tight hug @ms.lotlotdeleon [smile emoji] You are loved by many especially your dad, me & the de Leon clan [heart emoji]”

Sinagot naman siya ni Lotlot ng “@sandy_andolong I love you nay [heart emoji]”

Nagpasalamat din si Sandy sa manager ni Lotlot na si Leo Dominguez sa pag-aalaga nito sa aktres.

Komento naman ni Boyet: “[heart and rose emoji] Daddy is just a phone call away [heart emoji].”

Sagot ni Lotlot: “@sgt.pepper8 I know dad and I love you always [heart emoji].”

Sandali kong naka-text si Sandy, at sinabing hangad niyang matapos na ito at sana ay tigilan na ang pamba-bash kay Lotlot.

“Tigilan na nila si Lotlot sana,” unang text sa akin ni Sandy.

“Wala naman silang alam talaga sa mga pangyayari, e. They do not know the whole story. Tinga-tinga lang ang alam nila, madalas mali pa.

“Nananahimik na nga lang yung tao. But her love and respect for her mother did not, nor will ever, change—that’s a fact.

“We love inspite of, not because.”

Sinubukan din naming hingan ng pahayag si Nora Aunor kaugnay sa ipinost ni Lotlot, pero sabi ng publicist niyang si Rodel Fernando, pagdating kay Lotlot, mas gusto ng Superstar na manahimik na lang.

Noranians ba iyong namba-bash kay Lotlot?

Kung si Nora ay tahimik lang pagdating kay Lotlot, mabuting manahimik ang mga “nagmamarunong,” na sabi nga ni Sandy ay tinga-tinga lang ang alam.

Hangad nating magkaayos ang mag-inang Lotlot at Nora.

Late ‘80s pa iyang usaping “ampon-ampon-ampon” na pinakinabangan noon ng isang pelikulang idinirek ng namayapang Temyong Marquez.

Sana, Mahalin Mo Ako ba iyon?

NOEL FERRER

Alam ko ang nasa puso ni Lotlot at mabuti ang naturalesa niya.

Mahal natin ang pamilya niya at hindi natin pipilitin ang galaw nila, at patuloy nating ipagdarasal ito.

Sabi nga ng Ben & Ben sa kanta nilang “Leaves,” “All will be alright in time.”

Tama iyan. May tamang panahon ito. Pero may caveat din ang kanta “if we learn to forgive.”

Patuloy tayong mananalanging marating nila ang puntong ito. Sa takdang panahon.

Sa ngayon, higit na pang-unawa at pagmamahal ang kailangan para mag-co-exist ang ganitong dynamics ng pamilya.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News