Diyos ko! Ang mahiwagang katotohanan sa likod ng paghihiwalay nina LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL ay hindi ka kapani-paniwala/th

Matapos ang walong taon ay hiwalay na umano ang magkasintahan na sina Liza Soberano at Enrique Gil, ayon sa dating manager ng aktres na si Ogie Diaz.

Sa kanyang YouTube vlog nitong Martes (May 30), sinabi ni Ogie na nagpasyang maghiwalay na ang dalawa sa kagustuhan umano ni Liza na mag-focus muna sa kanyang karera.

“Ang nakarating sa atin, hiwalay na sina Enrique Gil at Liza Soberano. Hindi ko alam kung pareho nilang gusto ‘yun pero ang nakarating sa atin ay choice ni Liza na tutukan muna ang kanyang career programming, kaya wala na raw,” ani Ogie.

“Ang nakarating sa atin ay si Enrique Gil ‘yung nagpu-push pa na baka kaya, na baka posible pa ring maituloy, pwede naman niyang i-allow si Liza kung ang gusto ni Liza, na ito pa rin ang kanyang Hollywood dream pero sila pa rin.”

Ayon kay Ogie, nagsimula ang usap-usapan ng hiwalayan nina Liza at Enrique nang mapansin ng netizens na tila hindi na binabanggit ng aktres ang pangalan ng nobyo sa social media o sa kanyang interviews.

“Parang nag-ugat ito sa mga pronouncement o naging statement o mga nakaraang interviews ni Liza, never niyang binanggit si Enrique Gil,” ani Ogie.

“Tapos ‘yung parang hindi pa siya pabor sa mga pagtatatag ng love team kaya nagkaroon ng agam-agam na baka nga wala na sila kasi una, hindi niya pinagmamalaki ang boyfriend, kasi kung ano magpo-post ‘yan si Liza,” sabi pa niya.

Dagdag pa ni Ogie, kahit noong kaarawan ni Enrique ay wala rin umanong pagbati si Liza para sa nobyo sa social media.

“Pero nanatiling nananahimik sila pareho sa isyung ito. Parang ‘yun na lang ang konklusyon ng karamihan lalo na ng mga sumusubaybay sa LizQuen, kung wala na ba talaga sila,” paliwanag niya.

Ayon pa sa veteran showbiz reporter, nakadagdag din umano sa hindi pagkakaunawaan ng dalawa ang nakaraang pag-uwi ni Liza mula sa Amerika.

“Hindi alam ni Enrique Gil na dumating pala rito si Liza at sinundo siya ng management niya,” pagbubunyag ni Ogie. As usual, sana hindi totoo na hiwalay na sila, sana kung meron mang gap o meron mang hindi pagkakaunawaan, miscom (miscommunication), misunderstanding ma-patch. Sayang, ilang taon din sila, 8 years. Sayang din ‘yun ‘di ba?”

Sa posibilidad na may third party sa hiwalayan nina Liza at Enrique, sagot ni Ogie: “’Yan ang hindi natin alam.”

“Kaya lang siyempre ganoon talaga, kung totoo man na wala na sina Enrique at Liza, ang importante naman lagi sa relasyon ay nag-end up kayo as still friends, kung ‘di man friends ay mag-end up kayo na civil with each other,” sabi pa niya.

Bilang dating talent manager ni Liza ay nalulungkot umano si Ogie para sa dalawa.

“Nakakalungkot ito dahil ako ‘yung tipong tingin ko sa kanila nung kami pa ni Liza ng manager-talent, ang ganda ng relasyon nila eh. Pero ewan ko siguro, hindi nga natin alam kung anong mangyayari bukas eh. People really change and they should be open to changes. ‘Yun ang narinig ko, na ayaw na ni Liza, si Quen gusto pa, kaya lang nga alpha girl din ‘tong si Liza. Anyway, sana hindi totoo,” sabi ni Ogie.

“Kung totoo man po, isa po akong nalungkot, wa echos kasi I’m rooting for both of them na ang ending nila kasal kasi alam ko kung gaano kamahal ni Quen si Liza, ganoon din naman si Liza kay Quen. Pero siyempre itong case na ‘to, hindi natin alam kung ano ‘yung rason ng kanilang split up. Pero wala pa namang announcement so ‘yun ang ating aabangan,” dagdag niya.

Matatandaang kamakailan lamang nang nilinaw ni Enrique na nananatiling maayos ang relasyon nila ni Liza.

“We’re good,” ani Quen sa panayam ng TV Patrol noong Abril.

“She’s just really busy with her stuff there [in the US]. I am going to be visiting her maybe when my schedule clears up. I think she’s coming back here. But yeah, we’re good.”

Idiniin din ng aktor ang kanyang pagmamahal at suporta para sa nobya.

“I just really support her no matter what. I know it’s hard going into a new path but I support her nonetheless and who knows you might be seeing her come back in the near future,” ani Quen.

“Because Hope (totoong pangalan ni Liza) is in the U.S., she is doing her own thing which I am going to support no matter what. I love her to death,” sabi pa niya.

Samantala, noong Marso ay humingi naman ng tawad si Liza mula kay Enrique sa gitna ng kaliwa’t kanang kontrobersiyang kinakaharap nito matapos ang kanyang controversial tell-all vlog.

“I feel like I should say sorry [to Quen] for not being as understanding or being able to see his struggle because I was struggling at the same time, too. But I wanna say thank you because he was very understanding of the whole situation,” ani Liza.

“He supports me with everything that I do and he’s always been a good friend to me, a good boyfriend and everything that I have lahat ng success ko, he was the person that I get to share in that way. And it was a good experience,” sabi pa niya.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News