Beauty Gonzalez recalls funny incident meeting GMA-7’s Felipe L. Gozon
Actress Beauty Gonzalez (left) shares a funny encounter with GMA Network chairman Felipe L. Gozon at the network’s Christmas special.
PHOTO/S: @beauty_gonzalez on Instagram / Karen A.P. Caliwara
Satisfied si Beauty Gonzalez sa kanyang higit tatlong taong pagiging bahagi ng GMA Network.
“Para naman akong tanga kung magko-complain ako. I’m very happy. I’m very happy,” giit ng aktres.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Beauty pagkatapos ng presscon proper ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 3 noong December 14, 2024.
Ang Kapuso action-comedy series ay pinagbibidahan nina Beauty at Senator Bong Revilla.
Naikuwento pa ni Beauty na niyakap at pinasalamatan niya si GMA Network chairman and former chief executive officer Felipe L. Gozon sa Christmas special ng GMA-7 kamakailan.
Nais daw kasi niyang magpakita ng appreciation sa magandang kalagayan niya sa network.
Subalit hindi raw pala siya kilala ng network executive.
Hindi maiwasang matawa ni Beauty habang ikinukuwento ang pangyayari.
Pagdedetalye ng aktres, “Nakita ko nga si Mr. Gozon, sabi ko, ‘Mr. Gozon,’ sabi ko, ‘I love you!’
“Sabi niya, ‘Sino ka?’”
Sagot naman daw ng aktres, “Si Beauty.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Naitanong muli kay Beauty kung hindi ba siya kilala ng former CEO ng GMA.
Sagot ni Beauty, “Oo, e. Pero nagpakilala ako kasi thankful ako. I wanna be thankful, e.”
Pahabol niya ukol sa eksenang iyon, “If di ka kilala, pakilala ka. You make things happen. It’s okay.”
Actress Beauty Gonzalez candidly recounts recent encounter with GMA-7 Chairman Felipe L. Gozon.
Photo/s: Bernie V. Franco / ABS-CBN It’s Showtime on YouTube
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
NO NETWORK CONTRACT WITH GMA
Mula sa ABS-CBN, lumipat at pumirma ng kontrata sa Kapuso network si Beauty noong June 2021.
Nagsunud-sunod ang proyekto niya sa Kapuso network pagkatapos pumirma ng kontrata.
Kabilang na rito ang Loving Miss Bridgette (2021), The Fake Life (2022), Mano Po Legacy: The Flower Sisters (2022), Stolen Life, at itong Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na season three na.
Sundot pa ng aktres, “Nakakaloka nga, e, to think about it, wala akong [network] contract.” Malinaw sa sinabi ni Beauty na hindi pa nagkaroon ng contract renewal.
Pero hindi na raw ito mahalaga kay Beauty dahil sunud-sunod naman ang mga ibinibigay na projects sa kanya ng network.
Sabi niya, “I don’t mind. It really doesn’t matter to me.
“Sa akin naman, ang ganda ng mga projects na binibigay nila sa akin.
“And sobrang thankful ako sa mga projects na binibigay nila…” a
Si Beauty ay homegrown talent ng Kapamilya Network.
CONTINUE READING BELOW ↓
Naging housemate siya sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus noong 2008. Siya ang hinirang na fourth Big Placer.
Iyon ang naging tiket ni Beauty para magtuluy-tuloy ang showbiz career niya sa ABS-CBN.
Natanong si Beauty kung bukas ba siya sa posibilidad na gumawa ng proyekto sa dating kinabibilangang network.
“Of course, of course,” sagot niya.
“If given the chance, if papayagan ako ng GMA. Siyempre, nandito ako ngayon, e. Respeto naman.”
BEAUTY ON WALANG MATIGAS NA PULIS…
Ayon kay Beauty, hindi niya inasahang magkakaroon ng season three ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Ginagampanan ni Beauty ang role ni Gloria, ang asawa ng lead star na si Tolome, na ginagampanan ni Bong.
“Akala ko hanggang season two lang,” sabi ni Beauty.
“Alam ko gagawa siya [Bong] ng pelikula na Alyas Pogi, so akala ko yun na yung ending namin.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“So, nung nagka-season three, na-shock ako.”
Pero isa raw itong magandang balita para sa kanila.
“Siyempre, natutuwa ako kasi I love doing comedy, e.”
Naipamalas daw ni Beauty ang comic side niya sa proyektong ito.
Bilang parte ng promotion, naglabas daw ng mga tarpaulin at billboards ng kanilang show na magsisimula sa December 22, 2024.
Biro raw niya kay Bong, “Sen, para naman akong si Kathryn Bernardo, ang dami kong pictures diyan sa EDSA.’
“Sabi ko, thank you so much, kasi inaangat din niya ako, at inaangat kaming lahat.”
Get more updates on the Philippine entertainment industry on PEP.ph