Ian de Leon says he does not get affected when people compare his showbiz career to that of his parents, Nora Aunor and Christopher de Leon
But Ian gets hurt when people spread intrigues about his mom.
At ano naman ang masasabi ni Nora Aunor tungkol sa kanyang “mamanugangin” na si Jennifer Orcine (right)? “Mabait siya…mapagmahal,” reports Ian de Leon (left), ang nag-iisang anak ni Nora kay Christopher de Leon. Gusto raw kasi ni Ate Guy sa babaeng mag-aalaga sa kanyang anak.
Nag-judge sa Talentadong Pinoy ng TV5 si Kristoffer “Ian” de Leon noong Martes, September 27, sa Skydome ng SM North Edsa, at obvious na nag-enjoy ang aktor sa ginawa niya.
“Para kay mommy,” ani Ian, who was actually with his actress-mom, Nora Aunor.
Together with award-winning TV and film director, Jose Javier Reyes, bilang jury member, ang special edition ng top-rating Kapatid network talents showcase competition/reality search, as hosted by Ryan Agoncillo, ay isa ring tribute sa talento ng nag-iisang superstar.
Anim na Noranians o Nora Aunor impersonators ang naglaban-laban, para sa premyong limampung libong piso.
Nakatakdang isahimpapawid ang Talentadong Pinoy, dubbed as “Talentadong Superstar” ngayong Linggo ng gabi, Oktubre 2, sa Channel 5.
IAN’S DATE. Matapos ang programa ay nagyaya ang personal manager ni Ate Guy, si Boy Palma, for an early dinner, sa Pho’a, a Vietnamese restaurant, in Eastwood, Quezon City.
Magpapahinga muna ang Superstar kaya hindi na ito sumama.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
With Ian was his special date that night, Ms. Jennifer Orcine, his model-girlfriend.
As expected, maganda at matangkad si Jennifer (she stands 5’9″) na ayon kay Ian ay isang commercial model.
Sa unang tingin pa lang, masasabing ‘artistahin’ o kaya’y tipong ramp/fashion model, o kaya’y pang-beauty queen ang dating ni Jennifer.
Mag-aartista nga ba ang girlfriend ni Ian de Leon?
Medyo nahihiyang sumagot si Jennifer, o Jenny.
“Kung magkakaroon po [ng offer],” unang sagot niya sa tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
“Naku, ‘showbiz’ na ‘showbiz’ ang dating,” biro naman ni Boy Palma.
“Mahiyain talaga siya,” nangingiting banggit ni Ian, na hindi maiwasang mag-make faces kahit sino ang kausap.
“Kulit ‘no?” bawi naman niya. “‘Pag nagkukulitan kami [ni Jennifer]…”
Si Jennifer ang nagpatuloy ng sasabihin ng nobyo, “Sasabihin niya, ‘Hi, beauty queen!'”
Natatawa si Ian sa sariling kakulitan.
Pero, seriously, “Ano kami, walang lamangan. Gusto namin, equal. Teamwork kami.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Batid rin ng mga malalapit na kaibigan ng dalawa kung gaano ka-caring si Jenny sa kanyang actor-boyfriend.
Na ikinuwento na rin ni Ian sa una pa lamang pag-uusisa ng PEP, sa taping ng Sa Ngalan Ng Ina, sa Taal, Batangas.
Nahihiya mang magsalita, inamin naman ni Jennifer ang pag-aasikaso kay Ian.
“Yung mga damit niya [para sa taping], inaayos ko. Yung pagkain [na baon] niya,” pagtukoy rin ng magandang dilag.
Paano sila nagkakilala ni Ian?
Si Ian ang unang sumagot. “Through a common friend,” aniya. “Doon sa car shop ng friend ko; doon kasi ako nagpapaayos ng kotse ko, nagpapa-set up.”
Ani Jennifer: “Tapos, yung mismong [brand ng car], ako naman ang modelo nu’n.”
“Ang ganda ng love story namin, ano?” natawa lang si Ian.
Sandali lang kumain ang dalawa; nag-dessert lang si Ian, while Jenny ordered a bowl of green salad na hindi pa niya naubos at si Ian ang kumain ng kalahati nun.
Pero hindi sila tumayo sa kinauupuan nila hangga’t hindi nasasagot ang iba pang tanong ng PEP.
BONDING WITH ‘MOMMY’ GUY. PEP also asked Jennifer kung may worry ba siya, sa ngayon, sa relasyon nila ni Ian.
Na baka ma-intriga sila, or whatever?
“Wala naman,” marahang tugon niya.
Ilang beses nang nagkita nang personal sina Jennifer at ang mommy ni Ian na si Nora Aunor?
Si Ian uli ang sumagot. “Madami-dami na rin,” anang aktor.
Tumango si Jennifer, bilang pagsang-ayon.
Minsan na ring ipinakita ni Ian sa PEP ang kuhang litrato niya ng buong pamilya ni Ate Guy, na naroon pati ang mga supposed “in-laws”; ang husband ni Matet (Mickey Estrada) at ang ngayo’y girlfriend (wife-to-be?) ni Ian na si Jennifer.
“Oo, siyempre, hindi puwedeng mawala ‘yan. Siyempre, parte [na] siya ng pamilya,” pagmamalaki rin ni Ian de Leon.
At ano naman ang masasabi ni Ate Guy tungkol sa kanyang “mamanugangin”?
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Mabait siya…mapagmahal,” buong pagmamalaki uling banggit ni Ian.
Gusto raw kasi ni Ate Guy sa babaeng mag-aalaga sa kanyang anak.
Sa isang hiwalay na interview ng PEP, sinabi naman ni Christopher de Leon, Ian’s actor-dad, na magaganda ang girlfriends ng kanyang mga anak na lalake, na pinaka-panganay dito si Ian.
“Magaganda… tsaka mabait. Mabait,” pagsang-ayon uli ni Ian, referring to his lady love.
MORE ON JENNIFER. At this point, mas nag-focus naman ang PEP kay Jennifer, na tapos nang kainin ang share niyang salad. Um-order uli sila ni Ian ng iced tea.
“Yun pong mga lolo’t lola ko, sa province sila [nagmula]; lolo ko, from Bicol. My lola naman, from Gen. San [Gen. Santos City].
“Pero kami, dito na [ipinanganak at lumaki, sa Manila]. Kasama ko ‘yung mom ko. ‘Yung dad ko, wala na,” pag-inform ni Jennifer.
Apat silang magkakapatid, at pangatlo sa panganay ang dalaga.
Graduate siya ng kursong Tourism, sa Perpetual College, noong 2009.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
For a living, nag-model si Jennifer, at ngayo’y katuwang siya ni Ian sa itinayong advertising agency, ang Catalyst Media, na may office sa Parañaque City, where Ian resides with his dad, Boyet de Leon (in BF Homes Subdivision).
Sabi rin ni Ian, about Jennifer’s education and early career prospects.
“DFA [Department of Foreign Affairs] nga dapat [siya], e. E, wala, ‘naligaw’ yung landas niya nu’ng nakilala ako.
“Nahulog sa puso ko!” kuwelang pagtukoy ng mapagbirong aktor.
Seryoso naman si Jennifer tungkol sa binanggit ni Ian.
“Puwede pa rin naman [sa DFA]…kaso lang, kapag may mga balitang [negative], nakakatakot [din],” sabi niya.
Aware siya sa mga hindi magagandang ulat, na naaapektuhan ang turismo sa bansa.Bagay na hindi nalalayo sa showbiz, o sa kalakaran dito, na aware din naman daw ang dalaga, dahil sa sitwasyon ni Ian.
“Sanay na,” nangiti uli si Jennifer.
Hands-on siya sa pangangalaga kay Ian ngayon, na tulad daw sa isang personal manager ng aktor.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
At the same time, abala din siya sa pagpapatakbo ng maliit nilang business.
Ian shared with PEP na, sa ngayon, medyo hindi rin nila personal na naaasikaso ang upisina, na may tao namang napapagkatiwalaan.
“Panay-panay kasi ang taping, bihira kaming makapunta sa office lately,” sabi pa ni Ian, who has an important role in the mini-serye, Sa Ngalan Ng Ina, na magbubukas simula ngayong Oktubre 3.
Alam ng lahat na ang Superstar-mom ni Ian, na si Nora Aunor, ang bida sa SNNI.
Gayunman, hindi kinakalimutan ni Ian ang business na nai-put up nila ng girlfriend niya.
“Siyempre, importante yung future. Kailangan mag-trabaho ngayon; kayod ngayon, para sa kinabukasan,” seryosong banggit uli ng actor-son ni Mama Guy at Papa Boyet.
AWARD-WINNING ACTOR. Sa kanyang propesyon, o pagiging artista, hindi naman daw nababagot, o naiinip si Ian de Leon.Hindi rin niya nararamdaman ang anumang insecurity.
Mahalaga sa kanya ang longevity at ito naman ang nangyayari, mula nang makilala siya ng publiko bilang isang child actor, na ngayo’y isa na ring established character actor.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
For the record, isa nang premyadong aktor si Ian, having won best child actor awards, at nang mag-binata na ay nanalo na rin ng parangal sa pagganap, sa tinampukang television drama episode.
“Sana, tuluy-tuloy na rin,” hiling niya.
Hindi rin makikita sa kanya ang pagiging affected sa mga intriga, sa personal niyang buhay.
Mas apektado si Ian sa mga intriga o pagtuligsang naipupukol sa kanyang superstar mom.
“Actually, lahat [nga] ng questions sa akin, pag ini-interview ako, tungkol kay mommy [Nora].
“Hindi ka dapat mapa-apekto, basta ginagawa mo ang trabaho mo,” sabi rin ni Ian.
Hindi ba siya na-offend sa tanong ng isang veteran scribe, noong premiere night ng Sa Ngalan Ng Ina, na ang punto’y tila hindi siya masyadong “nag-level up,” career-wise?
“Kanya-kanya namang opinyon ‘yan, e,” pag-unawa ni Ian.
At 36, higit ngang malawak ang pang-unawa ni Ian, para maapektuhan ng anumang uri ng panunuligsa.
“Basta ako, ginagawa ko lang ang trabaho ko,” sabi pa niya. “‘Pag meron [trabaho], meron. Pag wala, di wala.”
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Na halos ganito rin ang depensa ni Ate Guy sa anak, when she said, “Kung hindi talaga para sa ‘yo, huwag mong pilitin…”
“Basta, masaya ako, pag nagta-trabaho ako,” sambit din ni Ian, sa pagtatapos ng interview.