Jessa Zaragoza Debunks Dingdong’s Claims
Jessa Zaragoza, hindi natinag sa bagong patutsada sa kanila ni Dingdong Avanzado (left). Humingi naman ng paumanhin kay Ian Veneracion (right) ang writer-scripwriter na si Ronald Carballo (not in photo).
PHOTO/S: @jessazaragoza / @ianveneracion1 Instagram
Feeling angry si Fujiwara Masashi sa Facebook post matapos maglabas ng official statement sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza kaugnay sa sinisingil niya.
Pahayag ni Fujiwara (published as is), “Jessa & dindong!! Are you calling me a liar? It is an undeniable fact that I handed over 3 million yen to the two of you at Makati Shangri-La and 2 million yen through Joed Serrano, so I will not say that I forgot.
“The payment for the condo was only 250,000 pesos, so we discussed what we should do with Joed Serrano and Bilinda Brights again at Makati Shangri-La, my sweet room, and Jessa and Dindong cried and apologized.
“The discussion ended with them agreeing to pay 10,000 pesos each. However, I was paid only 50,000 pesos in three installments until now. The condo is still out of my hands. This is an undeniable fact.
“Despite his sincerity in repaying the debt and repeated demands, he brazenly maintains a complacent attitude, saying things like, ‘Dad, why are you fighting with us?’
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“I actually helped them as Ninon when they were in trouble, but now they’re calling me a liar, and Bilinda and Joed can tell you the truth. Reflect and pay!! Jessa dindong.”
Nagpadala ng mensahe ang PEP Troika kay Jessa kung ano ang masasabi niya sa follow-up post ni Fujiwara.
Ani Jessa, “Our lawyers have told us to refrain from making any other statements apart from the official one that we’ve posted online for the meantime, since they’re reviewing all legal precautions as they prepare to take legal action against the accusations being sent towards us.”
Nabanggit sa official statement nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na kinakausap na nila ang kanilang abogado kung ano ang posibleng legal action kaugnay sa FB post ni Fujiwara Masashi.
Nanindigan ang mag-asawa na malisyoso at walang basehan ang paratang laban sa kanila.
Sa kabilang banda, nabanggit sa FB post ni Masashi ang producer na si Joed Serrano na tila may alam sa kuwentong ito.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Pero maingat si Joed sa mga pahayag niya kahit nasaksihan niya ang mga pangyayari. Naniniwala raw siyang maayos ito at hindi na lumala ang isyu.
“Maayos yan. Medyo may misunderstanding lang at miscommunications lang yan,” text nito sa amin.
Pero sa social media kasi idinaan ang problemang ito, na may mga nakialam at nakisawsaw sa isyu.
Kung hindi ito maayos at umabot nga sa demandahan, baka pati ang ibang nakialam ay madamay pa sa kaso. Abangan na lang natin!
JERRY OLEA:
Kaugnay naman sa TF ni Ian Veneracion sa two-hour parade, naglabas na rin ng advisory sa Facebook si Atty. Joselito Castro, ang Tarlac City Administrator.
Nakasaad sa FB page ng Tarlac City Information Office, “Contrary to a Facebook post suggesting Ian Veneracion’s participation in the Tarlac City Kaisa Festival’s Grand Float Parade, the festival organizers confirm no communication with Mr. Veneracion’s team.
“His negotiation with a private company seeking his participation was not completed. Join us in celebrating the Kaisa Festival with joy and camaraderie!”
Ang mga artistang pumarada sa Tarlac City noong Enero 19, Biyernes ay sina Francine Diaz, Seth Fedelin, Mikee Quintos at Paul Salas.
Nanindigan ang premyadong writer-scriptwriter na si Ronald Carballo kaugnay sa ibinunyag niya sa FB na TF ni Ian.
Post pa ni Ronald, “One thing is clear. Di ko siniraan si Ian Veneracion. Mahal ko yun. ‘Joey & Sons’ pa lang nung musmos pa sya nung 80s, tumulong na ko sa mga publicity nya.
“He was so nice to me, eversince. We are so nice to each other. I respect him as a good person; as an actor & as a concert performer, as well. Bilib na bilib ako sa talent nya, sa versatility nya. Hanggang sa pagpipinta nya as a true artist.
“Nung nagkita nga kami sa isang resto a year ago, nagbatian pa kami ng maganda. I even congratulated him sa lahat ng success nya.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Nagkwento lang ako… ng kwentong ikinuwento sa akin nang tutuo nilang naranasan sa initial transactions with Ian’s Road Manager.
“Uulitin ko, I have my permission to write & post ang ikinuwento sa akin ng ‘private company’ as Tarlac’s Festival’s talent provider…”
Humingi ng paumanhin si Ronald kay Ian.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Aniya, “I am so sorry to Ian. Sincerely, nagsu-sorry ako kung nailagay ko sya in a bad light. Kung nai-exposed ko ang dealings & demands ng kanyang RM na ikina-turn off ng ‘private company’ at ng Tarlac Festival.
“Sana maunawaan ako ni Ian na since 80’s pa na Entertainment Journalist pa lang ako at di pa ako award winning Screenwriter & Film Director, naging very much credible naman ako sa lahat nang isinusulat ko, kaya rin tumagal ako ng 43 years na ngayon sa Industriyang ito.
“Na kapag may kwentong showbiz na interesting isulat, isinusulat ko talaga, with the permission nang nagkukuwento, for the interest of my readers, as long as sinigurado ko sa nagkukuwento na, ‘Tutuo bang nangyayari ito?’
“Pag sinabi nilang, ‘Oo,’ sinasabi ko agad, ‘isusulat ko ito ha.’ ‘Sige, okey lang na isulat mo.’
“Pag ganito, isinusulat ko talaga, dahil tiniyak sa akin na tutuong nangyari ang kwentong ito at pinayagan naman akong isulat ito.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“With this truth, again, nagsu-sorry ako ng buong puso kay Ian kase nailagay ko sya sa alanganin. Sincerely, I regret that.
“But I will not retract what I have wrote. It’s a true story na ikinuwento sa akin, eh. Credebility ko na as a writer na iningatan ko ng 43 years ang nakataya dito.
“Wala akong masamang intention. By posting the kwento, gusto ko lang malaman sana, kung attitude ba ni Ian yun na ni-represent ng RM? Mga demands ba talaga ni Ian ang mga sinabi o diskarte lang lahat ito ng kanyang RM?
“Para kung hindi galing kay Ian yun, maikorek nya ang RM nya, for his benefit. He has a bad RM, afterall.”
Abangan natin kung itutuloy ng kampo ni Ian ang pagdedemanda kay Ronald.
NOEL FERRER:
Pareho pa rin ang tanong ko: Talaga bang kailangang isapubliko ang mga ganitong transaksyon at pagkukubra ng utang?
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Parang napaka-personal na bagay ito—huwag lang na hindi tumupad sa usapan ang mga taong kausap.
Sana, ma-settle ito ng mga public figures na sina Dingdong at Jessa, maging ang grupo ni Ian and set the record straight. Iyun lang!