Angeli Khang, Nagtago Nang Isang Linggo Matapos Madamay Sa Hiwalayang Bea Alonzo-Dominic Roque
Nagbigay na ng pahayag ang Vivamax actress na si Angeli Khang at nilinaw na ang mga bali-balitang nagsasangkot sa kanya bilang dahilan ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Matatandaan na sa kalagitnaan ng mga usap-usapan patungkol sa kontrobersyal na hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque ay isa si Angeli Khang sa mga pangalan na nadawit dahil nahuli umano ni Bea Alonzo si Dominic Roque na nanonood sa mga pelikula na pinagbibidahan ng sexy actress.
Hindi naman ito pinaniwalaan ng maraming mga netizens dahil napakababaw lamang na dahilan ng isang hiwalayan ang panonood ng sexy movie na humantong pa sa pagkaka-udlot ng kanilang kasal.
Lalo pang nadiin sa isyu si Angeli Khang dahil sa inilabas na kwento ng self-proclaimed Pambansang Marites na si Xian Gaza.
Samantala, sa kamakailang episode ng ‘Updated With Nelson Canlas’ diretsahang sinagot ni Angeli Khang ang nasabing isyu na may kinalaman siya sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque at pagkakansela ng kanilang nalalapit sana na kasalan.
Pinabulaanan ni Angeli Khang ang mga isyu at ipinagdidiinan na fake news lamang ng lahat. Inilahad pa ni Angeli Khang na hindi naman sila magkakilala sa personal ni Dominic Roque.
Iginiit pa niya na wala silang koneksyon dahil kailanman ay hindi pa naman sila nagkasama sa iisang proyekto o nagkatrabaho kahit saglit lang.
Inilahad pa ni Angeli Khang na labis siyang naapektuhan sa kumalat na fake news dahil talagang pinag-iinitan siya ng mga fans ni Bea Alonzo.
Sa tuwing lumalabas umano siya ay nakikita niya ang mga tingin ng mga tao, minsan ay tinatarayan pa umano siya na para bang sigurado na ang mga ito na siya talaga ang reason ng hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque.
Dahil dito, pinili umano ni Angeli Khang na pansamantalang magtago sa tao, isang linggo siyang hindi lumabas at nagpakita upang makaiwas na rin sa mga usap-usapan.
News
Janine Gutierrez: Mula sa Unibersidad Hanggang Showbiz Icon (TR)
Muling pinatunayan ni Janine Gutierrez ang kanyang talento at dedikasyon, hindi lamang sa mundo ng showbiz, kundi pati sa kanyang edukasyon. Sa kabila ng kanyang abalang karera sa industriya ng pelikula at telebisyon, pinili pa rin niyang tapusin ang kanyang…
Vice Ganda Responds Directly to Maris Racal for Calling Him a “May edad na na beki” (TR)
Nag-react si Vice Ganda sa pagtawag sa kanya ni Maris Racal na “may edad na na beki” sa isang video clip mula sa vlog ni Maris. Ni-repost ni Vice Ganda ang naturang clip mula sa challenge na “Pipilahan o Di…
‘EAT…Bulaga’ Narrows the Gap with ‘It’s Showtime’ in the Noontime Ratings Race. Who Will Come Out on Top? (TR)
he country’s longest-running noontime show “EAT…Bulaga” has narrowed the ratings gap vs. rival “It’s Showtime” according to the latest rating reports from the Nielsen NUTAM People survey. ‘EAT…Bulaga’ narrows gap with ‘It’s Showtime’ in the noontime ratings race© Provided by LionhearTV…
BREAKING: Paolo Contis CONFIRMS He’s SINGLE. What Does This Mean for His Relationship with Yen Santos? (TR)
Paolo Contis confirms “single” status amid breakup speculations with Yen Santos Actor Paolo Contis confirmed that he is “single,” addressing months of speculation surrounding his rumored split from actress Yen Santos. Appearing on ‘Fast Talk with Boy Abunda,’ Paolo was asked…
SHOCKING: Did KIM CHIU and PAULO AVELINO Have a SECRET WEDDING? !! (TR)
Quezon City, Philippines – Isang malaking tanong ang gumugol sa isipan ng mga tagahanga ng mga sikat na artista na sina Kim Chiu at Paulo Avelino. Kamakailan lamang, nagkaroon ng mga usap-usapan hinggil sa isang posibleng lihim na kasal ng…
SHOCKING REVEAL: Chloe San Jose ADMITTED She Wasn’t Chosen as Bea Alonzo’s ENDORSER and Wasn’t EVEN INVITED to the EVENT! (TR)
Isang mainit na balita ang lumutang tungkol sa singer at actress na si Chloe San Jose matapos niyang aminin na hindi siya kinuha bilang endorser ng kilalang aktres na si Bea Alonzo para sa isang brand na pinagmamalaki nito. Sa…
End of content
No more pages to load