🔥 Jarren Garcia Nagdulot Ng Kontrobersya Nang Magbasa Ng Balita Tungkol Kay Gloria Romero Sa PBB – Galit Ang mga Netizens/hi - News

🔥 Jarren Garcia Nagdulot Ng Kontrobersya Nang Magb...

🔥 Jarren Garcia Nagdulot Ng Kontrobersya Nang Magbasa Ng Balita Tungkol Kay Gloria Romero Sa PBB – Galit Ang mga Netizens/hi

Ex-PBB housemate Jarren Garcia, inokray sa pagbasa ng balita tungkol kay Gloria Romero

Ex-PBB housemate Jarren Garcia, inokray sa pagbasa ng balita tungkol kay Gloria Romero

Tila hindi nagustuhan ng mga netizen ang naging paraan ng pagbabasa ng ulat ng dating Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 housemate Jarren Garcia patungkol sa huling lamay ng namayapang batikang aktres na si Gloria Romero, bilang guest Star Patroller sa “TV Patrol Express” noong Martes, Enero 28.

Ibinalita ni Jarren ang pagdagsa ng mga nakiramay na showbiz personalities para sa wake ng namayapang Philippine cinema at showbiz icon.

Hindi naman nagustuhan ng mga netizen ang mali-mali raw na bigkas ni Jarren sa mga salitang Tagalog o nasa wikang Filipino, gayundin ang pagkabulol niya sa ilang pangalan at salitang binabasa niyang showbiz balita, na inaasahang malungkot ang tono.

Pagbabasa ni Jarren, “Ilang artista pa ang dumalaw sa burol ng yumaong movie icon na si Gloria Romero bago ang kaniyang huling lamay ngayong Martes ng gabi. Malungkot ang beteranang aktres na si Daisy Romualdez sa pagpanaw ng kaniyang malapit na kaibigan at movie icon. Ayon kay Daisy naging close sila ni Gloria nang pumasok siya sa film production company na Sampaguita. Hindi naman malilimutan nina Cherry Pie Picache at Sharon Cuneta ang kabutihang-loob ni Gloria lalo na noong makatrabaho nila ang aktres.”

 

Kapansin-pansin sa kaniyang pagbasa na hindi niya nabigkas nang maayos ang ilang mga salita gaya ng “burol,” “lamay,” at “malapit.” Nabulol din siya sa pagbigkas ng apelyido ng isa pang batikang aktres na si Daisy Romualdez. Halata rin ang “struggle” ng singer-ex-PBB housemate sa pagbasa ng ilan pang mga salitang nasa wikang Tagalog/Filipino.

Okray naman ng ilang mga netizen, tila “disrespecful” daw ang naging paraan ng pagbabasa ni Jarren para sa yumaong aktres, at ang iba naman, sinisi ang mga nasa likod nito dahil bakit daw pinabasa ang ganitong klaseng balita sa isang “rookie” o baguhan.

“The disrespect to Miss Gloria Romero, sana sa susunod kapag mala kinder bumasa ang starlet hwag na ipapilit, kasi nakaka bastos sa pagkamatay ng isang well respected icon in the industry. At yung mga fans niya who found it cute, jusko kayo ubusin niyo na ticket sa album niyan,” sey ng isang netizen sa kaniyang X post.

Saad naman ng isa, “this dude is prob nice but for the love of the country, if you’re a halfie who wants to become an actor here at least have the decency to learn our language. if your gonna milk this country, at least learn speaking in straight filipino.”

“I love Jarren but i get this post and it makes sense bec it is a sad and special news for the late Ms Gloria. BUT, it’s not Jarren’s fault na ibinigay sa kanya yang spill na yan. He’s just doing his job. Blame those who are in charge at bakit sa kanya ibinigay yung spill na yan,” komento naman ng isa.

Pero ilan naman sa mga netizen ang nagtanggol sa singer.

“As a fan, no, I don’t find it cute but also I don’t find it that Jarren is disrespecting the late Ms. Gloria. He tried as much as he can to deliver the news and I am certain that he did practice for it. Pero ano magagawa nyo laking UK sya? Again, blame those in charge!” saad ng isa.

Kuda naman ng isa, “bat naman kasi sensitive balita kay jarren ibinigay.”

“Dapat kung fluent siya sa English. Dapat pinag english na lang. Ndi nMan siguro bobo mga pinoy sa english para maka intindi. I know it’s disappointing to hear him say it. Pero i think on his part, he’s also embarrassed,” pahayag naman ng isa.

Samantala, wala pang pahayag ang kampo ni Jarren tungkol dito.

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…