Janno Gibbs, poste ng VMX sexy gag show na Wow Mani
Unang episode ng VMX gag show Wow Mani, boobs overload agad!
Singer-comedian Janno Gibbs (left) leads the cast of VMX’s first sexy gag show, Wow Mani. One of its segments is “Battle of the Brainless,” featuring VMX sexy starsBoobs overload na sa unang episode (31 minutes) pa lang ng sexy gag show na Wow Mani, na nag-streaming umpisa ngayong Enero 7, 2025, Martes, sa VMX (dating Vivamax).
Ang title ay hango sa comedy show ni Joey de Leon na WoW Mali, na unang umere noong Mayo 1996 hanggang Agosto 2008 sa ABC/TV5.
Of course, iyang WoW Mali ay inspired naman ng konsepto ng America’s Funniest Home Videos.
Poste ng WoW Mani si Janno Gibbs, na bidang-bida sa dalawang segment — bilang explorer na si Injanno Jones, at bilang quiz master na si Janno Depp.

Kilala naman siguro ninyo sina Indiana Jones at Johnny Depp, hane? Kung hindi, paki-Google na lang.
Nakalatag na ang labindalawang episodes ng WoW Mani para sa unang season nito. Tuwing Martes magpapalabas ng bagong episode.
Nasa cast din ng Wow Mani sina Jenn Rosa, Denise Esteban, Zsara Laxamana, Chloe Jenna, Sunshine Guimary, Krista Miller, Yda Manzano, Skye Gonzaga, Salome Salvi, Christy Imperial, Sahara Bernales, Ada Hermosa, Candy Veloso, Lea Bernabe, Aliya Raymundo, Angeline Aril, Jonica Lazo, at Sheena Cole.
Dalawang VMX hunks ang tampok — sina Nico Locco at Aerol Carmelo.
Featured para mas magpakuwela pa sina Goms Burza at Lotlot Fajardo-Gervacio.
Ang direktor ay si Al Tantay.

Photo/s: VMX Philippines
WOW MANI GAGS
Andaming lumang jokes na risque at ngayon lang nabigyang-buhay sa Wow Mani.
“Bryan” ang pambungad na gag sa palabas.
Inaasahan nating in the future, meron ding “Anselmo.”
Lumang joke iyong babaeng naghugas ng holy water sa simbahan dahil humawak siya ng pututoy. Nang marinig iyon ng isang babae ay nagmumog ito.
Sa Wow Mani, ang setting ay sauna kung saan tatlong babae ang topless at nakatapis ng tuwalya.
Sinauna rin iyong joke na pinansin ng isang lalaki ang isang babae na labas ang isang suso habang nasa publiko.
Gagawin din kaya sa Wow Mani iyong eksena na sumakay ng taxi ang isang babae na walang saplot?
Tingin nang tingin siyempre si manong driver sa pasaherong hubo’t hubad, at umangil naman ang dilag.
Mala-Tata Lino ang karakter ni Injanno Jones. May bahid din iyon ng “Ang Dating Doon” segment ni Brod Pete sa Bubble Gang (Oktubre 1995 up to the present sa GMA-7).
Sinagot ni Injanno Jones ang mga tanong ng mga katutubo sa tribo ng Mamadede (or is it Mamadedeko?) kung saan ang kababaihan ay beads lang ang pantakip sa dibdib at sumisilip-silip ang nipples.
Si Angeline ang ‘Tricky Girl’ na gumagala sa mga kalye at nagtatanong sa mga ka-Mani. Ang premyo niya sa lalaking nakapagbigay ng tamang sagot ay “kiss sabay hug.”
BATTLE OF THE BRALESS
Naglaban sa segment na “Battle of the Braless” hosted by Janno Depp ang La Cunsumisyon College at University of Los Baño Queen, Laguna, na tigdalawa ng kinatawan.
Tatlong round ang “Battle of the Braless,” na sa bawat round ay may parusa sa mababa ang score.

Photo/s: VMX Philippines
Ang “Battle of the Braless” ay parody ng “Battle of the Brainless” segment ng Tropang Trumpo (Marso 1994-Marso 1999 sa ABC/TV5), na parody ng quiz show na Battle of the Brains hosted by David Celdran na unang umere sa RPN 9 noong Hulyo 1992 hanggang 2001.
Matipid ang production cost ng Wow Mani kumpara sa mga pelikula ng VMX.
Sana naman, merong name tag iyong contestants sa “Battle of the Braless.” Hindi naman masyadong mahal ang name tag, di ba?
After all, babad na babad sa segment na ito ang Playtime.
Dapat i-renew na ng VMX for more seasons itong Wow Mani! O kaya magkaroon naman ng Tropang Talong!!!
Nakita ko ang trailer ng Wow Mani, parang ideya ni Janno Gibbs ang tipo ng pagpapatawa rito.
Si Al Tantay ang direktor, pero tingin ko merong ambag diyan si Janno na magaling talaga sa ganoong style ng comedy.
Mababawasan na kaya ng daring scenes itong mga bagong material ng VMX?
SENATOR JINGGOY ESTRADA ON VMX
Nasita na ni Senator Jinggoy Estrada ang VMX, at nakipag-usap na raw sa kanya sina Boss Vic del Rosario.
Sabi ni Senator Jinggoy, “My only concern, there is the access of minors to dito sa streaming service na ito.
“In fairness, I’m sorry hindi pa ako nakakapanood ng any movie ng VMX o Vivamax. Meron lang ipinakita sa akin na mga erotic scenes na puwede palang makapag-access yung ating mga kabataan. So, yun lang yung aking concern.
“I don’t care about what they’re earning. Basta huwag lang maka-access yung minors dun sa malalaswang ipinalabas.
“Nakipag-usap na sa akin si Vincent [del Rosario], si Boss Vic, and they’re going to secure yung mga safeguards and safety means para hindi makapag-access yung ating mga kabataan, and I’ll take their word for it,” saad ni Senator Jinggoy.Nakita kong ipinost din ni Nico Locco ang tungkol sa Wow Mani na kasali rin siya after winning best actor for his VMX movie Kolektor in a filmfest in India.
At least, may venue o platform na ganito for adult viewing.
Magandang training ground ito for future sexy comediennes in the likes of Rosanna Roces and Rufa Mae Quinto before!
I’m sure, gagandahan pa iyan nina Janno Gibbs at Direk Al Tantay!
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load