Get well soon, Darren Espanto!

Dinala kanina sa ospital ang It’s Showtime host na si Darren Espanto upang maoperahan para sa appendicitis.

Sa Instagram story ng singer-actor, ibinahagi niya ang “plot twist” na nangyari sa kaniya, kalakip ang video kung saan makikita si Darren na nakahiga sa isang hospital bed.

“From [the] airport to the hospital. Sabi sa inyo, grabeng plot twist nangyari sa’kin eh. Appendicitis suddenly hit during my flight back to Manila. Was supposed to be back on Showtime today but emergencies happen talaga. Shoutout to my family and friends who have prayed for me,” sulat niya sa video.

Dahil sa kaniyang kalagayan ay ilang projects at commitments din ang hindi niya mapupuntahan. Kaya naman ngayon pa lang ay humingi na siya ng tawad sa producers ng mga show na iyon.

“To the producers of the shows I was supposed to be part of in the next few days, I am so sad to have to cancel so last minute. I hope to work with y’all soon pa rin po! Thank you for understanding!” pagpapatuloy ng singer.

Sa hiwalay na video, sinabi ni Darren na papunta na siya sa operating room.

“Brb (Be right back). Getting my appendix removed…Talk to y’all later! And pray for me please!” sulat ni Darren sa X (dating Twitter)

Sa ngayon ay wala pang update muli si Darren sa kaniyang kalagayan.

Kamakailan lang ay nasa California si Darren kasama ang ilan pang celebrities para sa isang concert.