Breaking news: Vice Ganda, something was found out about Ion and his best friend on It’s Showtime (ch)

HALA! Vice Ganda, may nalaman tungkol kay Ion at sa bestfriend niya sa It's  Showtime | ABS-CBN Entertainment

 

Ipinagmalaki ni Ate Girl Jackque Gonzaga na gustong-gusto siya ng mga kapatid ni Vice Ganda. Katunayan, “baby girl” pa raw ang tawag sa kanya ng Ate Tina ni Vice na lagi siyang kinakamusta.

Banat naman ni Kuya Escort Ion Perez, “Ako, gusto ako ng bestfriend niya!” Proud pa si Ion na sabihin na lagi raw nag-uupdate sa kanya ang bestfriend ni Vice tuwing umaga. Nagulat si Vice kaya kinumpronta niya si Ion at tinanong kung anong sinasabi sa kanya ng best friend niya. Ayon kay Ion, nakakatanggap siya ng text message mula dito na “Good morning, Ion. I love you.”

Nagulat ang Unkabogable Star na hindi nakapagpigil na pagpapaluin si Kuya Escort. Pinagbantaan ni Vice ang kanyang bestfriend sa harap ng camera at sinabing “Ah talaga ba, Boodie!? Magkita tayo sa bahay ha, Boodie ha!”

Banat naman ni Vice kay Ion, “Kaya pala nag-aalmusal kayo ha!”  Dagdag ni Vice, “Kaya pala pagkagising ko kanina, kayo ang magka-chicka!”

Natahimik si Vice nang tanungin ni Vhong Navarro, “Pagkagising? Bakit pagkagising? Saan?”
Hindi nakasagot si Vice at tumawa na lang. Sinubukan pang magpaliwanag ni Vice pero naghiyawan na ang madlang people at hindi na siya nabigyan ng pagkakataong mag-explain ng kanyang mga nasabi.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News