Marian Rivera on Dingdong Dantes: “Kulang ang everything….” (ch)

We can only think of Marian Rivera and Dingdong Dantes, kung ang katagang “in love” ang babanggitin.

Sa press conference ng bago nilang pelikula, ang romantic-comedy na You To Me Are Everything, na showing sa May 4—kung anuman daw ang meron sila, nasabi na raw nila ang halos lahat sa YES! magazine, kung saan naging cover and featured story ang couple.

Nang usisain ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung kelan ang anniversary ng dalawa, “Everyday naman sa tuwing nagkikita kami, nagse-celebrate kami,” ang sagot ni Marian. “Naging open naman kami sa YES! magazine at halos lahat yata, sinabi na namin dun. Espesyal na araw tuwing magkikita kami…”

Hindi rin naman daw kailangang magbigayan sila ng regalo para masabing espesyal ang isang araw. Napunta ang topic sa kung paano nila ginugugol ang time nila para sa isa’t isa. Ang kuwento ng Kapuso star, “Hindi naman kami materialistic pareho, e. Siguro yung time lang namin, kumakain kami nang sabay, nagdi-dinner kami sa labas, nanonood kami ng sine. Ganun kami…”

Dugtong pa niya, “Pero pinaka-hindi ko makakalimutan noong birthday ng lola ko. May ginawa siyang surprise na parang MTV na lahat ng artista yata, pinagsama-sama niya at pagkatapos, siya ang nagdirek. Binigay niya sa lola ko.”

Kaya nga, ang title ng kanilang movie, kulang pa raw para kay Marian ang salitang “everything.”

Aniya, “Wala, e, salita lang yun. Kasi kung makikita mo siya the way na nakikita ko siya, talagang sasabihin mo na kulang ang everything na salita para i-describe mo siya.”

Naiisip na ba niya ang magpakasal?

“Well, bilang babae at hindi dahil bilang mag-partner kami, I think, isang magandang korona ‘yan sa babae na ikasal ka, e. So, kahit ano siguro, basta pakasalan ka ng isang lalaking mahal mo, e, isang korona yun para sa ‘yo,” ang nangingiti niyang sabi.

“ANAK” ISSUE. Samantala, bagamat nasagot na ni Marian ang tungkol sa isyung nagsasabi na meron na raw itong anak, inungkat muli ito ng entertainment press during the presscon.

At bago pa ito humaba, ang natatawang hirit ng dalaga, “Naku, dedma na lang! Baka naman sa susunod na balita, bakla naman ako. Babae ako, ha! So, dedma na lang. I-enjoy na lang natin kung anuman ang mga blessing na dumarating, lalo na sa akin.”

Paano niya hinaharap ang mga ganitong klaseng intriga?

“Kung below-the-belt, nandiyan naman na, ang dami namang taong nagmamahal sa akin. At saka, nag-guest na rin naman ako sa Showbiz Central. Ang lahat ng taong mahal ko sa buhay, ang lahat ng mga totoong taong nakakakilala sa akin, nagsalita na. So, wala na, relax na ‘ko. Kumbaga, nagsalita na mga mahal ko sa buhay, so, wala na akong pakialam. Nandun na ang mga mahal ko at nagsalita na,” ang sabi ng Filipino-Spanish actress.

Alam naman niya na parte raw ito ng kanyang propesyon. “Artista lang ako, nagta-trabaho ako at mahal ko ang trabaho ko, kaya tawanan na lang natin, dedma!”

Maging si Dingdong ay nagsabing naapektuhan daw siya ng isyu. (CLICK HERE to read related article.) At ikinatuwa ni Marian ang pagtatanggol sa kanya ng kanyang leading man.

Ani Marian, “Nandiyan siya palagi at siya mismo ang nagsabi sa akin na nandito ako sa likod mo at alam ko naman kung ano ang totoo tungkol sa ‘yo.”

Nilinaw rin ni Marian na wala siyang kahit na anong online sites o account sa anumang networking sites gaya ng Facebook o Twitter.

Saad nito, “Wala akong Facebook, wala akong Twitter, Friendster, ano pa…Pero meron akong account na ginawa yata ng Show Me Da Manny, yung Ella, pero yun lang.”

E, ano naman ang masasabi niya sa mga gumagamit ng pangalan niya?

“E, siguro kung wala naman siyang sinasabing masama, bayaan na natin. Siguro nag-e-enjoy lang siyang mag-Internet, mag-computer. At saka free naman yun. As long as wala siyang ginagawang masama or nakakasakit, okay lang yun,” pagtatapos ni Marian.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News