Naniniwala ang lahat ng “It’s Showtime” hosts na walang hihigit pa sa pagpapasaya sa madlang people tuwing Magpasikat at sinabing walang formula para manalo rito.
Ani ng Phenomenal Unkabogable Star Vice Ganda na may kasamang swerte raw ang pagkapanalo ng isang grupo sa Magpasikat.
“Parang wala namang formula. Bukod sa pahusayan, may kasama siyang swerte. Kasi minsan kahit ang husay-husay na ng mga kasama mo at kahit naghanda ka na, kapag minalas ka minalas ka,” saad niya.
Inalala nga ni Vice ‘yung nangyari sa kanilang grupo noong nakaraang taon kung saan nasira ang isang parte ng kanilang performance.
“Just like what happened last year sa grupo namin. May nangyaring masama doon sa prod namin last year na hindi namin mapaliwanag paano nangyari pero wala kaming magagawa kundi tanggapin na minalas kami,” dagdag niya.
Para naman kay Jhong Hilario, na isang panalo na lang bago makuha ang grand slam sa Magpasikat, higit na importante na maparamdam nila ang mensahe ng kani-kanilang grupo kaysa makuha ang panalo.
“Walang formula. Para sa akin more on mapasa yung mensahe ng performance. Bonus na lang kung mapili kang champion, pero para sa lahat sa amin rito meron kaming gustong ihatid na mensahe sa madlang people. Masaya kami kung nakuha nila yun kahit hindi manalo,” pagbabahagi niya.
Basta mapasaya ang madlang people at ibinigay ang 100% effort ay masaya na si Ogie Alcasid kahit pa ano man ang resulta.
“Hindi naman talaga importante yun basta binigay mo yung best mo at hindi puchu-puchu yung ginawa mo. Basta pinaghirapan, pinag-isipan mo at piniga mo na lahat yung effort mong makapagbigay ng Magpasikat na worth the time ng madlang people yun ang importante, ” sagot niya.
Ibinahagi din ng hosts na natutunan nilang tumanggap ng pagkatalo sa Magpasikat at maging masaya sa panalo ng kapwa hosts lalo pa at pare-parehas silang competitive.
Sa paglapit ng tagisan ng kani-kanilang grupo sa Magpasikat 2024, inilarawan ng ibang hosts ang kanilang ‘Magpasikat’ performances sa iisang salita. Pagloloko ni Vhong Navarro ito raw ay ‘mas amazing,’ fearless naman ang word na binigay ni Kim, ‘piniga’ naman kay Karylle, ‘lantaran’ kay Ogie, ‘amazing’ din ang kay Ryan Bang, ‘cute’ naman para kay Jugs Jugueta, ‘kakaiba’ para kay Darren, ‘spectacular’ naman kay Ion Perez, ‘ ‘mabangis’ naman kay Jackie Gonzaga, ’wow’ kay Cianne Dominguez, ‘mapuso’ kay Jhong, ‘mas mapuso’ naman daw para kay Vice at ‘stunning’ naman kay Lassy.
Samantala ito ang unang Magpasikat na mapapanood ng mga Kapuso viewers sa GMA. Labis din ang pasasalamat ng hosts sa suporta ng network sa kanilang ika-labinlimang anibersaryo.
“Very happy and honored na nandito kami sa GMA. Ramdam na ramdam namin yung suporta at pagmamahal ng GMA. Every day nakikita namin na maligayang-maligaya ang mga Kapuso at sinasamahan din nila kami sa aming journey sa aming 15th year and sa mga susunod pang taon,” sey ni Tyang Amy.
Huwag palampasin ang Magpasikat week simula Oktubre 21 (Lunes), 12:00PM sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, GMA, GTV, ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel at Facebook page, iWantTFC, TFC, at GMA Pinoy TV. Tutukan din ang online show ng programa na “Showtime Online U” sa YouTube channel ng It’s Showtime.
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load