Ice Seguerra is right to spark Vic Sotto’s lawsuit against Darryl Yap. What happens next?/hi

Ice Seguerra on Vic Sotto suing Darryl Yap: “Tama lang yun.”

Ice agrees with Vic’s decision to sue Darryl.
Ice Seguerra says he agrees with Vic Sotto's decision to sue Darryl Yap for cyberlibelSang-ayon si Ice Seguerra sa naging aksyon ni Vic Sotto na sampahan ng reklamong 19 counts of cyber libel ang direktor na si Darryl Yap.

Umalma si Vic sa teaser ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma sa social media kung saan diretsahang binanggit ang pangalan niya.

Read: Vic Sotto files 19 counts of cyber libel against Darryl Yap

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pahayag ni Ice: “Well, it’s good that he filed a case kasi importanteng marinig din yung side niya para maipagtanggol niya, di ba?

“Tama lang, tama lang na nag-file, tama lang yun.

“Kasi ngayon, parang it’s so easy to just do something na isang bagay na hindi natin iniisip kung ano ang puwedeng repercussion.

“For me, it’s a good move ni Tito Vic to file. Ipagtanggol niya ang sarili niya.”

Tinanong din ng PEP si Ice kung napanood niya ang nag-viral na teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma.

“Ay, hindi,” sagot ni Ice.

“It’s a personal choice, I just didn’t want to. I’m just happy that he filed

ICE SEGUERRA ON UPCOMING CONCERT

Abala ngayon si Ice sa rehearsals para sa nalalapit na pre-Valentine concert, ang Love, Sessionistas, na gaganapin sa The Theatre at Solaire, sa February 8.

Dito ay magkakasama muli ang grupo ng Sessionistas na nabuo at napanood sa ASAP, ang weekly Sunday musical-variety show ng ABS-CBN.

Ayon kay Ice, “Ako yung nag-float ng idea, and then umoo silang lahat. Hindi, siguro kasi miss na miss ko na sila, miss na miss na namin actually ang isa’t isa.

“Nakita mo naman kami pag magkakasama, it’s always fun, it’s always happy.

“So, parang we wanted to do something na basically we just want to sing together. Ganun lang siya.”

Kasama niya sa concert ang kapwa Sessionistas na sina Sitti, Juris, Duncan Ramos, Kean Cipriano, Princess Velasco, at Nyoy Volante.

Hindi makakasama ang ibang Sessionistas na sina Nina at Richard Poon na mga naunang miyembro noon ng grupo.

“Si Nina kasi mayroon siyang show the day before us. Si Chard naman, di raw available sabi ng management,” paliwanag ni Ice.

ICE SEGUERRA ON DIRECTING SESSIONISTAS

Ang concert ay ipoprodyus ng Fire and Ice Entertainment, sa ilalim ng direksiyon ni Ice.

Si Ice ay co-owner ng Fire and Ice Entertainment.

Pagkukuwento ng singer, hindi naging mahirap kahit kailan na idirek ang mga kasamahan kahit pa madalas ay nagkukulitan sila sa rehearsals.

“Kung nagkukulitan man kami, kapag kailangan nang magtrabaho, trabaho. So, hindi siya naging mahirap kasi they are all professionals.

“I think that’s why nagkakasundo rin kaming lahat. This is not the first show na gagawin namin. We’ve done shows before, mga concerts din.

“Pagdating ng trabaho, trabaho siya. At the same time, we are still enjoying the job, the work that we do, so di siya mahirap.

Halos isang dekada na nang matigil ang Sessionistas.

Sa kabila nito ay napanatili ng grupo ang matatag nilang pagkakaibigan at samahan.

Saad ni Ice, “Siguro kasi we go beyond work. I really believe in relationships.

“I have relationship with Juris, Sitti, and everybody na goes beyond on what we do.

“Kumbaga, nagkakataon lang na nagiging masaya din kasi nga magkakaibigan kami so mas nagiging happy yung trabaho.

“Yun ang baseline namin, we’re friends first. Kumbaga, kami yung tipo ng magkakaibigan na hindi namin ilalaglag ang isa’t isa.

“Kaya siguro maganda yung samahan namin kasi di siya ego-driven.

“Kung ano yung ikabubuti ng grupo, kung ano yung ikabubuti ng kanta, yun ang importante sa amin kaya siguro nagtagal.”

BEING FRIENDS

Malaking bagay raw na magkakaibigan sila.

Sabi ni ice, “Siguro we’ve seen each other grow, before when the Sessionitas started, we’re all single. May mga nag-asawa na, nagkaanak na, we remained in touch.

“Nandun kami sa birthday ng anak ng bawat isa, sa kasal ng bawat isa, kaya we’ve seen each other na broken-hearted.

“I remember, I was broken-hearted nun, it was Juris I’ve been calling. Ganun siya, di siya yung surface level friendship. It’s deeper than that.”

Balik-tanaw pa ni Ice, nang magdesisyon ang ABS-CBN management na buwagin ang Sessionistas ay nanghinayang siya.

Pero masaya siya na ganoon man ang nangyari ay walang nabago sa samahan nilang kapwa Sessionistas.

“Nanghinayang kasi alam ko we have a group of course siyempre it’s always the decision of the management.

“But yun lang, kagaya ng sinabi ni Kean kanina, di man kami nagkikita every Sunday, we all feel that we’re all still together.

“Hindi natapos dun sa di namin paglabas tuwing Linggo yung grupo na mayroon kami.”

Sa April 4 ay may naka-sked ding concert ang Sessionistas sa The Theatre ng Solaire Resort and Casino.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News