Waiter files complaints vs Cebu personality he called “Sir” (lee)

Jude Bacalso and waiter

The waiter in the viral video about misgendering issue filed five complaints against LGBTQIA member Jude Bacalso. These complaints are unjust vexation, grave scandal, grave threats, grave coercion, and slight illegal detention.
PHOTO/S: John Calderon on Facebook

The waiter strikes back.

Nahaharap sa patung-patong na reklamo ang isang LGBTQIA member at personality sa Cebu kaugnay ng nag-viral na insidente noong July 2024.

Noong huling bahagi ng July, naging laman ng social media ang pagkagalit ni Jude Bacalso dahil sa pagtawag sa kanya ng “Sir” ng waiter sa isang restaurant sa loob ng isang mall sa Cebu.

Sinermunan ng dalawang oras ni Bacalso ang nakatayong waiter dahil sa “misgendering” issue.

Bukod sa pagiging LGBTQIA member, si Bacalso ay isang writer, host, at dating TV personality sa Cebu.

Matinding batikos ang inabot ni Bacalso mula sa netizens na kinabibilangan din ng celebrities.

Kinastigo si Bacalso sa ginawa niya sa waiter.

Hindi nagtagal ay nag-update si Bacalso at sinabing nakipagpulong siya sa management ng resto at nakipag-ayos. Pero wala ang waiter sa paghaharap.

Naglabas din ang public apology si Bacalso.

Makalipas ang isang buwan, bumuwelta ang waiter.

WAITER STRIKES BACK

Limang reklamo ang isinampa ng waiter laban kay Bacalso, ayon sa ulat ng SunStar Cebu ngayong Biyernes, August 30, 2024.

Kinabibilangan ito ng unjust vexation, grave scandal, grave threats, grave coercion, at slight illegal detention.

Isinumite ang mga reklamo ng waiter, sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Atty. Ron-Ivan Gingoyon, sa Cebu City Prosecutor’s Office noong August 28.

Hiniling ng abogado na huwag pangalanan ang kanyang kliyente.

Dagdag ni Gingoyon, may labor case din daw sila laban sa Ulli’s, ang restaurant na pinangyarihan ng insidente.

WAITER STILL TRAUMATIZED

Pagbubunyag pa ng abogado, na-trauma ang kanyang kliyente kasunod ng naranasan niya mula kay Bacalso.

“As of now, the victim is still traumatized but is trying to co-exist with society,” ani Gingoyon, ulat ng Manila Standard nitong August 29.

“We’re also helping him but the effect to his mental health was significant.”

Dagdag ng abogado, wala umanong effort na ginawa si Bacalso para i-settle ang isyu kasama ang kanyang kliyente.

Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag si Bacalso kaugnay ng latest update sa kinasasangkutang isyu.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News