Yasmien Kurdi, di napigilang maiyak sa umano’y dinanas ng anak
Hindi napigilan ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ang kanyang emosyon sa social media matapos ilabas ang sama ng loob laban sa umanoây pambubully na dinanas ng kanyang anak na si Ayesha. Sa isang Instagram story, inihayag ni Yasmien ang pagkadismaya sa reaksyon ng mga magulang ng nambubully, kung saan sinabihan umano siya ng isang nanay na “BACK OFF!”
Source: Instagram
Dagdag pa ni Yasmien, isang malapit niyang kaibigan o “kumare” ang may anak na sangkot sa pambubully, ngunit tila hindi ito inamin at nagpakita pa ng suporta sa kanya sa publiko. Ani Yasmien, “Ito naman si kumare may pa-heart pa. Yun pala mga anak nila ang involved”
Makikita rin sa IG story ang pagiging emosyonal ng aktres habang sinasabi niyang nasaktan siya sa hindi pagkaunawa sa kanyang anak at sa epekto ng bullying. Pinahayag niya, âAs parents, we feel sorry for her because we did not understand her. #effectsOfBullyingâ
Yasmien Kurdi, di napigilang maiyak sa umano’y dinanas ng anakSource: Instagram
Si Yasmien Yuson Kurdi-Soldevilla ay sumikat bilang isang pop singer, songwriter, actress at model. Kabilang siya sa final four ng unang season ng reality-based talemt search sa GMA na Starstruck. Tinanghal siyang first runner-up sa naturang show.
Kabilang si Yasmien sa mga artistang nagdalamhati sa pagpanaw ng news anchor na si Mike Enriquez. Nagbigay-pugay si Yasmien sa beteranong broadcaster sa pamamagitan ng isang Facebook post. Nabanggit niya ang tungkol sa magandang katangian ni Mike.
Samantala, kamakailan ay binahagi ni Yasmien ang balita tungkol sa kanyang pagdadalang-tao. Buntis siya sa pangalawang anak nila ng kanyang asawang si Rey Soldevilla Jr. Sa kanyang post ay binahagi niya ang kanilang family picture kasama ang sonogram ng kanilang baby.