May be an image of 4 people and people smiling

Nakisali na ang pamilya nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa nauusong trend sa TikTok na “Just Give Me My Money.”

“Makikisali lang sa trend na to! 🤣 sino balagoong? ✌🏻whahahaha,” ayon sa caption ni Marian.

Sa naturang video, si Sixto ang unang kumanta ng “Just Give Me My Money” na sinundan ng kanyang Ate Zia at pangatlo si Marian.

Tulad ng kalakaran sa nauusong trend, ang pinakahuli ay dededmahin ng grupo.

Si Dingdong ang balagoong habang makikita naman ang cute na mga reaksyon nina Zia at Sixto.

Maraming netizen ang nakyutan sa reaksyon ni Sixto:

“Sixto reaction is very Miss Marian.”

“Iba yung dating ni sixto.”

“Galing ni sixto umacting ah.”

“sixto little marian tlaga pati reaction super cute.”

“ang cute nipa Zia and sixto.”

Ang TikTok video na ito ng pamilya Dantes ay humakot na ng 4.8 milyong views habang sinusulat ang balitang ito.