Ogie Diaz May Isiniwalat Tungkol Sa FAMAS Hindi Deserving Ang Ibang May Award!


Pinuna ng kilalang talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz ang mga organizer ng FAMAS matapos nilang palitan ang beteranang aktres na si Eva Darren bilang presenter sa huling minuto ng event. 

Sa kanyang Facebook post, ipinahayag ni Ogie Diaz na mahirap paniwalaan ang paliwanag ng FAMAS na hindi nila mahanap si Eva Darren sa venue, sa kabila ng testimonya ng ilang bisita na nakaupo malapit sa stage ang beteranang aktres sa buong duration ng event.

“Sabi ng FAMAS spokesperson ba ‘yon? Hindi raw ma-locate ang seat ni Ms. Eva Darren, kaya nagkaroon ng last minute replacement sa stage. Sorry for my word, put—ina naman, sa tanda naman ni Ms. Eva, saan naman kaya siya pupunta? Nagte-table hopping ba siya? Nagyosi sa backstage? Nag-jog sa Quirino Grandstand? Namamasyal sa Luneta? Mga palaka kayo!” saad ni Ogie Diaz.

Ipinahayag rin ni Ogie Diaz na hindi na siya nagulat sa nangyari kay Ms. Eva Darren sa FAMAS ngayong taon dahil nabalitaan din niya na ang ilan sa mga parangal ay naiimpluwensyahan ng mga sponsor nito.

“Samantalang me nakapasabi sa akin (kayo nang mga taga-riyan ang sumagot kung true), binigyan n’yo ng award ang ilang hindi naman karapat-dapat magka-award porke nag-sponsor lang nang malaki. True ba? Tapos, inabala n’yo ‘yung matandang nirerespeto sa industriya para lang mabastos sa Gabi ng Parangal?”

Sa kabilang banda nauna nang nagbigay ng pahayag ang head organizer ng FAMAS kung saan iginiit niyang hindi talaga nakita ng kanilang staff si Ms. Eva Darren sa audience dahilan para mapilitan silang kukuha ng bagong presenter, ito’y matapos ihayag ng maraming mga tao roon na nasa harap lamang si Ms. Eva Darren at may mga pangalan naman na nakasulat sa kanilang mga inuupuan.