May be an image of 1 person, dancing and espadrilles

Tinira ng basher si Kim Chiu dahil sa umano’y ‘pagyayabang’ ng TV host-actress sa kanyang sandamakmak na mga sneaker o sapatos!

Tinira ng basher si Kim Chiu dahil sa umano’y ‘pagyayabang’ ng TV host-actress sa kanyang sandamakmak na mga sneaker o sapatos!

Nag-post kasi si Kim ng video kung saan nagre-ready siya para sa kanyang araw. At sa video na ito, merong nag-react ng pambabanat kay Kim.

“Wag masyadi mayabang sa mga sinusot at mga sapatos.ang daming wlang sapatos.at wlang ganian.ang tataas ang lalaki ng Maintenance nio. Sana share mo yan sa maraming tao,” sabi nito kay Kim.

Pero to the rescue naman ang supportive followers ni Kim at pinutakte ang nasabing basher. Tinawag nga nilang ‘papansin’ ang nasabing netizen dahil sa pagpuna nito sa anila’y pinaghirapan naman ni Kim na bilhin.

“makaka bili tlga sya nang madami sapatos kaw kaya monday to sunday may trabaho para wala nang tulog kimmy yata. Kaya ma bibili nya lahat nang gusto.”

“Wala sya paki sayo kanya yung pera hindi hiningi sayo.”

“ikaw ante patawa ka hahaha ilang beses na yan nag vlog collection niya at pinaghirapan niya.”

“Syempre Artista yan kaya madaming collection ng sapatos yan wag kang comment ng comment ikaw ba mag artista ka try mo magsoot na iisa lang sapatos araw araw haha.”

“wag masyadi mayabang sa pagiging skwammy mo, wag mo na ishare yan sa maraming tao.”