Louise delos Reyes wants to bury “dark times” with Aljur Abrenica
Louise clarifies she and Alden Richards did not have romantic relationship.

Louise delos Reyes on Aljur Abrenica: “Siguro kasi may masamang memories na kasama sa tao na yun, na alam mo na hindi siya basta-basta… hindi ko siya nakalimutan. Pero yung emosyon… wala na akong galit, wala na akong kahit na ano. Wala na talaga.”
PHOTO/S: @louise.dr / @ajabrenica on Instagram
Ratsada sa pagpu-promote ang aktres na si Louise delos Reyes ng pelikulang Deleter na entry ng Viva Films sa 48th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Nakausap siya ng awtor na ito sa aming programa sa DZRH nung Martes, December 20, 2022.
In love si Louise sa kanyang non-showbiz boyfriend at halos five years na ang kanilang relasyon. Pinag-uusapan na nila ang mag-settle down, pero nag-iipon pa raw sila.
Napag-usapan na rin lang ang love life, nag-throwback kami sa mga isyung kinasangkutan niya noon.
Maganda ang love team nila noon ni Alden Richards na nagsisimula pa lang sa kanyang showbiz career. Diretsahan namin siyang tinanong kung minsan ba ay umasa siyang matuloy sa magandang relasyon ang samahan nila noon ni Alden.
Sagot ni Louise, “Romantic level, siguro hindi. Kasi that time, may nanliligaw sa akin at yun ang naging boyfriend ko.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“So, parang ano talaga. From the start, iba na talaga yung atensiyon ko.
“Saka yung level nung friendship namin, iba, parang hindi talaga siya papunta dun.”
Nakapareha ni Louise si Alden sa mga Kapuso teleseryeng Alakdana, One True Love, at Mundo Mo’y Akin, at sa pelikulang Tween Academy: Class of 2012.
“DARK TIMES” WITH ALJUR ABRENICA
Pagdating kay Aljur Abrenica, na nakatambal niya sa Kambal Sirena, nag-iba ang mukha ni Louise. Ayaw na raw niyang balikan yun at uriratin pa kung ano talaga ang namagitan sa kanila ni Aljur.
Hindi niya diretsahang inaming naging sila nung ginagawa nila ang fantasy series na ito.
Sabi lang niya, “Siguro kasi may masamang memories na kasama sa tao na yun, na alam mo na hindi siya basta-basta… hindi ko siya nakalimutan.
“Pero yung emosyon… wala na akong galit, wala na akong kahit na ano. Wala na talaga.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Pero yung experience lang, ano yun, e, dark times kasi. Kaya ayoko na lang i-associate, ayoko nang isipin yun, move forward na lang tayo.”
Hindi niya gaanong ma-describe ang naging relasyon nila noon ni Aljur, pero gusto na raw niyang kalimutan ito. Naging civil naman sila sa isa’t isa nang nagkasama sila sa FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.
“Hindi naman sa naging pangit. Siguro yung start, naging pangit hanggang sa gitna.
“Parang andun yung care, andun yung love, pero may nawalang element na hindi mo puwedeng i-push yung relationship kung wala yun.
“Walang peace of mind, di ba? Kapag may relationship kayo, merong peace of mind, walang naging ganun.
“Tapos, masyado nang publicized yung lahat. So, parang hindi na talaga puwedeng ipagpatuloy. Pero we remained… siguro hindi friends, pero casual.
“Kasi siyempre, maliit lang naman ang mundo ng showbiz, e. Magkakasama at magkakasama kayo magkikita kayo. Walang bad blood, walang ganun. Trabaho na lang tayo,” saad ni Louise.
Masasabi bang si Aljur ang isa sa gusto niyang i-delete sa kanyang buhay?
“Wala naman ako naging gustong i-delete, kasi nga, hindi magiging ako ngayon kung idi-delete ko yung tao na yun o yung experience na yun, kasi yun yung bumubuo sa akin. Masakit man yun o masaya.
“Wala talaga akong maisip na i-delete. Promise!”
NO CONFRONTATION WITH KYLIE
Nilinaw rin ni Louise ang mga lumabas na kuwento noon na nagkaroon daw sila ng matinding confrontation ni Kylie Padilla.
May blind item pang lumabas noon na tila umabot na raw sa pisikalan ang kanilang paghaharap.
Paglilinaw ni Louise, “Never kami nagkaroon ng confrontation. Actually, after ng lahat ng yun, nag-message kami sa isa’t isa, and pareho kami ng, alam mo yun, yung naging estado na, ‘Let’s move on, let’s move forward. Naging magkaibigan naman tayo and let’s stay that way. Babae ako, babae ka.’
“Na, alam mo yun, may koneksiyon, may ganung empathy kami sa isa’t isa.”
News
DUMIPENSA NA! CESAR MONTANO GALIT NA BlNUGBUG SI ATONG DAHIL SA PAGLUSTAY NITO SA PERA NI SUNSHINE!/th
OMG Cesar Montano matapang na dumipensa matapos malaman ang ginawa ni atong ang sa dating kasintahan nitong si Sunshine Cruz tila ngayong araw nga lang ginulantang ni Cesar Montano ang lahat ng protektahan nito ang dating kasintahan na si Sunshine…
ANAK NI SUNSHINE CRUZ, MAY BWELTA SI ATONG ANG SA ISYUNG PAG-WALDAS NG PERA AT ARI-ARIAN NI ATONG/th
Anak ni Sunshine Cruz Matapang na sinupalpal si Atong ang sa isyung paggastos ng pera at ari-arian Atong ang hindi nagpaawat at may matinding buwelta sa mag-inang cruise Nagising ako na parang tapos na eh Tsaka huwag niyo na pilitin…
ATONG ANG, ISINUGOD SA OSPITAL MATAPOS KOMPRONTASYON KAY SUNSHINE CRUZ!/th
atong ang isinugod sa ospital matapos ang matinding komprontasyon kay Sunshine cruise tres iginiit na hindi pera ang habol kundi tunay na pagmamahal is gulo namin ng EXO e pero kayao ba sabi ko noun EO ubusan na tayo…
SUNSHINE CRUZ, UMAMING BUNTIS KAY ATONG ANG! MATINDING PASABOG at USAP-USAPAN SA SOCIAL MEDIA! /th
Sunshine cruise umaming buntis kay atong ang isang matinding pasabog sa showbiz usap-usapan ngayon sa social media yung mga taong yon na yung mga taong makakasama mo on your way down nagising ako na parang Tapos na eh Tsaka Sunshine…
ATONG ANG PINALAYAS si SUNSHINE CRUZ at MGA ANAK matapos BIGLAANG HIWALAYAN! /th
atong ang Pinalayas na sa bahay ang mag-inang sina Sunshine cruise at ang kanyang mga anak matapos ang kanilang biglaang paghihiwalay kami na magkakakilala rito okay Number one ako Tapos na eh Tsaka huwag niyo ng pilitin yan Hwag niyo…
LAGOT NA! ANAK NI SUNSHINE NAGSALITA NA SA GINAWANG PANGHAHALAY NI ATONG SA KANIYA!/th
Lagot na anak ni Sunshine Cruz idinetalye na ang ginawa sa kanya ni atong ang Cesar Montano hindi kinaya tila ka Kailan nga lang usap-usapan sa mundo ng showbiz ang anak ni Sunshine na si Angelina Cruz matapos umanong mapabalitang…
End of content
No more pages to load