Bea, Julia, at Kim may ‘common denominator’ daw sa pagiging calendar girl
Pinagkakatuwaan ng mga netizen ang mga dati at kasalukuyang calendar girl ng isang liquor brand dahil daw sa ugnayan nila sa isa’t isa.
Ang tinutukoy na former calendar girls ng brand na tinutukoy ay sina Bea Alonzo at Julia Barretto, na ang isa ay ex at ang isa naman ay present girlfriend ng Kapamilya Star na si Gerald Anderson.
Si Bea ang naging calendar girl noong 2022 at si Julia naman, ngayong 2024.
Noong bandang Marso nga ay mukhang okay na sina Bea at Julia matapos silang maispatang magkasama sa isang event habang nagkakatawanan pa.
At recently nga, ang isa pang ex ni Gerald na si It’s Showtime host Kim Chiu ang calendar girl ng nabanggit na liquor brand para sa 2025.
Biro tuloy ng mga netizen, si Gerald ba ang may-ari ng Tanduay dahil ang mga calendar girls ay may kaugnayan sa kaniya? Iyan din ang tinalakay sa NOvember 24 vlog na “Ogie Diaz Showbiz Update.”
Samantala, wala pang sey si Gerald tungkol sa mga hirit na ito ng netizens sa social media.