SHOCK: A famous actress accused her husband of having another relationship…their identities will make you hard to believe

BLIND ITEM: Asawa ng aktres, unti-unting nabubuking

Tama ang hinala noon ni Aktres na may ibang karelasyon ang asawa…
Blind item: Asawa ng aktres unti-unting nabubukingKahit hindi na mag-imbestiga, unti-unti nang nakakarating kay Aktres ang mga ebidensiya ng pagtataksil sa kanya ng kanyang asawa.Tama ang hinala ng aktres na may ibang karelasyon ang asawa niya kaya nakipaghiwalay ito sa kanya dahil sa isang insidente na nangyari noong Nobyembre 30, 2024.

 

READ

BLIND ITEM: Two breakups, what went wrong?

Kaarawan ng asawa ng aktres nang magkaroon ito ng knee injury dahil sa paglalaro ng badminton kaya dinala siya sa Kaiser Hospital sa California, USA.

Maraming mga Pilipino sa nabanggit na ospital at namukhaan nila ang lalaki pero nagtaka sila dahil ibang babae at hindi ang asawang aktres ang kanyang kasama.

Hindi nakatiis ang isang Pilipina na nakakakita sa asawa ng aktres dahil nilapitan ang lalaki at prangkahan na nagtanong ng, “Siya ba ang ipinalit mo kay [pangalan ng aktres].”

Nataranta ang lalaki na nagulat dahil may mga nakakilala sa kanya sa ospital na pinuntahan.

Mariin naman ang pagtanggi niya at sumagot ng, “Hindi po! Sinamahan lang po niya ako. May mga kasama kami sa labas.”

Nakatitiyak ang “imbestigador” na Pilipina na nagsisinungaling ang asawa ng aktres dahil lumabas siya para tingnan kung talagang may kasama ang dalawa, pero walang ibang tao na naghihintay sa kanila.

Mahaba ang buhok at halos kasing-edad ng asawa ng aktres ang pagsasalarawan ng Pilipino at ng ibang mga kababayan natin na nakakita sa babae na kasama ng asawa ng aktres nang magpunta ito sa ospital.

Ipinagkanulo rin ang dalawa ng kanilang mga kilos na nagpapahiwatig na higit pa sa magkasama o magkaibigan ang relasyon na namamagitan sa kanila.

Nang iwanan ng lalaki ang aktres, sumumpa siya na walang third party o ibang babae na sangkot, pero hindi naniwala ang kanyang hiniwalayan na asawa dahil malakas ang kutob nito na nagsisinungaling siya.

Hindi nagkamali ang hinala ng aktres dahil unti-unti nang lumalabas ang katotohanan.

Wala na ring dahilan para siya mag-imbestiga dahil kusang dumarating ang mga impormasyon tungkol sa pagtataksil ng asawa na patuloy siyang nililinlang hanggang sa huling sandali ng kanilang pagsasama.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News