Sa premiere night ngย Two Love Youย ay maraming nagulat na dumating siย Gretchen Barrettoย na may kasamang tisay na tsinitang babae at pagkatapos bumati at nagpa-picture sa producer ng pelikula na siย Ogie Diazย ay umalis din kaagad.
Hinatid pala niya sa event ang anak niย Atong Angย na siย Elaine Yu,ย na kasama sa pelikula at ginampanan niya ang karakter bilang bestfriend niย Yen Santos.
Si Elaine pala โyung naririnig namin noon pa na anak ni Atong na gustung-gustong mag-artista kaysa mag-negosyo tulad ng daddy niya. Siya rin ang nababanggit sa amin ng common friend namin na daddyโs girl pero itinanggi ito ng baguhang aktres, nagkataon lang na parati silang nagkikita at nagkakasama ng ama.
Bagong edisyon ng PBB, collaboration ng Kapuso at Kapamilya stars!
โSuper supportive sa akin (Gretchen), close talaga siya sa family namin, sa mga anak ko rin.
โKa-business kasi namin sila (kasama si Tony Boy), so we regularly see each other sa mga party, masarap siya (Greta) magluto, pinapadalhan kami parati (pagkain),โ kuwento ni Elaine kung bakit sila close ng kontrobersyal na personalidad.
At dahil sa gusot ng Barretto sisters na sina Gretchen,ย Marjorieย atย Claudineย ay hindi ba apektado si Elaine at hindi ba siya nag-isip na may relasyon ang tatay niya sa una.
โSabi nga nila, itโs not my battle (sabay tawa), kaya itโs not my battle. Hindi naman ako apektado kasi iba naman โyung balita sa totoo (nangyayari). Ang importante, intact kaming family, โyung circle namin maayos,โ nakangiting kuwento ng anak ni Atong Ang.
May bashers din daw siya, โactually, dumagdag ng 200 ang followers saย Instagramย ko simula nuโng Barretto (feud), so magandang effect โyun sa akin. Mga nang bash, okay lang naman hindi ko sinasagot kasi hindi naman ako involved at hindi naman makakatulong din sa akin.โ
Samantala, nabanggit dati ni Ogie na manager ni Elaine na may kapupuntahan ang karera ng niya dahil marunong umarte at sumusunod.
At nabanggit din naman ni Elaine na nag-workshop siya kay Ogie atย Ina Feleo. Bata pa siya ay gustung-gusto na niyang mag-artista at sa katunayan ay pumasa na siya sa audition saย Ang TVย noon at kasabayan niya sinaย Camille Pratsย atย Angelica Panganiban.
โNatanggap na ako ni direkย Bobotย (Mortiz) kaso tatanggalin naman ako sa Chinese school (kung saan siya nag-aaral), so hindi ako pinayagan ng parents ko. Tapos nag-Amerika na kami noong 15-23 years old ako.
โDoon nga nag-aartista pa rin ako sa LA (Los Angeles), sa Vegas (Las Vegas), modelling kasi may agent naman ako roโn. E, umuwi na ako (Pilipinas) tapos ikinasal na akoโt nagkaanak. Kaya nakabalik lang ako (showbiz) last year lang kaya kay tito Ogie kami lumapit para tulungan kami at mag-manage sa akin,โ kuwento ni Elaine.
Hirit namin na may career na pala siya sa Amerika bakit bumalik pa siya rito sa โPinas at hindi siya nanghinayang dahil โyung ibang sikat na artista rito ay gustung-gustong mapunta naman doon.
โMas masaya pa rin sa Pilipinas, iba pa rin dito kasi lahat parang iisang pamilya, sa Amerika kanya-kanya malalayo so, mas okay pa rin dito,โ paliwanag ng alaga ni Ogie.
Sa edad na 34 ay hindi halata kay Elaine dahil pumasa siyang 16 years old na anak niย Aga Muhlachย saย NUUK.
At dahil tuluy na tuloy na ang pag-aartista niya ay gusto niyang maka-trabaho sinaย Piolo Pascual,ย John Lloyd Cruzย atย Coco Martin.
โPangarap lang naman โyun, pero ako kasi kapag may magagaling akong nakasama, imbes na ma-pressure ako, mas natututo akong lumebel. Kaya gusto ko sana mga ganuโn (tipo ng artista) na natsa-challenge ako,โ pahayag ni Elaine.
At hindi niya pinangarap maging bida, โfeeling ko mas gusto ko drama, though nag-comedy na ako at nag-enjoy naman, pero mas gusto ko ang drama lalo na kapag kontrabida. Kasi hindi naman bagay sa akin ang kinakawawa, kaya ako na lang ang kontrabida.โ
Paano kung kunin siyang kontrabida niย Julia Barretto, (Natawa si Elaine), โokay lang, siya โyung mabait, ako โyung kontrabida!โ
Napansin si Elaine dahil anak siya ni Atong Ang na kunektado sa Barretto sisters.
โOo nakatulong kasi hindi naman ako mapapansin kung hindi dahil sa kanila pero โyung work ko pa rin sana ang mangibabaw hindi naman dapat โyung popularity lang, dapat โyung trabaho,โkatwiran ng aktres.
Pinasalamatan din niya si Gretchen, โthank you tita G to find time to come here and for supporting our movie and promote it.โ
-Reggee Bonoan