Mark Herras insists he is not courting Marian Rivera again
Mark says he’s happy for Marian’s success
“Never akong bumalik kung sinuman ang naging karelasyon ko noon. Para sa akin, ganun lang ang gusto kong mangyari, kapag tapos na, tapos na,” says Mark Herras about the rumor that he is courting Marian Rivera again
During break time sa taping ng Fantastic Man ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang lead star nitong si Mark Herras, na abalang-abala sa paglalaro ng kanyang Game Boy. Sandali ngang itinigil ni Mark ang paglalaro at saka sinagot ang mga tanong namin.
Natatawa lang ang kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor nang tanungin namin kung bakit sa lahat ng alaga ng kanyang manager na si Lolit Solis ay siya ang itinuturing nitong pinaka-pasaway. Sinabi ‘yon ni Manay Lolit during her guesting sa “Balakubak” segment ng Nuts Entertainment.
“Ewan ko ba kay Nanay [Lolit] kung saan niya nakuha ‘yung pasaway na ‘yon. Siguro nagti-trip lang si Nanay. Kasi, never naman akong naging pasaway. Never naman niya akong naging sakit ng ulo. Siguro lang, baka kaya niya nasabing pasaway, like sa babae before. Pero noon pa ‘yon,” natatawang depensa ni Mark.
Ayon kasi kay Manay Lolit, pasaway nga raw si Mark dahil tulad daw ngayon, tipong type na naman niyang balikan si Marian Rivera. Dati kasing naging open si Mark na nililigawan niya ang dalaga.
“Ah, wala…wala…hindi po totoo ‘yon,” tanggi niya. “Kasi ako naman, never kong binalikan kung sinuman ang naging [girlfriend] ko before.”
Diretso niya bang sinasabi na hindi na niya babalikan si Marian?
“Wala, wala akong plano,” tahasan niyang pahayag.
Pero nabanggit ni Marian sa nakaraang presscon ng Marimar na may pagkakataon pa rin na nagte-text si Mark sa kanya. Totoo ba ‘yon?
“Siguro that was the time na nag-congratulate ako sa kanya for Marimar. Pero walang ibig sabihin ‘yon. Hindi ko naman siya nililigawan,” paglilinaw ni Mark.
Masasabi niya bang nakapag-move on na siya o na-overcome na niya kung anuman ang naramdaman niya noon para kay Marian?
“Ayoko namang sabihin na move on,” sambit niya. “Pero ako, never akong bumalik kung sinuman ang naging karelasyon ko noon. Para sa akin, ganun lang ang gusto kong mangyari, kapag tapos na, tapos na.
Sa ngayon lang, ayoko lang na…unang-una, sobrang busy nung tao. Ang gandang break sa kanya ng Marimar. Ayoko lang na isipin ng mga tao na binabalikan ni Mark ‘yan kasi may Marimar. Baka sabihin lang nila, ginagamit ko lang si Marian for showbiz purpose, di ba? Ang pangit naman, di ba?” paliwanag ng young actor.
Masaya raw siya para kay Marian at sa magagandang opportunities na dumarating sa career nito ngayon, lalo na sa Marimar na alam niyang magandang break talaga para sa dalaga.
Pero sa kabila nito, wala raw panghihinayang sa kanya kung hindi man siya ang naging leading man or ka-loveteam ni Marian.
“Hindi, walang regret,” sabi niya. “Ako kasi, never naman akong nagkaroon ng regret. Hindi nga ako nanghinayang kung anuman ang nangyari before or kung meron man akong naging relationship. At least, once in our lives, nagkaroon kami ng relationship.”
Hindi naman itinanggi ni Mark na mas sexy ngayon ang dating nililigawan.
“Mas sexy talaga ngayon si Marian. Mas payat siya ngayon, sobra! Ang laki ng ipinayat niya. Pero siyempre, maganda naman talaga si Marian ever since,” pahayag ni Mark.
Mas attracted ba siya kay Marian ngayon?
“Well, tulad nga ng sinabi ko, ever since naman, maganda si Marian,” sagot niya. “Pero ako talaga, mas attracted ako sa ugali. E, sobrang malambing si Marian. Kumbaga, ngayon naman, kung may nabago man sa kanya, mas pumayat lang, mas sumeksi, humaba ang buhok, ‘yon lang.”
News
Lotlot de Leon emotionally recalls his journey to find his American biological father, his adoptive mother Nora Aunor’s reaction makes fans curious/hi
Lotlot de Leon recalls journey to finding American biological father Lotlot de Leon: “As far back as I can remember, I already knew I was adopted.” Lotlot de Leon reunites anew with her biological father Donald Olson: “So here I…
WATCH: Nora Aunor and Christopher de Leon’s children reunited because of one man’s wish/hi
LOOK: Mga anak nina Nora Aunor at Christopher de Leon, nag-reunion Silipin ang naging tagpo sa reunion ng magkakapatid na Ian, Lotlot, Matet, Kiko at Kenneth de Leon. Nagkaroon ng reunion ang mga anak nina Nora Aunor at Christopher de…
BREAKING NEWS: Paulo Avelino reveals he is ready to marry a mysterious woman, surprising fans/hi
Paulo Avelino Handa Ng Magpakasal Paulo Avelino, handa na bang magpakasal? Ang tanong na ito ay lumutang sa isang kamakailang panayam kung saan tinalakay ang posibilidad ng pag-aasawa ng Kapamilya aktor, na kasalukuyang rumored na may relasyon kay Kim Chiu….
SHOCK: Nagsalita si Paulo Avelino bilang pagtugon sa akusasyon na ginamit niya si Kim Chiu para sumikat, nabigla ang mga tagahanga sa katotohanan sa likod nito./hi
Paulo Avelino Sinagot Ang Isyung Ginagamit Niya Si Kim Chiu Aktor na si Paulo Avelino, sinagot na ang isyung ginagamit niya ang Kapamilya actress at It’s Showtime host na si Kim Chiu para maging matunog ang kanyang pangalan. Hindi nagustuhan…
PANOORIN NGAYON: Mariing tinututulan ni Deputy Ganda si Xian Lim na makabalik si Kim Chiu! Samantala, kinumpirma ni Xian ang isang nakagigimbal na katotohanan/hi
Vice Ganda Tutol Sa Pakikipagbalikan Ni Xian Lim Kay Kim Chiu! Xian Confirm Na Ikinasal Na Kay Iris? Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung nagpakasal na pala sina Xian Lim at rumored girlfriend nito…
VIDEO: Vice, Ion, Vhong Jhong and Showtime Fam Full Force have a blast at the Vice Ganda Club Opening Ceremony/hi
Vice, Ion, Vhong Jhong at Showtime Fam Full Force Sa Grand Opening Ng Club Ni Vice Ganda Sa umaga pa lang ng araw na ito, kitang-kita na ang dami ng mga taong nais magpa-reserve at makapasok sa comedy club ni…
End of content
No more pages to load