
Magka holding hands sina Marian Rivera at Dingdong Dantes nang naglakad sila sa red carpet para sa premiere night ng Super Inday and the Golden Bibe noong Sabado, ika-18 ng Disyembre 2010, sa Cinema 10 ng SM Megamall.
“Na te-tense ako at sobrang excited talaga, kaya nga sinama ko siya para di ako kabahan, e,” sabi ni Marian, sabay yakap kay Dingdong.
Ayon naman sa aktor, “Kahit wala akong time gagawa talaga ko ng time para sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kakabado, para siyang ga graduate na di mo maintindihan, ganun yung pakiramdam nya. Alam kong this is something very special to her. Sigurado namang ma aapreciate ng mga manunood ito.”
Dinumog ng mga fans ang premiere night na ito, at karamihan sa mga nanood ay mga bata kasama ang kanilang mga magulang dahil super pambata ang istorya at special effects na ginamit sa pelikulang ito.
Bukod sa gumanap na Super Inday na si Marian, present din ang super hero na leading man ni Marian, si Jake Cuenca, at ang kanyang Golden Bibe friend na si John “Sweet” Lapus. Hindi nakadalo sa premiere night si Pokwang dahil may ibang show ito nang gabing iyon. Nakita rin sa premiere night ang mga ibang cast members ng pelikula tulad nina Jestoni Alarcon, kasama ang kanyang dalawang anak na babae. Andun din sina Sheena Halili at ang mga young stars na sina Nash Aguas, Buboy Villar, Sabrina Man at Elijah Alejo.
Sa premiere night ng nasabing pelikula magkakatabi ang mga bidang sina Jake Cuenca, John Lapus. Siyempre, si Marian Rivera ay tumabi kay Dingdong Dantes, at kitang-kita ang pagiging sweet ng dalawang magkasintahan.
Nang tanungin si Marian na magbigay ng mensahe kay Dingdong bilang escort niya sa premiere night na ito, sinabi ng dalaga, “Thank you, dahil kung wala ka dito di ako mag-i-i-smile.”
Tuwang-tuwa din si Marian dahil dumating ang kanyang lola at mga college classmates para manood din ng kanyang pelikula.
Nang tanungin si Marian kung ano ang pinaka-matinding stunt na ginawa niya sa pelikulang ito, ito ang sagot ni Super Inday: “Wala naman masyado, yung mga fight scenes lang, siyempre me harness ako pero di naman na iba sa akin yun dahil sa nag Darna na naman ako before. Pero ang maipagmamalaki ko ay yung pagiging komedyante ko na lumabas talaga rito.”
Tinanong din si Marian kung ano ang similarities ni Super Inday at ni Marian sa totoong buhay. Aniya, “Malaki! Kasi si Super Inday, basta may gusto siyang gawin basta alam niyang nasa tama gagawin niya yun at hindi nya pababayaan yung mga mahal niya sa buhay at ganun din ako sa totoong buhay. Isa pa sa similarities ko kay Super Inday ay ang pagiging kalog at ang pagiging baklang babae sa Pilipinas.”
News
Vice Ganda Furious at Contestant Who Pretended to Be an Ex in ‘It’s Showtime’ (ch)
In a dramatic turn of events that left the viewers of It’s Showtime in disbelief, Vice Ganda, the beloved host and comedian, lost his cool on stage after a contestant on the show pretended to be his ex during a…
NANAY ni Eman Pacquiao Jr na si Joanna Bacosa LUMANTAD NA sa PUBLIKO Ang NAANAKAN ni Manny! (ch)
In a shocking turn of events that has caught the public by surprise, Joanna Bacosa, the mother of Eman Pacquiao Jr., has stepped forward to confirm her son’s paternity, publicly revealing that he is indeed the son of the boxing…
Maxene Magalona Accepts Her Half-Sister Gail Francesca; Gail Breaks Her Silence (ch)
In a heartwarming and emotional revelation, Maxene Magalona, actress and daughter of the late Filipino music icon Francis Magalona, has publicly accepted her half-sister, Gail Francesca Magalona. The news has garnered widespread attention as the two siblings, who had previously…
WATCH: Jhong Hilario Confirms His Past Relationship with Vice Ganda, Sparks Buzz Amidst Complicated Dynamics (ch)
In a shocking revelation that has sent waves through the entertainment industry, Jhong Hilario has confirmed his past romantic relationship with comedian and television personality Vice Ganda. The confirmation came during a candid moment on a popular talk show, leaving…
Tirso Cruz Reacts To Nora Aunor’s Revelation about Love for Him (ch)
Nora Aunor Revealed Tirso Cruz was Man She Fell Madly in Love w/ TIRSO CRUZ – The veteran actor and Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairperson reacted to the revelation of Superstar Nora Aunor about her love for…
Annabelle Rama Reacts to Richard Gutierrez’s New Girlfriend, Kazel Kinouchi: “I Don’t Agree”
In a dramatic turn of events, Annabelle Rama, the outspoken and fiery matriarch of the Gutierrez family, has made her stance clear regarding her son Richard Gutierrez’s new relationship with model and actress Kazel Kinouchi. The renowned celebrity mother, known…
End of content
No more pages to load