
Comedienne Rufa Mae Quinto is facing 14 counts of estafa case filed by 39 people in relation to her being an endorser of beauty clinic Dermacare, which is now involved in an investment scam.
PHOTO/S: @rufamaequinto on Instagram
Kumpirmadong may warrant of arrest para sa comedienne na si Rufa Mae Quinto.
Fourteen counts ng estafa ang kasong kinakaharap sa kasalukuyan ni Rufa Mae dahil sa reklamo ng tatlumpo’t siyam (39) na katao.
Tulad ni Neri Naig Miranda, celebrity endorser din si Rufa Mae ng Dermacare beauty clinic na nasasangkot ngayon sa investment scam kaya kabilang siya sa mga sinampahan ng kaso.
Fourteen counts din ng estafa at syndicated estafa ang mga kasong isinampa laban kay Neri, na dinakip sa isang mall sa Pasay City at ipiniit sa Female Dormitory ng Pasay City Jail noong Nobyembre 23, 2024.
Mahigit sa P1.7 million ang piyansa para sa fourteen counts ng estafa ni Neri, pero non-bailable ang syndicated estafa kaya ikinulong siya.
WHERE IS RUFA MAE QUINTO?
Samantala, nasa Amerika si Rufa Mae nang lumabas ang warrant of arrest para sa kanya.
Apektadong-apektado si Rufa Mae dahil hindi niya akalaing masasangkot sa kasong wala siyang kinalaman, lalupa’t tumalbog din umano ang mga tsekeng ibinayad sa kanya bilang endorser ng Dermacare.
Hindi rin umano nanghingi ng pera si Rufa Mae mula sa mga nagdemanda sa kanya dahil hanggang sa pagiging celebrity endorser lamang ng Dermacare ang partisipasyon niya.
Nadamay lamang umano ang aktres dahil isa siya sa mga celebrity endorser ng beauty clinic na pag-aari ni Chanda Atienza.
May mga nagpapayo kay Rufa Mae na ayusin muna ang problema niya at bayaran ang piyansang nagkakahalaga ng mahigit sa PHP1.7 million para sa kanyang pansamantalang kalayaan bago siya bumalik sa Pilipinas.
Pero tiyak na magkakaroon ito ng malaking epekto sa kanyang mga showbiz at personal commitment.

Rufa Mae Quinto photoshoot for Dermacare
BOY ABUNDA ON RUFA MAE’S ESTAFA CASE
Ang malapit na kaibigan at dating manager ni Rufa Mae na si Boy Abunda ang isa sa mga tumutulong ngayon sa aktres,
Ibinahagi ni Boy ang opinyon nito tungkol sa parehong kasong kinasasangkutan nina Rufa Mae at Neri sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes ng hapon, Disyembre 2.
Kinumpirma niyang may warrant of arrest na naghihintay kay Rufa Mae.
Pahayag niya: “Kinukumpirma ko pong merong mga warrant of arrest si Rufa Mae kaya medyo nababahala po ako bilang kaibigan at manager.
“I am alarmed as a member of this industry and as a manager. Para bagang gusto kong balikan lahat ang mga kontrata dahil ang endorser ba ay salesman?
“Kapag sinabi kong bumili ho kayo ng donut ay yung warranty ba na yon, I mean, ano ba ang ating responsibilidad?
“Kasi, sa aking pagkakaunawa bilang manager, ang nagwa-warrant po sa publiko, na ang produkto ay maganda, matino ang serbisyo ay ang may-ari ng kompanya.
“Ang endorser ay maniniwala lamang sa sinasabi ng may-ari.”
Pagpapatuloy ni Boy: “It’s a very complicated case pero palaisipan po ito. I think the industry as a whole, we should be studying our contracts more.
“Kaninong responsibilidad ba ito? Naghikayat halimbawa ako na bumili ka ng bahay. Naghikayat ako na bumili ka ng condo, saan nag-uumpisa at nagtatapos ang responsibilidad?
“Do I own the company? Am I liable, halimbawa, e, hindi pala masyadong kagandahan? I have so many questions.
“I know that the case is in court.
“Isa pang point of interest, paano kaya nakonekta itong sina Neri, Rufa Mae sa kaso ng piskalya?
“It’s really interesting na dapat marami tayong matutunan bilang members of the industry, lalo na ang mga artist at ang mga manager.
“Ito po yung aking nararamdaman kaya hindi ko po mapigilang magsalita.”
News
Lumabas sina Kim Chiu at Paulo Avelino sa screening ng pelikulang ‘And the Breadwinner Is’ na marami pang bagay na dapat ibunyag….. (nuna)
Kim Chiu and Paulo Avelino made the rounds on social media after being spotted at the blocking screening for “And the Breadwinner Is…” Kim Chiu at Paulo Avelino, spotted sa block screening ng ‘And the Breadwinner Is’ (@annecurtissmith, @chinitaprincess) Source:…
Boy Abunda, humiling na huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque sa kanilang breakup (nuna)
Umapela ang King of Talk na si Boy Abunda sa publiko na pairalin ang kabutihan at huwag husgahan sina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos na maghiwalay ang dalawa.Dahil sa panibagong kabiguan sa pakikipagrelasyon ni Bea, sinabi ni Tito Boy…
Sunshine Cruz, Atong Ang kissing video goes viral (nuna)
Atong Ang at Sunshine Cruz A kissing video of actress Sunshine Cruz and businessman Atong Ang went viral on social media. In a video uploaded on TikTok, Sunshine was seen kissing Atong while in an unknown cockpit arena. It can…
Denise Julia Responds to BJ Pascual’s Accusations of Canceling a Photoshoot (nuna)
R&B singer Denise Julia (left) speaks up after celebrity photographer BJ Pascual (right) named her as the “worst celebrity/model to shoot.” PHOTO/S: Instagram / YouTube Sumagot na ang R&B singer na si Denise Julia sa mga akusasyon sa kanya ng…
KC hopes relationship with mom Sharon will be “ok” soon (nuna)
KC Concepcion (left) on mom Sharon Cuneta (right): “Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I. She always makes the holidays extra magical and…
Julia Barretto thinks it’s okay to walk away from this situation (nuna)
Julia Barretto on trusting the people closest to her: “I feel like yung mga nasa paligid namin, that stood the test of time. Kumbaga, parang napatunayan na ang loyalty, and parang good naman para sa amin, so far masaya naman…
End of content
No more pages to load