Pasay City Court moved Neri Naig’s indictment to January. Whether Neri Naig really deserves to be charged, the victim’s lawyer repeatedly revealed everything. (SKDA)

May be an image of 4 people, slow loris, hat and text

Pasay City Court moved Neri Naig’s indictment to January. Whether Neri Naig really deserves to be charged, the victim’s lawyer repeatedly revealed everything.

neri naig pasay city jail 

Businesswoman Neri Naig (in yellow shirt with cap) escorted by police officers to Pasay City Jail Female Dormitory after judge postponed former actress’ arraignment for 14 counts of violation of Securities Regulation Code, estafa, and syndicated estafa. Meanwhile, a lawyer of the 39 investors who filed a case against Neri speaks up for his clients who allegedly lost around P89M investment.
PHOTO/S: Screen grab from State of the Nation

Hiniling ng kampo ni Neri Naig Miranda sa Pasay Regional Trial Court na ibasura ang mga kasong inihain laban sa dating aktres.

Bunsod nito, nagdesisyon ang judge na hindi muna ituloy ang arraignment kay Neri na nakatakda sana kahapon, November 28, 2024.

Naghain ang actress-businesswoman ng motion to quash kaya sa January 9, 2025 na itutuloy ang arraignment o pagbabasa ng sakdal sa kanya, ayon sa ulat ng 24 Oras.

Pinagsusumite rin ng korte ng komento ang prosekusyon at Securities and Exchange Commission (SEC) kaugnay ng motion.

Tumanggi umanong magbigay ng pahayag ang kampo ni Neri.

Nakuhaan din ng video ng GMA Integrated News si Neri habang ini-eskortan ng mga pulis pabalik sa Pasay City Jail Female Dormitory kung saan siya pansamantalang nakaditene.

Neri Naig escorted by BJMP officers back to her quarter at Pasay jail

Photo/s: Courtesy: 24 Oras on YouTube

39 INVERSTORS ALLEGEDLY LOST Php89M

Aabot umano sa PHP89 million ang nawalang pera ng 39 investors ng Dermacare, ang dating iniendorsong beauty care clinic ni Neri.

Ayon sa abogado ng mga biktima na si Atty. Roberto Labe, nabuhayan ng loob ang kanyang mga kliyente nang pumutok ang balitang nahuli si Neri ng Southern Police District (SPD) dahil sa paglabag umano nito sa Securities Regulation Code at syndicated estafa cases.

Sa hiwalay na ulat ng TV Patrol noong November 27, sinabi ni Atty. Labe na mayroon siyang 39 kliyente mula Quezon City, Pasay, Sta. Rosa, Laguna, at Batangas City na nagsampa ng kaso laban kay Neri at anim na board of directors ng Dermacare.

Atty. Roberto Labe

Photo/s: Courtesy: TV Patrol on YouTube

Dagdag pa ng abogado, taong 2022 nagsimulang mag-invest ang isa nitong kliyente.

Lahad niya, “They started online asking public to invest.

“Then of course, this scheme, meron silang clinic which is legitimate naman yung clinic, nakikita naman physically.

“They entice people to invest. Asking people from the public through several apps sa Facebook and telling people that they can earn as much as 15 percent every quarter and plus 50 percent off sa lahat ng services and products nung clinin na yun.”

Ngunit noong 2023, nagsimula na raw magtalbugan ang mga tseke.

Kasabay rin ito ng paglabas ng SEC ng babala na hindi awtorisado ang Dermacare na mag-solicit ng investments dahil sa kakulangan nito ng registration o lisensya.

Ayon kay Labe, “That’s the reason why lalong hindi sila makakuha ngayon ng investors. So, hindi nakaikot yung pera.

 

“Eventually, hindi na talaga sila makapag-reach out doon sa original na may-ari nito, yung corporation owned by certain Chanda. Hindi na po ma-reach out.” 

Nasa PHP89 million daw ang ipinuhunan ng kanyang mga kliyente at umaasa ang mga itong maibalik ang pera sa kanila.

Sabi pa nito, “Ito lang naman ang habol nila sa simula. That’s why they’re sending demand letters.

“Nung hindi na po nila mahagilap, wala nang nagre-reply sa kanila, nag-file na sila ng cases.

“Including her, kasi as an investor, nagpapatulong sila.

“As you can see naman sa mga posts din niya noon, she’s of course enticing people to invest.

“So, isa yun sa mga rason bakit nagpapatibay, tumibay yung loob ng mga investors dahil knowing for a fact that Ms. Neri is a person with integrity.

“Kita niyo naman po, magaling po siya sa negosyo.

“I think there was one segment na yung ‘Wais na Misis’ di ba?”

May isa pa umanong aktres na endorser ng Dermacare ang hinahanap ngayon ng pulisya dahil sinampahan din ito ng kaso.

Sabi ng abogado, “Mas sikat pa nga po ito sa kanya [Neri].

“Personally, I know for a fact, nakasama po yun sa dinemanda namin at meron na rin pong warrant of arrest.

“Hindi ko lang po mabanggit yung details noon.”

Sinubukan ng TV Patrol na kunin ang panig ni Neri sa pamamagitan ng kanyang abogado, pero hindi nila ito makontak.

CHITO MIRANDA STANDS BY WIFE NERI NAIG

Nauna nang nanindigan si Chito Miranda na biktima lamang ang kabiyak niyang si Neri.

Ito ay sa gitna ng kinahaharap na patung-patong na kaso ng dating aktres: 14 counts of violation of Securities Regulation Code, estafa, at syndicated estafa.

Sa pamamagitan ng Facebook noong November 27, 2024, ipinagtanggol ni Chito si Neri.

Nanindigan ang singer na walang nilokong tao ang kanyang asawa. Ang tanging kasalanan lamang daw nito ay ang pagiging matulungin.

Buong post ni Chito: “Praying na ma-sort out na ang lahat ng ito…kawawa naman yung asawa ko

“Never nanloko si Neri, at never sya nanlamang sa kapwa.

“Never siyang kumuha or nanghingi ng pera kahit kanino man.

“Alam ng lahat yan.

“Tulong lang sya ng tulong hangga’t kaya nya.

“Minsan kahit di na nakakabuti sa kanya.

“Kadalasan nga, naaabuso na sya pero hinahayaan nya nalang, basta wala syang ginawang masama.

“Pinapa sa Diyos nya na lang. 

“Tulad ngayon, endorser lang sya tapos ginamit yung face nya to get investors.

“Kinasuhan sya ng mga nabiktima.

“Tapos last week, bigla na lang syang inaresto for the same case kahit hindi pa sya binigyan ng notice na may bagong criminal complaint pala laban sa kanya, and di nya na-defend yung sarili nya.

“Wala syang nareceive na letter from the prosecutor, walang subpoena, walang kahit anong notice.

“Yung mga dati, nareceive namin nya, at nag comply sya, (alam naman ng lahat na madali kami mahanap sa Alfonso)

“Anyway, dinampot na lang sya bigla.

“(Nadismiss na yung mga similar na kaso sa ibang lugar, and we’re praying na sana ma-dismiss na din ito.)

“Wala siyang kinuhang pera sa ibang tao, lahat ng pera nila na kay Chanda, ang may ari ng Dermacare.

“Sobrang bait po ni Neri…as in sooobra.

“Eto yung babaeng kinulong ninyo without bail, habang nakalaya pa yung mga tunay na may kasalanan.”

Bumuhos naman ang suporta ng maraming celebrities kina Chito at Neri matapos mag-post ang Parokya Ni Edgar singer tungkol sa pag-aresto sa kanyang asawa.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News