Is Maricar Reyes’ post an unsolicited piece of advice for Maris Racal? (nuna)

Maricar Reyes-Poon and Maris Racal

Positibo ang naging reaksiyon ng netizens sa Facebook post ni Maricar Reyes (kaliwa) tungkol sa pag-ako sa pagkakamali, matuto mula rito, and finish strong. Pinaniniwalaang pagpapakita niya ito ng suporta kay Maris Racal (kanan) na sangkot ngayon sa kontobersiya. (Photos: Maricar Reyes-Poon FB, @mariesteller on IG)

Nakatawag ng atensiyon ng netizens ang post ng aktres na si Maricar Reyes-Poon sa kanyang Facebook account nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 6, 2024.

Ang nilalaman ng kanyang post: “The pain & shame of a mistake can be the first step towards the best & wisest version of yourself.

“Life is a marathon, not a sprint.

“Take full accountability, learn well & finish strong.”

Screenshot of Maricar Reyes-Poon's FB post

Ang screenshot ng Facebook post ni Maricar Reyes-Poon. Photo: Maricar Reyes-Poon Facebook

Ang post na ito ni Maricar ay nakakuha na ng 55K reactions, 1K comments, at 10K shares at this writing.

Naniniwala ang ilang netizens na ito ay pahiwatig ng suporta ni Maricar kay Maris Racal, na nasa gitna ngayon ng kontrobersiya.

Sangkot si Maris at ang onscreen partner nitong si Anthony Jennings sa cheating allegations, matapos ibahagi sa social media ni Jamela Villanueva, ex-girlfriend ni Anthony, ang private conversations sa pagitan ni Maris at ng aktor.

MARICAR REYES MOVES ON FROM 2009 SCANDAL

May kinaharap ding mabigat na isyu si Maricar nang masangkot siya sa isang eskandalo noong 2009

Sa August 19, 2024 episode ng Fast Talk With Boy Abunda ay sinabi ni Maricar na naka-move on na siya mula sa isyu.

Nakatulong umano sa aktres ang kanyang relasyon sa Diyos, pakikinig sa iba pang kababaihan, at dahil na rin sa suporta ng kanyang mister na si Richard Poon.

Isinulat din niya ang aklat na Maricar para maibahagi ang kanyang kuwento.

Photo of Maricar Reyes-Poon

Nalampasan na ni Maricar Reyes-Poon ang isyung kinasangkutan niya noong 2009. Photo: Maricar Reyes-Poon Facebook

Sinabi rin ni Maricar na natutunan niyang pakawalan ang kanyang “death grip” sa kanyang magandang reputasyon matapos itong mamantsahan dahil sa eskandalo.

Aniya, “I feel like I’ve been turned inside out.

“Kasi all my life, parang the way I would do things, the way I would live life, feeling ko na tama is, you know, you look good, you do good, external stuff.

“Basta you look good, people don’t see the bad stuff you’re doing, you’re OK.”

Ibinahagi rin ni Marcar na isang taon matapos niyang masangkot sa eskandalo, sinimulan niyang mag-reflect sa nangyari nang may ibang pananaw.

Inamin din niyang may bahagi siya sa nangyari.

Saad niya: “I saw my part in it.

“Kasi for the longest, I couldn’t see what I did wrong, like, or parang the thought was, ‘What did I do to deserve something this big?’

“I can’t talk about this without going into God.

“When I see my situation through His eyes, and I start to also know kung sino ba talaga Siya, mas nagiging klaro na.”

Sabi umano niya sa sarili, “Sablay ka din, e.”

Dagdag pa ni Maricar, “It’s accumulation of your little choices that were hurting God and hurting yourself in the process.”

NETIZENS’ POSITIVE REACTION TO MARICAR’S POST

Bagamat walang malinaw na pagtutukoy si Maricar sa kanyang Facebook post, maraming netizens ang nagbigay ng positibong reaksiyon dito.

Ayon sa isang nagkomento: “Tama. Dapat kapag ikaw ang nagkasala, accept mo ang consequences.

“Oo, mapagpatawad ang Diyos. Pinapatawad Niya tayong lahat pero need pa rin Niya tayong parusahan sa pagkakamali natin para matuto tayo.

“Di yung akala mo papatawarin ka lang tapos, tapos na ang lahat.”

Puri naman ng isa, “The best advice that I’ve seen in SocMed.”

Pagsang-ayon din kay Maricar ng isa pa: “I agree! Take it from Maricar Poon. Nagkamali at itinama ang mali.

“Every day is a chance you get to change that one mistake, that bad choices or that deep regret you felt when you believed to have ultimately made the worst decision of your life.”

Komento naman ng isa pa: “One of the classiest women I have ever known.

“How you handled your adversity amidst an unforgiving public and turned them into admirers is worth noting.

“It’s a masterclass on converting public humiliation [whether your fault or not] into public respect and admiration.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News