LATEST NEWS: Paulo Avelino had a strange reaction when he heard Kim Chiu reveal the type of man she likes.., fans couldn't help but be curious/hi - News

LATEST NEWS: Paulo Avelino had a strange reaction ...

LATEST NEWS: Paulo Avelino had a strange reaction when he heard Kim Chiu reveal the type of man she likes.., fans couldn’t help but be curious/hi

Kim Chiu, Si Paulo Avelino Nga Ba Ang Tinutukoy Sa Kanyang Naging Sagot


Inilahad ng Kapamilya TV-host, actress na si Kim Chiu ang kanyang mga nagugustuhan niya sa mga lalaki ngayon. Mas gusto umano ngayon ng aktres ang lalaking, iyong tahimik lang. 

Tila nadulas na naman ang aktres na si Kim Chiu sa naging katanungan sa kanya ni Vice Ganda sa kamakailang episode ng It’s Showtime sa segment Expecially For You sa It’s Showtime.

Kamakailan ay naitanong ni Vice Ganda kay Kim Chiu sa isang segment nila sa It’s Showtime kung ano ang gusto nito na katangian ng isang lalaki. Pinapili ni Vice Ganda si Kim Chiu kung ano ang gusto niya sa isang lalaki ngayon iyong maligalig o iyong tahimik lang.

Medyo napaisip pa si Kim Chiu sa katanungan na ito ni Vice Ganda, hanggang sa sinabi na nitong total ay maingay naman siya ang pipiliin niya ngayon ay iyong tahimik lang.

Kaagad namang naghinala ang mga solid KimPau fans na ang tinutukoy ni Kim Chiu na lalaki sa pagsasabing iyong tahimik lang ang kanyang gusto ay walang iba kundi si Paulo Avelino.

Hindi naman kasi umano lingid sa kaalaman ng lahat na isa sa mga katangian ni Paulo Avelino ang pagiging tahimik.

Kabaliktaran naman ito sa personality ni Kim Chiu na madaldal at masayahin. Subalit, magmula nang nagkasama sa iisang trabaho ang dalawa ay tila nahahawaan na umano ni Kim Chiu sa pagiging madaldal si Paulo Avelino.

Samantala, aminado naman si Paulo Avelino na talagang napapasaya siya ngayon ng kanyang leading lady na si Kim Chiu.

Sa ngayon ay maraming napapatanong sa totoong estado ng relasyon ni Kim Chiu at Paulo Avelino dahil napapansin ng maraming mga netizens na tila may naiiba na sa kanilang mga tinginan at pagiging malapit sa isa’t-isa.

Subalit, ang mas makabuti sa ngayon ay hintayin na lamang ang pag-amin nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa kanilang relasyon.

 

Related Articles

News 1 year ago

News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi

The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting…