Beauty Gonzalez assured of husband Norman Crisologo’s fidelity (nuna)

Beauty Gonzalez

Beauty Gonzalez reacts to the possibility of husband Norman Crisologo having other children outside of their marriage. She says, “I trust my husband and he trusts me and that’s why in a working relationship, importante yung trust.” 
PHOTO/S: Instagram

Para kay Beauty Gonzalez, hindi dapat maging rason para maghiwalay ang isang married couple kung sakaling madiskubre ng babae na may anak pala sa ibang babae ang kanyang mister.

PEP Best Bets 2024: A-Lister Beauty Gonzalez

Beauty Gonzalez 
ILLUSTRATION: Igi Talao

Ganito kasi ang isa sa mga kuwentong lalabas sa season 3 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis, kunsaan may magpapakilalang anak ni Tolome (Sen. Bong Revilla) mula sa ibang babae umano.

Beauty Gonzalez
Bong Revilla

Beauty Gonzalez and Sen. Bong Revilla Jr. at the GMA Gala 2023 
Photo/s: Screenshot from PEP video: John Mariano

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actress sa nakaraang presscon ng season 3 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matigas Na Misis na ginanap sa Novotel Hotel nung nakaraang December 14.

Tinanong namin si Beauty kung ano nga ba ang magiging reaction niya kung sakaling mangyari ang ganitong scenario sa totoong buhay?

Lahad niya, “Marami, maraming factor. Kung within the marriage na nangyari yun, paano ka nakalusot, diba?

“Parang ganun. Pero kung before the marriage, wala naman akong magagawa.

“If it happens during the marriage, wala naman din akong magagawa kasi bata iyan, e. I mean, yung asawa ko bugbog talaga, siguro ganun, lahat talaga, ‘pisti nawa, mamatay ka diyan.’

“Yung bata mamahalin ko, kasi tao din naman iyan, e. And baka in the future mamahalin din ako ng bata. Bakit ako maghe-hate? Ang hirap nun.”

Ayon din kay Beauty ay walang hiwalayang magaganap at siya pa ang mismong maninigurado na maibigay ang mga personal na pangangailangan ng bata.

Aniya, “Hiwalay? No, no, no, pero wag mo namang i-maintain kasi ang hirap naman na mayroon kang mine-maintain diyan.

“Kung aksidente lang nangyari yun, wala na akong magagawa. Basta yung bata accept ko yun, di naman kasalanan nung bata, e.

“Tulungan na natin yung bata na makapag-school nang maayos.

“Ako magi-insist ako na bigyan ng condo, para makapag-aral nang maayos. It’s their own place, kasi my place is my place.

“Di ko naman kayang ibili ng house and lot. Condo is more than enough, car and a good education and he has his own place. Yun ang importante sa akin pero kailangan din nating ipa-DNA test para sigurado.”

BEAUTY, CONFIDENT ABOUT HUSBAND NORMAN’S FAITHFULNESS

Tinanong din si Beauty kung kampante ba siya na wala talagang anak sa labas ang asawa niyang si Norman Crisologo. Hirit namin, baka ikagulat na lang niya kung sakaling may bigla na lang lumabas at magpakilala.

Norman Crisologo and Beauty Gonzalez

Beauty with husband Norman Crisologo 
Photo/s: Screengrab from Instagram | @beauty_gonzalez

Sabi niya, “Oo naman, ipagdasal mo na lang na wala talaga. Like, di ko naman puwedeng sabihin na confident ako.

“Ipapasa-Diyos mo na lang talaga. I trust my husband and he trusts me and that’s why in a working relationship, importante yung trust.”

Pagbabahagi sa amin ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Pulis lead actress, naranasan niya rin kung paano magkaroon ng ibang mga kapatid sa labas.

Pag-amin ni Beauty, “Sa totoo lang my dad has kids outside and I know how it feels, I see my stepkid brothers, kawawa sila and ako rin, tinutulungan ko sila kahit di kami buong kapatid, tumutulong ako.

“Sa akin na rin bumabanda lahat, e. Imbes na trabaho ito ng tatay ko, di niya nagawa, ako na lang ang umaako.

“Kung mangyari man kay Norman, ayoko na si Olivia naman ang aako.”

BEAUTY ADMITS MISUNDERSTANDINGS WITH MOM IN THE PAST

Sa nakaraang guesting ni Beauty sa Fast Talk With Boy Abunda, inamin nito na nagkaroon siya ng childhood trauma dahil sa sobrang paghihigpit ng ina. Para naman sa aktres, nakaraan na yun at naiintindihan niya ang pinanggagalingan ng ina.

Kuwento niya, “Oo, minura ako, sabi niya, ‘Kung gusto mong sumikat, wag mo akong isali-sali.’

“Natakot ako before, ihi sa panty sa takot, ganun, pero tapos na yun.

“Ayoko naman maging masama ang nanay ko, may pinagdaanan naman siya na di niya ginusto at minsan nadadala niya yun.

“Minsan pag nagsisigawan kami, sigaw din ako, maya-maya, ‘I love you.’ E, ganun talaga e, kahit anong hate niya sa akin, sasabihin niya sa akin, di ka na makakauwi ng Dumaguete.

“Sasagutin ko siya, binibiro ko na lang kasi ayokong seryosohin kasi at the end of the day, nanay ko pa rin yun, aalagaan ko pa rin yun.

“Huli kaming nagkita nung Halloween, nagkita kami, hanggang gate lang ako. Ganun talaga, nagalit sa akin, maraming bagay pero siyempre hinatid ko yung anak ko. Ayoko na wala silang relasyon.”

BEAUTY THANKS NORMAN FOR KEEPING HER TEMPER IN CHECK

Pagpuri naman ni Beauty sa kanyang asawa, malaking tulong daw si Norman para makontrol niya ang sarili na di niya ito magawa sa anak na si Olivia.

Pahayag niya, “Si Norman ang nagpaintindi sa akin na ganun yun, kailangan mo na lang intindihin at patawarin.

“Tuloy pa rin ang buhay, nangyari na, e. Yes, kino-correct ko sa mother ko, hindi ako perfect ha, yung nanay ko biglang sumasanib sa akin.

“Nagpapasalamat ako kay Norman na talagang aware siya na, ‘Hoy, Beauty, teka muna. Hinga, tumayo ka.’ Ako rin nagso-sorry din ako, importante na marunong rin tayong mag-sorry bilang magulang.”

BEAUTY, HAPPY FOR TV SITCOM’S THIRD SEASON

Sa kabilang banda, masaya at nagpapasalamat naman si Beauty na season 3 na sila sa Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis na magbabalik uli sa ere sa darating na December 22, tuwing Linggo, alas siyete ng gabi.

Pag-amin ng former PBB alumna, “Siyempre masaya, nakakagulat, kasi di ko ine-expecr na aabot kami ng season 3.

“Akala ko hanggang season 2 lang kasi alam ko na gagawa siya ng pelikula, yung Alyas Pogi 4, akala ko ito ang ending namin.

“Nung nagka-season 3 na-shock ako, natuwa ako kasi I love comedy.

“This is my side of me na di nakikita nila, ine-enjoy ko talaga, parang relax ako sa trabahong ito.

“Grabe yung promo ni Sen. Bong, yung mga pa-billboard niya sa EDSA, sabi ko, ‘Sen, para naman akong si Kathryn Bernardo, ang dami kong billboards diyan sa EDSA.’

“Thank you so much kasi inaangat din niya ako at inaangat din niya kaming lahat, so we’re very thankful for that.”

Tinanong din namin ang aktres kung ano sa palagay niya ang dahilan kaya patuloy na tinatangkilik ng mga manonood ang kanilang serye at king ano ang dapat abangan dito ng mga manonood.

“I don’t know. Siguro natural lang talaga.

“Kahit nga yung sister ni Sen. Bong, sabi niya sa akin, may natural chemistry daw kami.”

“I don’t know, it’s hard to explain and it’s nice, maybe we both respect and love our craft. We’re both having fun doing these things kaya natural yung chemistry.”

“Mas makapamilya, maiintindihan nila na sasama si Gloria [pangalan ng character ni Beauty sa Walang Matigas Na Pulis…]

“Mas maiintindihan nila kung ano ang hinanakit niya tapos may bigla pala siyang anak, anak ba talaga sa labas, matatanggap mo ba?

“Tapos, yung underwater scenes, sabi ko nga action star na talaga ako nito.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News