Nora Aunor, inaming may nararamdaman pa ring pagmamahal kay Tirso Cruz III
Nora Aunor, inaming pinagsabay noon ang limang lalake.
Nora Aunor on past relationship with Tirso Cruz III: “Kapag nag-aaway kami, ay, iinom ako noon! Tapos pupunta ako sa bahay niya. Hindi ako papapasukin. Patatahulan ako dun sa aso. Pero hanggang magdamag yon, nandoon ako sa labas. Iyak daw ako… Nandoon ako sa labas, tapos makikita ko yung fans nagdadatingan. Mabuti hindi ako nakikita kasi dumadausos ako sa loob ng sasakyan… sobrang pagmamahal.”Ang pangalan ni Tirso Cruz III, at hindi si Christopher de Leon, ang isinagot ni Nora Aunor nang itanong ni Boy Abunda kung “Boyet o Pip” sa “Fast Talk” segment ng Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes, February 20, 2023.
Isa itong matibay na indikasyon na, hanggang sa kasalukuyan, may pagmamahal at itinatangi pa rin ng batikang aktres ang dating karelasyon at ka-love team.
Hindi lamang ang matinding pagmamahal kay Tirso ang ipinagtapat ng personalidad na hinirang na National Artist for Film and Broadcast Arts noong June 2022. Nagsalita rin siya tungkol sa diumano’y “one way” na relasyon nila at ang pakikipagrelasyon niya nang sabay-sabay sa limang lalake.
Sabi ni Nora, “Masarap umibig, kaya nga lang, katulad nung mga nangyari sa akin, yung pag-ibig hindi kinakailangan isama o ipantay sa trabaho kasi nagsa-suffer yung trabaho.
“Pero masarap umibig kahit hindi ka niya pinapansin o alam mo na hindi ka niya totoong love. Pero sa yo, ikaw, yung puso mo para sa kanya, masaya na ako.”
Tanong ni Boy: “Mahal na mahal mo pero hindi ka sinusuklian?”
Sagot ng Superstar: “Oo. Alam niyo naman kung sino at hindi ko itinatago yon. Alam ng mga fans yon.
“Ang sa akin, inisip ko noon na parang, ‘Ano ito, dahil sa mga fans? Nadadala ka lang?’
“Kasi minsan, nararamdaman mo, pero minsan hindi mo nararamdaman.
“May mga insidenteng naririnig ka na mismo sa kanya nanggagaling ang salita na nakakasakit ng puso pero balewala yon dahil ikaw ay taong umiibig. Minahal mo talaga.”
Tahasang sinabi na si Tirso ang kanyang tinutukoy.
Paglilinaw ni Nora, “Nung araw yon, wala pa si Papa Boyet noon.”
Pero namutawi rin mula sa kanyang bibig na tila umaasa siyang magkakaroon ng karugtong ang kanilang relasyon kung pahihintulutan ng Diyos.
Eleven years yon, twelve years yon na on and off. Nung huling nagkita kami… sasabihin ko ba? Baka magalit sa akin, e.
“Basta ang alam ko, darating ang panahon na baka gustuhin man ng Diyos, e, baka kami…”
Pagpapatuloy ni Nora, “Hindi… hindi… grabe, hanggang ngayon, nandoon pa rin, ha? Pero ano na… hindi na masyado pero andoon pa rin.
“May kanya-kanya nang pamilya so hindi na. Tahimik na. Masaya na rin ako ngayon.
Pinatunayan ni Nora na hindi siya naiiba dahil naranasan niyang maging baliw sa pag-ibig.
“Sobrang baliw! Sobrang baliw!” bulalas niya.
“Kapag nag-aaway kami… sorry Pipo, pero ikukuwento ko lang kay Kuya Boy.
“Kapag nag-aaway kami, ay, iinom ako noon!
“Tapos pupunta ako sa bahay niya. Hindi ako papapasukin. Patatahulan ako dun sa aso.
“Pero hanggang magdamag yon, nandoon ako sa labas. Iyak daw ako…
“Nandoon ako sa labas, tapos makikita ko yung fans nagdadatingan. Mabuti hindi ako nakikita kasi dumadausos ako sa loob ng sasakyan… sobrang pagmamahal,” kuwento ni Nora tungkol sa pagbabaliw-baliwan niya nang dahil sa sobrang pag-ibig kay Tirso.
Isang pilyang ngiti naman ang pinakawalan ni Nora nang aminin nito kay Boy na limang lalake ang kanyang pinagsabay-sabay noon.
Pero “fling” lamang daw ang iba dahil may tunay siyang mahal.
“Lima… yung iba naman fling-fling lang pero meron ka talagang tunay, may tunay talaga!” natatawang sabi ni Nora.
Sina Tirso, Christopher de Leon, Richard Merk, John Rendez, at former President Joseph Estrada ang ilan sa mga personalidad na alam ng mga taong nagkaroon ng kaugnayan kay Nora. Pero interesado pa rin silang malaman ang katauhan ng ibang mga kalalakihang tinutukoy niya na kanyang “fling” noon.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load