Pelikula ni Darryl Yap base sa kuwento ng pamilya ni Pepsi Paloma
Darryl Yap, nag-post ng larawan kasama ang ina at kapatid ni Pepsi Paloma.

Director Darryl Yap (left photo, center) posts a photo with late sexy actress Pepsi Paloma’s mother Lydia and brother Zaldy, indicating that his latest film The Rapists of Pepsi Paloma is based on Pepsi’s own family.
Itinaon ng direktor na si Darryl Yap sa ika-38 kaarawan niya ngayong Martes, Disyembre 7, 2025, ang rebelasyon tungkol sa pagkikita at pag-uusap nila ng naulilang pamilya ni Pepsi Paloma.
Ibinahagi ng controversial director sa kanyang Facebook post ang larawan kung saan kasama niya ang ina ni Pepsi na si Lydia Duena Whitley at kapatid na si Zaldy.
Naging madali para kay Yap na mahanap sina Lydia at Zaldy dahil magkababayan sila sa Olongapo City, Zambales.
Base sa Facebook post ni Yap, halaw sa mga pahayag ng mag-inang Lydia at Zaldy ang kuwento ng The Rapists of Pepsi Paloma.
Pahayag ni Yap sa kanyang post ngayong Martes, published as is: “Sa loob ng 40 taon, pinakinggan at pinaniwalaan nyo na ang mga sikat, mga may pangalan, mga makapangyarihan, mga nagsalitang sila ang may alam, mga nagsabing sila ay kaibigan.
“Ngayon,
“Bigyan natin ng pagkakataon ang inang nanahimik nang napakatagal na panahon, ang inang matapos mawalan ng anak ay patuloy na nasasaktan sa mga paratang at panghuhusga.
“Tapos na ang pananahimik ng nakababatang kapatid ni Pepsi, na noo’y 15 years old lamang, kasama ng aktres hanggang sa mismong araw na siya ay natagpuang walang buhay sa loob ng aparador.
“Mananahimik ang Kasinungalinan dahil walang Kamatayan ang Katotohanan.
“Sila naman ang magsasalita.
“Sila naman ang magkukuwento.
“PAMILYA. HIGIT SA LAHAT.”
GIL GUERRERO AND GUADA GUARIN
Malakas na ingay ang nilikha ng teaser ng The Rapists of Pepsi Paloma dahil direktang binanggit ang pangalan ni Vic Sotto sa eksena nina Gina Alajar at Rhed Bustamante.
Si Gina ang gumaganap na Charito Solis, at si Rhed naman ang gumaganap na Pepsi Paloma.

Gina Alajar and Rhed Bustamante in a scene from The Rapists of Pepsi Paloma
PHOTO/S: DARRYL YAP FACEBOOK
Marami ang nabulabog at nayanig sa teaser na inilabas ni Yap noong mismong Bagong Taon, Enero 1.
Ito ang dahilan para muling magsalita ang dating bold actor na si Gil Guerrero.
Naungkat din ang panayam sa kapwa sexy star ni Pepsi na si Guada Guarin noong Hunyo 2024.
Naniniwala si Gil na walang pang-aabuso na nangyari kay Pepsi.
Ganito rin ang pahayag ni Guada.
Iinaasahang may bagong panayam na lalabas kay Guada sa linggong ito tungkol sa nalalaman niya sa mga nangyari noong Hunyo 1982.
Si Guada ang kasama ni Pepsi sa Sulu Hotel, Quezon City, sa imbitasyon umano noon nina Vic, Joey de Leon, at ng pumanaw na komedyanteng si Richie D’Horsie.
Gaya ni Gil, nagpahiwatig si Guada na walang rape na nangyari pero pinili niyang manahimik noon dahil 14 years old pa lamang siya.
Isang nakakaalam sa kuwento ang nagsabing makalipas ang maraming taon, nagtangka si Guada na puntahan at kausapin si Vic sa studio ng Eat Bulaga! para humingi ng tawad dahil inosente ang aktor sa mabigat na akusasyon.
Isang artistang kaibigan ni Vic na kasamahan ni Guada sa Bible study ang nilapitan ng dating sexy star para maging tulay sa komedyante at Eat Bulaga! host.
Diumano, hindi na pumayag si Vic na makaharap si Guada dahil tapos na nga ang isyu kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon ang dating sexy star na personal na makahingi ng tawad.
Ang The Rapists of Pepsi Paloma ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Pebrero 2025, tatlong buwan bago ang ika-40 anibersaryo ng kamatayan ng aktres na winakasan ang sariling buhay noong Mayo 31, 1985.
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load