Netizen: “Si Bea talaga yung ex na ayaw pakabog, dapat laging may pasabog.”

Bea Alonzo sparks intrigue online after sharing a cozy photo with non-showbiz guy, following a viral video of her ex-fiancé Dominic Roque kissing actress Sue Ramirez.
PHOTO/S: Screengrab on Reddit
Mainit na usap-usapan ngayon online ang litrato ng Kapuso actress na si Bea Alonzo kasama ang non-showbiz guy na nagngangalang “Joset.”
Nitong Linggo, November 10, 2024, nag-trending sa Reddit ang screenshot ng ini-repost na larawan ni Bea kasama si Joset.
Sa picture, hindi gaanong makita ang mukha ni Bea dahil natatakpan ito ng kanyang braso habang siya ay nakadungaw sa balikat ng non-showbiz guy.

Photo/s: Screengrab on Reddit
Kung bibisitahin din ang Instagram ni Joset ay makikita ang selfie nila ni Bea na in-upload niya noong pang October 13.
Dito makikita nang buo ang mukha ni Bea.
Tila nasa isang bar ang dalawa nang kunan ang litrato.

Photo/s: Screengrab on Instagram
Read more about
Bea Alonzo
Tanging smiley emoji ang caption ni Joset sa picture nila ng aktres.
Makikita ring naka-like sa post na ito si Bea.
NETIZENS REACTION
Dahil sa litrato ng dalawa, hindi maiwasan ng netizens na mag-isip kung si Joset na ba ang bagong nagpapasaya ngayon sa puso ni Bea.
Tanong ng isang netizen sa Reddit (published as is), “May jowa na si Bea?”
Sabi naman ng isa (published as is), “They are giving tropa vibes. I doubt din naman na if ever nagdedate talaga sila ipost agad ni Bea ng ganyan. Usually if something is really going on romatically, nagpapamysterious pa ang nga celeb. I mean naintriga sa dati si Bea dun sa Michael Needham and spotted naman talaga sila together pero never syang nagpost ng photos nila, so iyon parang totoong something is up.”
Dagdag pa ng isa (published as is), “parang bff naman and hindi lover haha.”
Kung mayroong netizens na ang tingin ay magkaibigan lang sina Bea at Joset, may ilan din namang naniniwala na ang pag-repost ni Bea ay sagot viral video ng ex-fiancé niyang si Dominic Roque.
Saad ng isang netizen (published as is), “So a day after ng kissing scene ni Dom at Sue sa Siargao, may sinosoft launch na si Ante Bea sa IG niya. haha. Competitive talaga si ante ayaw patalo. Jose Forés everyone!!! He’s friends with Sandro Marcos. And alam naman ng lahat na close friend mi Sandro si Javi. Small world talaga hahahahah.”
Komento ng isa (published as is), “Si Bea talaga yung ex na ayaw pakabog, dapat laging may pasabog.”
Hirit pa ng isa, “It is not really an issue whether they have something or they’re just friends. It is more of the timing of posting this and the message its trying to imply…”
Dominic Roque, SUE RAMIREZ spotted together in Siargao
Ang pinapatungkulan ng netizens na pinag-ugatan diumano ng pagpu-post ni Bea ay ang viral video online nina Dominic at Sue Ramirez.
Sa viral na video na kuha ng isang netizen noong November 8, makikita si Sue na kahalikan ang ex-fiancé ni Bea na si Dominic sa isang bar sa Siargao.

Photo/s: Screengrab @TikTok
Ayon din sa Reddit, kuha ang video nina Sue at Dominic sa isang bar sa General Luna, Siargao, kunsaan parehas na nagbabakasyon ang dalawa.
Tila tugma naman ito sa Instagram Stories at post nina Sue at Dominic.
Noong Huwebes, November 7, 2024, nag-post si Sue sa Instagram ng larawan niya habang siya ay nasa Lamari, Siargao.

Photo/s: Sue Ramirez on Instagram
Noong Biyernes, November 8, naman nag-post si Dominic sa kanyang Instagram Stories habang siya ay nasa isang resort sa General Luna, Siargao.

Photo/s: Dominic Roque on Instagram
Samantala, sinubukang hingan ng pahayag o reaksiyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joset at ang kampo ni Bea, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa sila sumasagot.
Get more updates on the Philippine entertainment industry on PEP.ph
News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON 😱🥰
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basher’s vulgar remark: ‘Didn’t pass the vibe check’
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine Lustre didn’t waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter “didn’t pass the vibe check.” Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled with empowered women — individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo, humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng iba’t ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load