hello love again box office

Hello, Love, Again, starring Kathryn Bernardo and Alden Richards and directed by Cathy Garcia-Sampana, continues to break box-office records in the Philippines and even in U.S. and Canada.
PHOTO/S: Star Cinema

“More joy to the world!” ang sabi ng ABS-CBN Star Cinema at GMA Pictures nitong Nobyembre 18, Lunes ng gabi, sa socmed.

1,100 sinehan na kasi ang pinagpapalabasan worldwide ng reunion movie nina Joy (Kathryn Bernardo) at Ethan (Alden Richards) na Hello, Love, Again (HLA).

“Celebrate love and finding your home in theaters today!” paanyaya pa ng producers ng nasabing pelikula, na on track kabugin ang Rewind bilang highest-grossing Filipino film sa kasaysayan (hindi adjusted sa inflation).

Ibinalita ni Patricia Tumulak sa 24 Oras na as of November 18, Monday, 6:00 P.M. ay nasa PHP520M na ang kinita ng HLA sa Pilipinas.

Sa email na ipinadala ng ABS-CBN Corp. Comm. ngayong Nobyembre 19, Martes, ibinalitang PHP566M ang kabuuang kita ng Hello, Love, Goodbye sa anim na araw (Nobyembre 13-18, Miyerkules hanggang Lunes) sa bansa.

PHP131M daw ang kinita ng HLA noong Nobyembre 16, Sabado — the highest single-day gross ever ng isang Filipino film.

Bahagi ng kita ng pelikula ay mapupunta sa pagtulong sa mga nasalanta ng Bagyong Pepito.

hello love again

HELLO, LOVE, AGAIN INTERNATIONAL SCREENING

Noong Nobyembre 14, Huwebes, ay nag-umpisa na ang international screenings ng KathDen movie na unang collaboration ng ABS-CBN Star Cinema at GMA Pictures.

Nobyembre 14, Huwebes, ito nag-umpisang ipalabas sa Australia (33 sinehan) at New Zealand (8 sinehan).

Nobyembre 15, Biyernes, nagsimulang ipalabas ang Hello, Love, Again sa 248 sinehan sa North America, maging sa Saipan at Guam.

Nobyembre 16 at 17 ipinalabas ang Hello, Love, Again sa London at Machester sa United Kingdom.

Kasado na ang special screenings nito sa iba pang mga bansa sa Europa, kabilang ang Finland (Helsinki, Turku), Ireland (Dublin, Cork), Italy (Milan, Parma, Rome, Bologna), at Malta (St. Julians, Fgura).

Nobyembre 21, Miyerkules, maghe-hello ang KathDen reunion movie sa UAE, Oman, Qatar, KSA, Bahrain, at Kuwait.

Nobyembre 24, Linggo, ang umpisa ng showing ng HLA sa Hong Kong at Macau.

Nobyembre 28, Huwebes, ang simula ng screenings sa mga sinehan ng Singapore at Malaysia.

Bago matapos ang buwan ay inaasahang mapapanood na rin ang KathDen movie sa Cambodia.

HELLO, LOVE, AGAIN ESTIMATED WEEKEND GROSS IN NORTH AMERICA

Ngayong Nobyembre 18, Martes ng 3:30 P.M. (Manila time), as we write this ay ESTIMATED pa rin lang ang weekend gross (November 15-17, 2024) ng Hello, Love, Again sa North America na nakalagay sa Top 10 ng Box Office Mojo.

Noong Nobyembre 15, Biyernes, na first day ng HLA sa 248 sinehan sa North America, pumuwesto ito sa No. 6 with estimated gross of $930,000.

Noong Nobyembre 16, Sabado, ay nasa pansiyam na puwesto ang HLA with estimated gross of $846,000. Bumaba ng 9 percent.

At noong Nobyembre 17, Linggo, ay pumuwesto sa pangwalo ang HLA with estimated gross of $550,000, bale bumaba ng 35 percent.

Pinakamalakas ito sa North America ay noong first day nito.

Ang Red One at ang Hello, Love, Again ang dalawang bagong pelikula sa Top 10 (Domestic 2024 Weekend 46) ng mga sinehan ng USA at Canada.

Ang Top 10 nitong Nobyembre 15-17, 2024 sa takilya ng North America, at ang weekend gross ng mga iyon:

    Red One, $32.1M
    Venom: The Last Dance, $7.3M
    The Best Christmas Pageant Ever, $5.25M
    Heretic, $5.17M
    The Wild Robot, $4.2M
    Smile 2, $2.9M
    Conclave, $2.8M
    Hello, Love, Again, $2.326M (estimated gross)
    A Real Pain, $2.229M
    Anora, $1.76M

box office mojo

FIRST FILIPINO FILM TO ENTER TOP 10 OF NORTH AMERICA BOX OFFICE

Itong Hello, Love, Again ay ni-release ng Abramorama in partnership with AJMC (Amorette Jones Media Consulting) sa North America.

Widest ever ang pag-release nito sa 248 locations across U.S. and Canada.

Itong Hello, Love, Again ang first Filipino film na pumasok sa Top 10.

Interesting kung sa susunod na weekend, Nobyembre 22-24, ay nasa Top 10 pa ito, considering na magpapayanig na sa takilya ng North America ang tentpole movies na Wicked at Gladiator II.

At sa Nobyembre 27, Miyerkules, ay wide release na sa North America ng isa pang tentpole movie, ang Moana 2.

Ibinalita ng Star Cinema ngayong Nobyembre 19, Martes ng 2:28 P.M. (Manila time), na nasa U.S. na ang KathDen.

Dadalo sina Kathryn at Alden sa Asian World Film Festival kung saan magsisilbing closing film ang Hello, Love, Again sa Nobyembre 20, Miyerkules ng 7:30 P.M., sa Auditorium #1 ng The Culver Theater sa Culver City, California.

May Q&A kaugnay sa nasabing screening.

Facebook post ng Hollywood-based na si Oliver Carnay, SOLD OUT na ang nasabing screening.

Babatiin daw nina Kathryn at Alden ang fans na nasa harapan ng sinehan bago ang screening, kaya dapat andoon by 6:00 P.M. ang mga gustong masilayan ang KathDen.

Ang mensahe ni Kathryn na in-email ng ABS-CBN Corp. Comm. kaugnay sa tagumpay ng Hello, Love, Again, “We’re so blessed because binigyan ng mga tao ng chance yung pelikula namin at lahat ng nare-receive namin parang wala na kaming mahihiling pa.”

Pahayag naman ni Alden, “Maraming salamat sa pagmamahal at suporta na binibigay niyo sa amin at sa pelikula.

“No words can express how grateful we are for the turnout and we’re very happy na maraming naka-appreciate nito.”