Jenn Rosa at Vern Kaye, nag-“love scene” sa opisina, deadma sa mga empleyadong nakakarinig (uyen)

Hindi nga ba nailang sina Jenn Rosa at Vern Kaye after nilang mag-"love scene" sa isang opisina? Basahin ang chika below!

PHOTOS: Seth Rabang

Hindi nga ba nailang sina Jenn Rosa at Vern Kaye after nilang mag-“love scene” sa isang opisina? Basahin ang chika below!

Ang upcoming VMX film na Boss Ma’am ay shinoot sa isang working office kung saan habang shoot ay may mga employees talaga na nagtatrabaho in real time.

Sa press conference para sa pelikula nitong Biyernes, November 15, hindi mapigilang matanong ang stars ng pelikula na sina Jenn Rosa at Vern Kaye kung hindi ba sila nailang na may mga empleyadong nakakarinig ng kanilang mga sigaw at ungol habang finifilm ang kanilang love scenes para sa kanilang pelikula.

“Ako po, hindi [naiilang] kasi focus po talaga ako sa work. ’Pag work, work. Parang bahala na kayo diyan, basta gawin ko lang ’yong trabaho ko,” sabi ni Jenn.

Patawang sinabi naman ni Vern sa press na hindi niya alam kung sino ang mga empleyado at miyembro ng film crew habang shinoshoot ang pelikula.

“Hindi ko alam na may empleyado pala doon, direk,” sabi niya. “Akala ko lahat ’yon mga staff namin.”

Dagdag explanasyon naman ni Direk Iar Arondaing, nagpasabihan naman daw in advance ang mga trabahador ng office na huwag makiusosyo while shooting was ongoing.

“Wala naman po. Sinabihan naman po sila ng mga boss nila na may magsho-shoot. Tapos sinabi rin na VivaMax. Aware naman sila,” sabi ni direk.

Directed by Iar Arondaing, Boss Ma’am, which stars Jenn Rosa, Vern Kaye, and Aerol Carmelo, will premiere on the VMX streaming platform this coming November 26.

 

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News