Katotohanan Sa Pagpaparinig Ng Kapatid Ni Dominic Roque Kay Bea Alonzo
Naging mainit na usapin sa ilang mga social media platforms ang umano’y pagpaparinig ng kapatid ni Dominic Roque kay Bea Alonzo dahil sa ibinahagi nitong post sa social media.
Deretsahang nilinaw ng kapatid ni Dominic Roque na si Lhean Roque na hindi ang aktres na si Bea Alonzo ang kanyang pinaparinggan sa ibinahagi niyang post patungkol sa mga taong nagpapanggap na mabait.
Sa kamakailang Instagram stories ni Lhean iginiit niyang walang kinalaman ang ex-fiancee ng kanyang kapatid sa mga ibinahagi niyang post online.
Nilinaw niya sa lahat na hindi umano related sa kanyang Ate BeaΒ o mga taong malapit rito ang kanyang ibinahaging post. Dahil isa umano itong work-related issue.
Hindi rin umano niya inakala na iba ang iisipin ng mga netizens at iniuugnay pa ito sa pinagdaanan ng kanyang kapatid at dating karelasyon nito na si Bea Alonzo.
Iginiit din niya na madalas naman umano siyang magpost ng mga ramdom qoutes sa kanyang social media account na hindi naman naging isyu noon.
Hiling din niya na sana ay naging malinaw na sa lahat ang kanyang post dahil hindi na umano niya uulitin pa ito sa susunod na pagkakataon. Ito na rin umano ang huling pagkakataon niya na magbigay ng pahayag patungkol sa isyu nina Dominic Roque at Bea Alonzo.
Matatandaan, na marami ang naghinalang may kinalaman kay Bea Alonzo ang ibinahaging cryptic post ng kapatid ni Dominic Roque dahil ibinahagi niya ito matapos kumpirmahin ni Boy Abunda ang hiwalayan ng dalawa.
Base sa larawang ibinahagi ni Lhean, mahihinuhang nagbabalatkayo ang taong ito. Pinapalabas sa lahat na ito ay mabait subalit ang totoo ay tinatago lamang nito ang pagiging mabangis.
Hinala ng marami na ito ang sagot ni Lhean sa road manager at makeup artist ni Bea Alonzo kung saan tila sinasabing manipulative si Dominic Roque. Marami rin sa mga fans ni Bea Alonzo ang humusga sa pamilya ni Dominic Roque na hindi gaanong mayaman kaya kailangan umano nitong pumirma ng prenuptial agreement.
Sa ngayon ay patuloy pa ring lumalabas ang iba’t-ibang mga haka-haka sa kung ano ang totoong dahilan ng paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque lalo na’t hindi pa naman naglalabas ng anumang mga pahayag ang dalawa.
Hiling naman ngayon ng kani-kanilang mga fans na tugunan na ng dalawa ang isyu upang matigil na rin ang paglalabas ng kung ano-anong isyu na maaring makasira sa kani-kanilang reputasyon.
Samantala, hiling naman ng mga solid Bea Alonzo-Dominic Roque fans na malampasan ng dalawa ang pagsubok na ito at matuloy ang naudlot nilang pagpapakasal.

News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News ππ π₯ππ©ππ πππ‘π¨ππππ’π ππ‘π ππ‘π§ππ₯π§πππ‘π ππ‘π§ πͺπ’π₯ππ π ππ§ππ£π’π¦ π ππππ ππ‘ ππ‘π π£πππππππππππππ‘ π‘ππ‘π ππ¬πππ π£ππππππ ππ§ ππππ¨π₯ πππ₯ππ‘πππ/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the publicβs surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthdayβ€οΈNapa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load