Jessa Zaragoza, Rufa Mae Quinto, magkakausap pa ba?
Jessa: “What’s the point, di ba?”
“Kasi alam ko na ano, e. Walang patutunguhan na maganda kapag yung nagbabalikan pa ng ganun. What’s the point, di ba?” reaksyon ni Jessa Zaragoza (gitna) nang matanong tungkol sa mga naging pahayag ni Rufa Mae Quinto (kanan, inset) tungkol sa naging alitan nila noon na ang dahilan ay ang mister ni Jessa ngayon na si Dingdong Avanzado (kaliwa).
PHOTO/S: Jerry Olea (Dingdong & Jessa) / Screenshot from Sarap ‘Di Ba? (Rufa Mae)
Nagkaroon kami ng pagkakataong hingan ng reaksyon si Jessa Zaragoza kaugnay ng mga pahayag ni Rufa Mae Quinto na hindi pa raw nagkaroon ng chance na mag-usap silang dalawa.
Mainit na pinag-usapan noon ang isyu ng love triangle nina Jessa, Rufa Mae, at Dingdong Avanzado.
Nang mag-guest si Rufa Mae sa Sarap Di Ba?, muling naungkat ang hidwaan nila ni Jessa nang tinanong ito ni Carmina Villaroel.
“Hindi. Hindi kami nagkaayos. Wala nang dapat ayusin, lagpas na. Baka magalit na naman,” pakli ni Rufa Mae.
“Move on na saka may mga anak. Maglo-lola na nga kami… Masyado nang matagal… binaon na yun sa limot,” sabi pa ng comedienne.
JESSA, SAFE ANG SAGOT
Hiningan namin ng reaksyon si Jessa sa sinabi ni Rufa Mae.
“Ikaw talaga!” bulalas ni Jessa sa akin. Safe na lang ang sagot ni Jessa nang tinanong namin ito sa kanya.
“Maraming nag-send sa akin na mga kaibigan ko ng interview niya and everything. Nabalitaan ko naman yun.
“Ahh… ang masasabi ko lang diyan, wala akong masasabi,” natatawang sagot ni Jessa.
“Hay naku, peace to everyone talaga. Wala, wala. Wala akong masasabi.
“Kasi alam ko na ano, e. Walang patutunguhan na maganda kapag yung nagbabalikan pa ng ganun. What’s the point, di ba?
“Saka positive lang ang gusto natin. Sa edad natin, mag-45 ka na, gusto mo, puro positive na lang,” dagdag niya.
Hindi na lang umiimik si Dingdong, at ngumingiti na lang siya sa mga sinasabi ni Jessa.
NOEL FERRER
Aware ba ang nag-iisa nilang anak na si Jayda sa isyung ito?
JESSA CHOOSES NOT TO DWELL ON NEGATIVITY
“Nakita niyo naman kung gaano katalino, alam na niya ang mga bagay-bagay,” mabilis na tugon ni Jessa.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Minsan nagtatanong siya pero minsan gino-Goggle na lang niya. So, dapat happy lang ang lahat.
Jayda, napapagitnaan ng mga magulang niyang sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.
Photo/s: Jerry Olea
“Basta ako, peace sa lahat ng tao, kahit yung mga taong hindi ko nakakasundo, hindi ko wini-wish nang masama.
“Kasi yung mga ganun, ikaw na ang magdadala nun, e. Kaya ako napaka-grateful ko at very blessed.
“Parang ang kapal naman ng mukha ko kung magne-nega pa ako. Sobrang blessed na nga ako sa asawa ko na very supportive sa akin.
JERRY OLEA
Dalawampu’t tatlong taon nang kasal sina Jessa at Dingdong noong Marso 18, 2024. Ang daughter nilang si Jayda ay 21 years old na. May pagkakataon ba na muntik na silang magkahiwalay?
JESSA, DINGDONG THANKFUL FOR ENDURING RELATIONSHIP
Napangiti si Dingdong, “I don’t know. Basta ako kasi, I’m thankful na after all these years… I mean, there are times na you know, pumapasok sa isip mo yung mga ganun.
“Normal lang naman at the start. But now, we don’t even dwell on it. Para sa amin, we’re just really grateful na in-allow ni God na mag-last yung relationship namin na ganito.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
“Especially na people at the start, hindi nila iniisip na magtatagal kami. Na marami ngang hindi raw pabor sa amin and all that.
“We’ve stood the test of time, and I’m just really thankful. Tama ang sabi ni Jessa, ayaw na naming maging negative or something.
“We’re just very thankful na after all these years, andito pa kami sa industriyang ito. Ang anak namin, may sarili nang career.
“So, what else can you say, di ba? So yung tanong kung muntik na ba kaming maghiwalay, I don’t recall those times anymore na napag-usapan namin na, ‘O, maghiwalay tayo.’
“Parang hindi ko na maalala yung mga ganun, e. Pero meron kaming mga points na meron kaming disagreement, nag-aaway kami.
“But that was probably early on our marriage. But right now, we’re in a very good place.”
Special guest si Jayda sa Sa Aking Puso concert nina Dingdong at Jessa sa Setyembre 27 sa Seattle, Washington.
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Itatanghal din ang nasabing concert sa Oktubre 4 sa Vancouver, British Columbia, Canada, at sa Oktubre 5 sa Calgary, Alberta, Canada.
Photo/s: Jerry Olea
Samantala, yung album ni Jayda na Sad Girl Hours ay nakatakdang i-release sa Agosto 30, Biyernes. Walong kanta ng “Pambansang Sad Girl” ang nakapaloob doon.