Lotlot de Leon sa netizen na nagsabing “matigas” ang puso niya dahil sa hindi pagdalaw kay Nora Aunor: “Wala na po ba kayong idadagdag sa panghuhusga nyo?”

Photos: @johnporterjr / @ms.lotlotdeleon
Naging kapansin-pansin ang absence ni Lotlot de Leon and family sa January 8 reunion ng magkakapatid na de Leon with their mom, Nora Aunor. Dahil dito, nagkaroon na ng iba’t-ibang opinyon ang mga netizens. Merong kahit na wala namang sinasabi pang dahilan ang aktres kung bakit hindi siya nakasama, ay nagsabing suportado at nauunawaan nila anumang dahilan meron si Lotlot sa hindi nito pagpunta. Pero, meron ding mga negatibo at mapang-husga agad ang naging reaksyon. Para sa kanila, kahit ano pa man ang tampuhan o isyu nilang mag-ina, ay si Lotlot daw—bilang anak—ang dapat magpakumbaba.
Nakatanggap ng mga panunumbat at panlalait ang actress na si Lotlot de Leon mula sa netizens bunga ng hindi niya pagsama sa pagdalaw ng de Leon siblings sa inang si Nora Aunor noong January 8.
Magkasunod kasi na dumalaw ang kapatid ni Lotlot na si Ian de Leon sa kanilang ina na ipinost ni John Rendez sa kanyang Instagram account.
Ito ay sa kabila ng pagkakaroon nila ng alitan noong December 2020 na may kinalaman sa kagustuhan ng Superstar na i-vlog ang kanilang reunion na mag-ina noon na hindi sinang-ayunan ni Ian.
Ang unang pagdalaw ni Ian, na tanda ng pakikipag-reconcile sa ina, ay bago magpalit ang taon. At ang ikalawa ay noong January 8 kung kailan kasama na niya ang iba pa nilang kapatid na sina Matet, Kiko at Kenneth, kasama ang kani-kanilang mga asawa at mga anak.
Sa naturang family reunion, naging kapansin-pansin na wala ang panganay niyang anak na si Lotlot, gayundin ang pamilya nito.
Dahil dito, nagkaroon na ng iba’t-ibang opinyon ang mga netizens. Merong kahit na wala namang sinasabi pang dahilan ang aktres kung bakit hindi siya nakasama, ay nagsabing suportado at nauunawaan nila anumang dahilan meron si Lotlot sa hindi nito pagpunta.
Pero, meron ding mga negatibo at mapang-husga agad ang naging reaksyon. Para sa kanila, kahit ano pa man ang tampuhan o isyu nilang mag-ina, ay si Lotlot daw—bilang anak—ang dapat magpakumbaba.
Sa recent Instagram post ni Lotlot, kunsaan nag-post siya ng picture niya na may caption na “Hakuna Matata,” siya pinutakti ng mga komentong may iba-ibang sentiments pero karamihan ay positibo para sa aktres.
Pero isa nga sa mga commenters ang sinagot ni Lotlot. Ito ay ang netizen na may IG handler na @bonanamich na bagama’t tagahanga raw ni Lotlot ay nag-threaten na ia-unfollow na siya dahil umano “matigas ang puso” ng aktres at di umano nito gusto ang ugali ng nanay ni Janine Gutierrez.
Ang comment nito kay Lotlot:
“Matigas talaga puso noh? D namin alam kung ano ginawa sayo ni ate guy, subra mo cya natitiis, baka bumalik sayo ginagawa mo, pray harder n walang anak mo gumaya sayo. Siguro kung di ka nya inampon wala k sa kalagayan mo ngayon. Sa nakikita puro lagi mo binabati CD d naman cya ang umampon sayo. Nkita namin lahat dinalaw c ate guy ikaw lang wala. Ano pag tingin mo sa kanya pangas? Idol kita like kita kahit noon p bata ka pa kahit n nga ngayon sinusubaybayan kita. Pero d ko mapigilan sabihin ito. D ko gusto ugali mo. Iunfollow n kita.”
Ang CD na posibleng tinutukoy ng netizen ay ang actor at ama ni Lotlot at mga kapatid na si Christopher de Leon na malapit naman talaga sa aktres.
Bagama’t tila pabiro ay hindi napigilan ni Lotlot na sagutin ang nasabing commenter. Aniya pa ay baka raw nakulangan pa ito sa ginawang panghuhusga sa kanya kaya’t welcome umanong magdagdag pa ito.
Sey ni Lotlot: “@bonanamich2018, ay! Ang puso mo hinay hinay po…Pero teka baka kulang pa po sasabihin nyo? Wala na po ba kayong idadagdag sa panghuhusga nyo? Okay… noted po! Noted na noted po!”

Agad namang kinuyog ng mga tagapag-tanggol ni Lotlot ang nasabing commenter at sinabihang tila naka-kain ito ng ampalaya at wala naman itong alam sa tunay na nagaganap sa pamilya kaya’t manahinik nalang. Tila sumunod naman ang commenter dahil hindi na ito muling kumibo pa as of press time.
Samantala, ang “Hakuna matata” sa caption ni Lotlot ay isang African phrase na nakilala dahil sa naging catch phrase ito sa animation movie na The Lion King. “No worries” o “No problem” ang meaning nito sa English.
News
Nagdulot ng kaguluhan si Matteo Guidicelli sa kanyang ika-35 na kaarawan – Sarah Geronimo beams bago ang malaking anunsyo/hi
On March 26, Matteo Guidicelli officially turned 35 at a cozy yet lavish party. But what made the Philippine showbiz stir was not just the grand birthday celebration, but the shocking announcement he made in front of his family, friends…
News 𝗔𝗝 𝗥𝗔𝗩𝗔𝗟 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗕𝗢𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗧𝗔𝗜𝗡𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗜𝗡𝗔 𝗞𝗬𝗟𝗜𝗘 𝗣𝗔𝗗𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗔𝗧 𝗔𝗟𝗝𝗨𝗥 𝗔𝗕𝗥𝗘𝗡𝗜𝗖𝗔/hi
The showbiz world was shocked when the news of Kylie Padilla and Aljur Abrenica getting back together spread. But more than the public’s surprise, it seemed like a huge emotional blow for AJ Raval. According to a source, AJ could…
Atong Ang Reacts Sa Sexy Looks Nina Sunshine Cruz At Ina Raymundo Sa BENCH Fashion Show 2025! (Panoorin Ngayon)/hi
The **BENCH Fashion Show 2025** catwalk exploded with the charming appearance of two beauties **Sunshine Cruz** and **Ina Raymundo**. Among a series of famous models, the two veteran stars still took the spotlight, making even businessman Atong Ang “freeze” before…
WATCH NOW: Sunshine Cruz and Ina Raymundo Shock with Bold Outfits at BENCH Fashion Show 2024! (video)/hi
The BENCH Fashion Show 2024 event became the center of attention when two famous beauties Sunshine Cruz and Ina Raymundo appeared charmingly on the catwalk. Although they are in their 40s and 50s, both of them still amazed the audience…
SHOCK: Buboy Villar Welcome sa Bagong Bata, Dalawang Anak Sa Angillyn Iniwan? Ano ang Katotohanan?/hi
Actor Buboy Villar once again became the center of discussion when the news of his new child spread across social media. However, what made the public debate was whether his two children with Angillyn Serrano Gorens were really abandoned or…
Aljur Abrenica 35th Birthday❤️Napa-IYAK at Na-SHOCK sa Supresa ni AJ Raval at mga ANAK sa Kanya! (video) /hi
Actor Aljur Abrenica just celebrated his 35th birthday in the most touching way! An emotional surprise brought him to tears when AJ Raval and his children gave him a special gift that he had no idea about. According to the…
End of content
No more pages to load