Just in: Keempee de Leon breaks down in tears as he recalls his reconciliation with Joey de Leon…

Keempee de Leon, naluha nang balikan ang reconciliation nila ni Joey de Leon

Punong-puno ng puso ang naging kuwento ng ‘Prinsesa ng City Jail’ actor na si Keempee de Leon sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ nitong Biyernes, January 24 tungkol pagaayos nila ng amang si Joey de Leon.

Emosyonal si Keempee sa panayam niya kay Boy Abunda dahil natapos din ang halos limang taong tampuhan nila ng kaniyang ama. Ito raw ay nangyari nang bisitahin niya ang veteran TV host sa noontime show para bumati ng Happy Father’s Day.

Balikan ang nakakaantig na kuwento ng actor-singer sa ‘Fast Talk’ sa gallery na ito!

Keempee de Leon

/ Binuksan ni Keempee de Leon ang kaniyang puso nang humarap siya sa ‘King of Talk’ Boy Abunda para ikuwento ang reconciliation na nangyari sa kanila ng amang si Joey de Leon.

Tampuhan

Hindi lingid sa kaalaman nang publiko na may hindi pagkakaunawaan sina Keempee at ang tinaguriang Henyo Master na si Joey de Leon.

Father’s Day

Idinetalye ni Keempee de Leon ang mga nangyari nang bumisita siya noong Father’s Day sa show ng kaniyang ama.

Pagbabalik-tanaw niya sa Fast Talk with Boy Abunda: “Then ‘yung friend ko na nagdi-disciple sa akin ‘Bro’, sabi niya , ‘it’s time! Lapitan mo ‘yung dad mo.’

“Sabi ko, ‘hindi ayoko pangunahin si Lord.’ Kung kalian malalaman ko ‘yun. It happened by the Grace of God June-nung panahon ng Father’s Day. Dun nag-manifest sa akin parang, sabi ko, ‘Lord give me the courage and strength na harapin si Daddy kung pagalitan ako, tatanggapin ko.

“Sigawan man ako sa harap ng tao, tatanggapin ko. I’m doing this for my dad and for You, not for myself. Ang gusto ko, maging maayos na kami magreconcile na kami. It happened so pinuntahan ko siya sa Eat Bulaga, Father’s Day si Daddy naka-upo sa audience he was holding the mic. Sabi ko, ‘Dy!’ gumanun pa ako.”

“Tapos total silence wala siyang sinabi lumapit ako, niyakap ko na lang. Happy Father’s Day, Dy sabi ko. Binati lang kita, sinadya talaga kita.”

“Then sabi pa nung floor director, ‘Sir, mag-ano na [haharap] na ‘yung camera sa Daddy mo.’”

“Lumabas si Daddy, hindi niya tinapos hawak niya ‘yung mic. Binigay niya ‘yung mic niya hindi na siya bumalik. Sabi niya, ‘Oh! Ano ang ginagawa mo dito? May promo ka ba ganito?”

“Sabi ko, ‘hindi wala'”

“Sinadya lang talaga kita, binati lang kita ng Father’s Day, kasi Father’s Day ngayon. Wala na akong ibang inisip at that time, hindi ko nabanggit ‘yung problema kahit siya. Kumbaga, nangyari na lang bigla by God’s grace.”

Emosyonal

Pagkatapos ng show hinatid ni Keempee de Leon ang tatay niya sa kotse

Kuwento naman niya, “Nung sumakay na siya bigla siyang bumaba uli. Gumanyan lang siya sa akin [makes movements with his hands].

Dito hindi na niya napigilan umiyak at sinabi kay Boy, “Doon pa lang naramdaman ko na okay na.”

Natigilan ang actor dahil sa emosyon. Sumunod niyang sinabi, “Okay na tayo. Kalimutan na natin kung ano ‘yung nangyari. Doon ka na naramdaman ‘yung connection ulit. Salamat po na… Nandun ‘yung koneksyon naming na salamat, kung ‘di puro pasasalamat lang sa Diyos, Tito Boy.”

Family of Tita Eileen

Matapos ang pagbisita niya sa kaniyang Tatay Joey. Naimbitahan naman siya sa kaarawan ng kaniyang Tita Eileen nung buwan ng Setyembre para sa isang Lunch.

Pag-amin ni Keempee, “Hindi pa ako makababa, kasi ‘yung hiya ko na first time ko ulit aapak dito sa bahay nila daddy. I don’t know kung ito naman kakaharapin ko ‘yung buong pamilya ko. Anong reaction, anong welcome na maigagawa,”

Family reunion

Pagbahagi ni Keempee de Leon, naging emosyonal din ang moment na ito nang makita niya ang pamilya ng kaniyang Tita Eileen at mga kapatid niya.

“Pagpasok ko, oh kaswal din. Kumusta? Ganito, ganiyan. Hanggang sa umiyak na si Tita Eileen, si Jocas.

“Sabi ko, ‘Bakita ka umiiyak?’

“Tagal mo kasing nawala, kuya,’” tugon ni Jocas.

“Doon pala lang, nag-sorry na ako sa lahat. Sabi ko, Sorry, tita.’ Lahat kami nagkapatawaran.” Xx Source: angpoetnyo (IG)

Fast Talk with Boy Abunda

Balikan ang nakakaiyak na kuwento ni Keempee de Leon sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ sa pagbisita sa GMANetwork.com.

At mapapanood ang high-rating talk show ni Boy sa oras na 4:45 pm sa GMA Afternoon Prime

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2025 News