
Naging mainit na usapin sa ilang mga social media platforms ang hindi pagdalo ni Jodi Sta. Maria sa surprise birthday party para sa star maker na si Johnny Manahan.Marami sa mga netizens ang nakapansin na hindi nagpunta sa nasabing birthday party si Jodi Sta. Maria gayung isa rin ito sa mga anak-anakan ni Johnny Manahan o mas kilala bilang si Mr. M sa mundo ng showbiz.
Ayon sa mga naglabasang mga haka-haka sa social media may kinalaman sa hindi pagpunta ni Jodi Sta. Maria sa party ang aktres na si Claudine Barretto.
Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na may hidwaan sa pagitan ng dalawang aktres at ilang beses na ring nagbanatan at nagparinigan laban sa isa’t-isa sa social media.
Samantala, sinagot na ni Claudine Barretto ang mga alegasyon sa kanya kung saan marami ang naghinala na siya ang dahilan at pinigilan niya si Jodi Sta. Maria sa pagpunta sa birthday party ng dating Star Magic manager na si Mr. M.
Sa isang panayam, iginiit ni Claudine Barretto na hindi niya alam na nakatanggap rin ng invitation si Jodi Sta. Maria mula kay Mr. M.
Ipinahayag pa ni Claudine Barretto na karapatan rin naman ni Jodi Sta. Maria na magpunta sa birthday party ni Mr. M dahil isa ito sa mga nakatanggap ng mentorship mula sa nasabing showbiz icon.
Magkatulad lamang umano sila na mayroong karapatan na magpunta roon. Kaya naman hindi totoong pinigilan niya si Jodi Sta. Maria dahil wala naman siyang power para pigilan ang aktres sa kung ano ang gusto nitong gawin.
Nag-ugat ang balita patungkol sa hindi pagpunta ni Jodi Sta. Maria sa party sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz sa isang episode ng kanyang showbiz oriente vlog.
Kung saan isiniwalat niyang kinansel ang invitation na ibinigay kay Jodi Sta. Maria dahil sa closeness ni Claudine Barretto at Mr. M.
Ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz, nakarating sa kanya ang isyung dini-invite umano si Jodi Sta. Maria sa nasabing party. Inimbita pero kinansel umano ang invitation dahil mas pinaboran ang presensya ni Claudine Barretto.
Si Claudine Barretto kasi ay kabilang sa mga pioneer na mga anak-anakan ni Mr. M. kaya naman mas pinili nila ang presenya nito at para maiwasan na rin ang posibleng clash sa venue kung magpang-abot sina Jodi Sta. Maria at Claudine Barretto na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may isyu sa isa’t-isa.
Si Jodi Sta. Maria ang kasalukyang karelasyon ngayon ni Raymart Santiago na dating asawa ni Claudine Barretto.
Una na ring naglabas ng pahayag si Claudine Barretto kung saan tinawag niyang bad influence si Jodi Sta. Maria.

News
KUMPIRMADO! Sa wakas inamin na nina Alden Richards at Kathryn Bernardo kay Tito Boy Abunda na official na ang kanilang relasyon – SI ALDEN RICHARDS ANG NAGPAPASAYA SA KANYA NGAYON π±π₯°
Alden Richards, natanong ni Boy Abunda kung nililigawan nito si Kathryn Bernardo – Alden Richards, in ‘FTWBA,’ was asked about his “Hello, Love, Again” co-star, Kathryn Bernardo – On the show, Boy Abunda frankly asked Alden if he was courting…
Nadine Lustre calls out basherβs vulgar remark: βDidnβt pass the vibe checkβ
Nadine Lustre. Images: Instagram/@nadine Nadine LustreΒ didnβt waste any time in calling out a netizen who left a vulgar comment on her Instagram page, saying the latter βdidnβt pass the vibe check.β Lustre took to her Instagram Story on Monday,…
Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo: Ang Nakakagulat na Common Denominator sa pagitan ng Tatlong Icon na Ito!
Empowered women: Heart Evangelista, Marian Rivera, Bea Alonzo It is good to note that the entertainment industry is peopled withΒ empowered womenΒ β individuals who possess an unwavering belief in their own capabilities and worth and use their confidence to navigate challenges…
Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop
Ogie Diaz has taken to social media to share his honest reaction to a viral video about Kim Chiu. Ogie Diaz, nag-react sa pagtakip sa mukha ni Kim Chiu sa poster ng isang bakeshop (@chinitaprincess, @ogie_diaz) Source: Instagram In the…
Ivana Alawi, Ipina-Tulfo Na Ang Mga Business Partners!
Itinampok si Ivana Alawi, sa pinakabagong episode ng programang Raffy Tulfo in Action tungkol sa kasong estafa na isinampa niya laban sa kanyang mga business partner. Sa kanyang pakikipag-usap kay Sen. Raffy Tulfo,Β humihingi si Ivana ng refund na…
Part 2 | BISTADO NA KASAMA Sa VIDEO Christine Dacera at Valentine Rosales INILABAS NA ANG LAHAT
Introduksyon Sa ikalawang bahagi ng kwentong ito, umusbong ang mga bagong impormasyon tungkol sa relasyon nina Christine Dacera at Valentine Rosales. Ang mga bagong video at ebidensya ay nagbigay-diin sa kanilang koneksyon, na nagdulot ng ibaβt ibang reaksyon mula sa…
End of content
No more pages to load