Finally Anne Curtis Nagsalita Na Sa Pagkakakulong Ni Vhong Navarro!
Nagbigay na ng pahayag ang aktres-TV host Anne Curtis kaugnay sa kinakaharap na kaso ng kanyang kasamahan sa It’s Showtime na si Vhong Navarro.
Ilang araw ng laman ng pahayagan at iba’t-ibang social media ang balitang pagka-detained kay Vhong Navarro sa NBI Detention Center. Nauna nang magbigay ng pahayag at suporta ang ilang mga kaibigan at kasamahan ng aktor kagaya na lamang kina Vice Ganda at Jhong Hilario.
Sa muling pagkakabukas ng kasong rape at Act of lasciviousness kay Vhong Navarro, muli ring naungkat ang ilang mga nakaraang reklamo laban sa aktor sa parehong kaso. Tanong tuloy ng ibang netizens, may posibilidad kayang totoong nagawa ito noon ni Vhong?
Samantala, sa isang panayam kay Anne Curtis, naitanong rito kung ano ang masasabi niya sa pagkatao ni Vhong bilang isang kaibigan at kasamahan sa trabaho. Naitanong rin kay Anne kung ano ang nakikita niyangpagtrato ni Vhong sa ibang babae.
Ayon kay Anne, kung ano ang nakikita ng mga tao onscreen ay ito ang totoong pagkatao ni Vhong. Sobrang bait umano nito bilang kaibigan at mabuti din ito sa ibang tao. Wala umanong masasabing masama si Anne sa pagkatao ni Vhong.