Ian De Leon Masayang Ibinahaging Nakasama ang Ina na si Nora Aunor!
Makikita sa video na ibinahagi ni Ian ang masayang pagdiriwang nila. Marami naman ang natuwa, lalong lalo na ang mga tagahanga ni Ate Guy na makita silang mag-iina na magkasama at may mga umaasang maging tulay si Ian para maayos ang relasyon ng kanilang ina sa iba pa nilang kapatid.
“Salamat Ian and Kenneth at bumisita kayo kay nanay nora no matter what happen ina nyo pa rin sya.”
“I’m happy to know that you spent Christmas with your Mom, Ms. Nora Aunor. I’m sure she was so happy.”
“Maraming salamat Ian at inuunawa mo nanay mo.napakaswerte ni nanay mo sa inyong lahat na magkakapatid kasi lahat kayo mababait kahit di niya kayo nabantayan o naalagaang mabuti lumaki kayong lahat ng maayos.”
Samantala, nauna nang binuweltahan ni Lotlot de Leon ang isang netizen na nagkomento sa Instagram post kaugnay sa lumabas na balita at litrato na nagsasabing hindi siya kasama sa mga kapatid niya na pumunta sa kanilang inang si Nora Aunor. Ayon sa netizen na nagkomento, masyado na umanong tinitiis ni Lotlot ang ina gayong ito ang umampon sa kanya.