glenda garcia and valiente main cast (inset)

Glenda Garcia on playing Leona Braganza, a kontrabida in the 1992 afternoon series Valiente, which was top-billed by Michael de Mesa. 
PHOTO/S: Glenda Garcia on Facebook and Valiente

Sa higit na tatlong dekada ng pagiging aktres ni Glenda Garcia, ang pagiging kontrabida sa afternoon drama series na Valiente ang hinding-hindi niya malilimutan.

Pagkatapos lumabas sa ilang pelikula at TV shows noong late ‘80s, naging big break ni Glenda ang kanyang role sa 1992 drama series ng GMA-7 at TAPE Inc. na umere ng limang taon sa telebisyon.

Sa naging panayam ngkay Glenda via Facebook Messenger last November 12, 2024, binalikan ng niya ang panahong nakilala at kinainisan siya ng maraming televiewers dahil sa pagganap niya bilang si Leona Braganza.

“Personal choice nila ako to play Leona Braganza sa Valiente.

“Sobrang daming galit sa akin noon. Naririnig ko yung mga comments ng ibang tao na pag nakita nila ako, sasabunutan ako.

“Na malandi ako kasi nga inaagaw ko si Gardo [Michael de Mesa] kay Maila [Mariz Ricketts] na kapatid ko.

“Marami pang nagsasabi na huwag akong magpapakita sa kanila kasi siguradong masasabunutan ako!” natatawang pagbalik-tanaw ni Glenda.

Pinatunayan naman ni Glenda na acting lang ang pagiging kontrabida niya. Hindi raw siya “Leona” sa tunay na buhay.

“Sa personal naman ay hindi naman matapang ang mukha ko at palagi akong nakangiti.

“Kapag nakikita ako ng mga tao, sinasabi nila na ‘Uy, mabait pala siya at hindi maarte!’”

glenda garcia on today’s kontrabidas

Dahil first kontrabida role iyon ni Glenda, wala raw siyang naging basehan ng character niya dahil hindi pa namamayagpag ang mga babaeng kontrabida noong mga panahon na iyon.

Aniya, “Wala talaga akong naging peg.

“Basta kung ano lang ang kailangan ng character ni Leona na matapang, malandi, luka-luka, yun ang ginawa ko.

“Pero sabi ni Direk Gina Alajar sa akin noon, para daw akong si Carol Varga.”

Si Carol Varga, o Carolina Encarnacion Vizconde Trinidad in real life, ang isa sa legendary screen villainess sa mga pelikula ng Lebran Production during the 1950s. Mga rivals ni Carol noon sa pagiging kontrabida sina Rosa Rosal ng LVN Pictures at Bella Flores and Zeny Zabala ng Sampaguita Pictures.

Para kay Glenda, malaki ang kaibahan ng pagganap ng kontrabida noon. Iba na raw ang naging villainess styles nila Gladys Reyes (Mara Clara), Princess Punzalan (Mula Sa Puso), Eula Valdes and Jean Garcia (Pangako Sa ‘Yo), at maging si Pinky Amador (Abot-Kamay Na Pangarap).

“Noon kasi, parang kailangan mas matapang magsalita ang mga kontrabida. Kailangan loud. Mas maingay, mas kontrabida ang dating.

“Parang iisa lang yung acting style ng kontrabida that time.

“Ngayon kasi, iba na. Mas marami kang puwede laruin kapag kontrabida ka. Di kailangan na laging matapang, maingay, at masalita.

“Mas subtle na ngayon ang pag-deliver ng mga linya at very scheming na ang mga kontrabida.”

glenda on valiente days with tirso cruz III, michael de mesa

Feeling lucky noon si Glenda dahil ang dalawang mahusay na aktor na sina Tirso Cruz III at Michael de Mesa ang lagi niyang nakaka-eksena sa Valiente.

Dara’s bandmates do her “In Or Out” dance steps | PEP Hot Story

Paglahad niya, “Sobrang cool lang silang dalawa.

“Tawanan lang kami before kunan yung mga scenes namin. Pero pag take na, sobrang serious na.

“Doon mo makikita na dedicated kami sa trabaho namin. Kapag take na, seryoso kaming lahat.”

Bukod kina Glenda, Tirso, at Michael, naging daan din ang Valiente para sa acting careers nina Jean Garcia, Mariz Ricketts, Eugene Domingo, Jose Manalo, Marissa Sanchez, Rustom Padilla, John Arcilla, at Sunshine Cruz.

“Sobrang grateful ako at naipagkatiwala sa akin ang character ni Leona Braganza. Kahit kontrabida, main character at isa rin siya bida ng Valiente.

“Natuwa din ako dahil three consecutive years akong na-nominate as best actress dahil kay Leona Braganza.

“Ito ang isa sa pinakamagandang role na nagampanan ko. Dito ako nakilala, kahit papaano, bilang si Glenda Garcia.”

glenda garcia on roles after valiente

After Valiente, parating naka-cast si Glenda sa iba’t ibang teleserye, kontrabida man o hindi.

Kuwento niya, “Mas kilala ako talaga bilang kontrabida. Pero nung ginawa ko yung Maging Sino Ka Man, mabait na nanay naman ako si John Lloyd Cruz.

“Yung ibang naging paboritong roles ko ay sa Sinner or SaintAkin Pa Rin Ang BukasFirst Yaya, at itong Lilet Matias: Attorney-At-Law as Tinang Ces.”

glenda garcia (R) plays ces matias in Lilet Matias: Attorney-at-Law, which is top-billed by Jo Berry (L)

Glenda Garcia (R) plays Ces Matias in Lilet Matias: Attorney-at-Law, which is top-billed by Jo Berry (L). 
Photo/s: PR

Sa GMA teleserye na Lilet Matias muling naranasan ni Glenda ang umarte sa mga nakakadurog-pusong eksena.

“Sobrang thankful ako sa tiwala at paniniwala na binigay sa akin ng GMA.

“At pati sa bumubuo ng production namin para ibigay nila sa akin ang character ni Tinang Ces.

“Muli akong nabigyan ng pagkakataon na umarte sa mga mabibigat na eksena kasama si Jo Berry, Sheryl Cruz, at Maricel Laxa.”

Nag-celebrate ng kanyang 55th birthday noong nakaraang November 8, si Glenda, at nagpasalamat ito sa lahat ng magagandang nangyayari ngayon sa buhay niya.

Isang dekada na kasi siyang cancer-free at patuloy ang magandang takbo ng kanyang buhay, pamilya, kalusugan, at showbiz career.

Birthday wish ni Glenda: “May God bless me, my son, my family and loved ones with good health, long life, happiness, joy, and success.”