Rhen ‘susulutin’ si Paulo kay Kim
![]()
Pangarap pala ni Rhen Escaño na makapareha sina Carlo Aquino at Paulo Avelino, huh!
Si Carlo ay naka-work na niya sa Viva One series na ‘Kung Hindi Lang Tayo Sumuko’ pero pipiliin niya pa rin itong makapareha.
Ayon kay Rhen, “Noong nag-i-start ako (sa showbiz), sobrang fan po ako ni Carlo Aquino. Naka-work ko na si Caloy dito sa past project ko sa Viva One sa ‘Kung Hindi Lang Tayo Sumuko’
“And noong maging friends kami, parang ah okey, parang iba na lang pala. Hindi, joke lang,” biro niya.
“Siya pa rin, napakagaling po talaga ni Carlo Aquino. Lagi po siyang nasa listahan ko kahit anong mangyari,” sey pa niya.
Magkakakilala naman daw sila ni Paulo dahil sa isang dinner with friends.
Mahusay rin daw kasing umarte si Paulo kaya gusto niya rin itong makapareha.
“Sobrang galing po talaga niya as in wala po akong Prime Video na app sa phone ko as in nag-download po talaga ako kasi grabe ‘yung ‘Linlang’.
“Kasi wala po talagang tapon as in sobra ko talagang idol, ever since naman kasi sinasabi ko talaga na siya ang gusto kong makatrabaho.
“As in kahit na mapahiya ako sa harapan niya kasi sobrang… alam ko sobrang galing niya, lalamunin niya ako pero grabe as in alam kong may matutunan ako sa kanya.
“‘Yung mga ganun kasing kaeksena na mga artista, iba, may… sa katulad ko po, as in iba ‘yung impact, eh. Iba ‘yung nakukuha ko talaga.”
Kwento niya pa, hindi raw ipapadama sa iyo ni Paulo na baguhan ka.
“Sobrang down to earth niya na parang feeling ko parang matagal na kayong magkakakilala.
“Sobrang generous din, sobrang bait, so sabi ko, okey siya.
“At may mga friends ako na naka-work siya, ganyan, chill, mabait po, very professional, kita naman natin,” pagtatapos niya.
May nagbiro tuloy na susulutin ni Rhen si Paulo kay Kim Chiu.
Pero wala naman daw dapat ika-worry ang fans ng ChiuPau, tawag sa tambalan nina Kim at Paulo, dahil hindi raw siya basta-basta napo-fall sa mga ka-work na nagpapakita ng kabaitan sa kanya.
Ayon pa kay Rhen, focus muna siya sa kanyang career at hindi siya magjojowa hangga’t hindi siya nagkakaroon ng billboard sa EDSA.
Tama naman si Rhen na dapat muna siyang mag-focus sa kanyang career lalo pa’t ang ganda-ganda ng itinatakbo nito ngayon.
Sunod-sunod nga ang blessings at projects na dumadating sa kanya.
Una na nga riyan ay makakasama siya sa upcoming teleserye ng TV5 na pagbibidahan ni Sarah Lahbati.
Extended din siya sa hit DonBelle teleserye na ‘Can’t Buy Me Love’ kung saan mas makikila pa ng viewers ang character niyang si Liv.
Siya rin ang kauna-unahang endorser ng CC6 Online Casino at ayon pa sa kanyang manager na si Aster Amoyo ay may kino-close pa silang isang endorsement.
News
Christopher de Leon, nagbukas ng tungkol sa hiwalayan nila ni Andy Andolong—ang dahilan ng kanilang paglayo ay mas shocking kaysa sa inaasahan mo! Alamin ang mga lihim na matagal na nilang itinagong, at ang buong katotohanan ay tiyak magugulat ka!
Ibinahagi ng misis ni Christopher De Leon na si Sandy Andolong na minsan ay sinubok rin ng pagkakataon ang pagsasama nila bilang mag-asawa. Sina Sandy Andolong at Christopher De Leon ay nagsasama na rin sa loob ng mahigit 40…
FOUND: Kathryn Bernardo and Alden Richards MV Leaked on Vacation Together…
In a surprising twist that has sent social media into a frenzy, rumors about a secret vacation between two of the Philippines’ biggest stars, Kathryn Bernardo and Alden Richards, have surfaced. A video, reportedly an unofficial behind-the-scenes clip of the…
Kim Chiu was shocked when Paulo Avelino revealed: “He doesn’t want me to work with other actors!”
Kim Chiu Shocked By Paulo Avclino’s Revelation: “He Doesn’t Want Me To Work With Other Actors!” In a surprising turn of events, popular actress Kim Chiu recently expressed her shock at co-star Paulo Avelino’s revelation. In an interview,…
Kim Chiu Binunyag Kung Paano Sya Niligawan Ni Paulo Avelino!
Kim Chiu Binunyag Kung Paano Sya Niligawan Ni Paulo Avelino! Sa isang nakakakilig na interview, Kim Chiu finalmente inamin kung paano siya niligawan ng aktor na si Paulo Avelino, at ang mga detalye ng kanilang love story ay tiyak na magbibigay ng kilig…
Rico Blanco CANNOT stand Maris Racal and Anthony Jennings’ HUSBANDS!
Rico Blanco CANNOT stand Maris Racal and Anthony Jennings’ HUSBANDS! In a recent behind-the-scenes moment that has fans buzzing, Rico Blanco, the renowned Filipino musician and songwriter, was caught off guard by the playful antics of rising stars…
MARIAN AT DINGDONG, NAIYAK SA FIRST CONCERT NI ZIA DANTES! BOSS NA PARANG ANGEL, PUMATOK SA PUBLIGO!
In an emotional and unforgettable moment, Marian Rivera and Dingdong Dantes were seen in tears during the debut concert of their daughter, Zia Dantes. The proud parents were overwhelmed with emotions as they watched Zia, only a young child, take…
End of content
No more pages to load