Xyriel Manabat reposts “daming pinagawa” comment of basher

Xyriel Manabat: “Sampu ba ilong ko?”
Xyriel Manabat exposes basher of her nose job

Hindi nakapagpigil ang aktres na si Xyriel Manabat at sinagot ang isang basher na pinuna ang kanyang ilong.

Sa Instagram kagabi, September 19, 2024, ipinost ni Xyril sa kanyang Story ang screenshot ng isang basher na pinupulaan ang kanyang ilong.

Ayon sa basher, parang hindi na nakuntento si Xyriel sa sarili dahil ang dami na raw nitong pinaretoke sa katawan.

Komento nito, “panget na panget sa sarili nya kaya daming pinagawa”

Patanong niyang sagot, “Sampu ba ilong ko?”

Ibig sabihin ng aktres ay ilong lang ng kanyang ipinagawa kaya nagtataka siya kung bakit sinasabi ng basher na marami siyang ipinagawa.

Xyriel Manabat basher screenshot

XYRIEL MANABAT HAPPY WITH HER NOSE JOB

Sa eksklusibong interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 2023, inamin ni Xyriel na nagpagawa nga siya ng kanyang ilong.

Sabi niya (published as is), “[Rhinoplasty] lang po [emoji] Super daming speculations na nagpa-lips daw po ako jaw eyes eyelid and browlift HAHAHAHAHAHAHAH Nose lang po [emoji]”

Sa pakikipagpalitan niya ng komento sa kanyang followers sa Instagram na nagagandahan sa kanya, ipinaliwanag ni Xyriel ang dahilan kung bakit siya nagpa-rhinoplasty.

Paliwanag niya sa isang nagtanong, “hi whats the point of denying po? Its something to be proud of… im being honest and transparent. Ofc whole po magbabago kasi nasa center po ng face ang nose and may madadamay at maapektuhan po talga na part ng face kaya magbabago po talaga whole face… cmmnsnse come on”

Sabi naman ng isang netizen, “masabi lang na honest nose lang daw. takpan mo ung nose. iba na ung mata. iba na din ung labi. pati mukha naging manipis. tapos nose lang daw. [laughing emojis]”

Ipinaliwanag ni Xyriel kung bakit tila naninibago sila sa kanyang mukha.

Aniya, “hi po im trying to improve how i apply my makeup so its possible po na manibago talaga kayo sa face ko but thats just how cosmetic/makeups work also im learning my facial features so i can apply the right type of makeup but im still experimenting po soooo in short make up ho yan kaya ho nagbago HAHAHAHHAHA but thanks for making this much time to notice my before and after pics and facial features”