Vice Ganda says ‘It’s Showtime’ co-host Jackie Gonzaga is a blessing to many people (ch)

Vice Ganda and Jackie Gonzaga in Its Showtime

Masarap sa pakiramdam para sa It’s Showtime host na si Jackie Gonzaga ang makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

Sa “Showing Bulilit” segment ng noontime variety show nitong Lunes (May 20), si Jackie ang naatasan na magbigay ng biyaya sa ilang masuswerteng pasahero ng tricycle.

Matapos ito, tinanong siya ni Vice Ganda kung ano ang naiisip niya habang at pagkatapos magbigay ng biyaya. Ayon kay Jackie, nakaramdam siya ng kaba bago maghanap ng mga taong matutulungan.

“Parang sana makita ko talaga ‘yung taong nangangailangan nung araw na ‘yon, na deserving sila doon sa blessing na makukuha nila. Tapos after, ‘yung nafi-feel ko, parang fulfilled at saka ang sarap sa puso, nakatulong tayo. Kasi ‘yung mga natulungan natin, selfless lahat sila. Hindi para sa kanila ‘yung perang nakuha nila,” aniya.

Patuloy niya, “So parang lahat ng nakuha nilang blessing, hindi para sa kanila. Wala man lang nagsabi na, ‘meron po akong gusto.’ Lahat ay para sa mahal nila sa buhay. Kaya ang sarap.”

Sinabi naman ng Unkabogable Star sa kanyang co-host na isa rin itong blessing sa maraming tao.

“At blessing ka sa kanila at blessing ka sa maraming tao. Isa kang blessing na dapat nakikita as a blessing,” ani ni Vice Ganda kay Jackie.

Panoorin ang pagbibigay ng tulong ni Ate Girl Jackie sa video sa ibaba.

Patuloy na subaybayan ang It’s Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Related Posts

Our Privacy policy

https://morenews247.com - © 2024 News